Ang Kalayaan ng Biyaya
Subalit napakasagana ng habag ng Diyos at napakadakila ng pag-ibig niya sa atin. Tayo'y binuhay niyang kasama ni Cristo noong tayo'y mga patay pa dahil sa ating pagsuway. Naligtas nga kayo dahil sa kanyang kagandahang-loob. Dahil sa ating pakikipag-isa kay Cristo Jesus, tayo'y muling binuhay na kasama niya upang mamunong kasama niya sa kalangitan. (Efeso 2:4–6 MBBTAG)
Ito ang mahalagang ginawa ng Diyos para sa ating pagbabagong-buhay: “tayo’y binuhay niyang kasama ni Cristo” kahit na “noong tayo’y mga patay pa dahil sa ating pagsuway.” Sa madaling salita, tpatay tayo sa Diyos. Hindi tayo tumutugon; wala tayong tunay na panlasang espirituwal o interes dito; wala tayong espiritwal na mata para sa kagandahan ni Kristo; patay lang talaga tayo sa lahat ng bagay na tunay na mahalaga.
Pagkatapos, kumilos ang Diyos—nang walang kondisyon—bago pa man tayo makagawa ng anumang bagay upang maging karapat-dapat na sisidlan ng Kanyang presensya. Binuhay Niya tayo. Ginising Niya tayo mula sa pagkakatulog ng espiritwal na kamatayan, upang makita ang kaluwalhatian ni Kristo (2 Corinto 4:4). Ang mga patay na pandamang espiritwal ay himalang nabuhay.
Sinasabi sa Efeso 2:4 na isa itong gawain ng “awa.” Ibig sabihin, nakita tayo ng Diyos sa ating pagkamatay at naawa Siya sa atin. Nakita ng Diyos ang kakila-kilabot na kabayaran ng kasalanan na humahantong sa walang hanggang kamatayan at pagdurusa. “Ang Diyos, na sagana sa awa . . . ay binigyan tayo ng buhay.” At ang yaman ng Kanyang awa ay umapaw sa atin sa ating pangangailangan. Ngunit ang kapansin-pansin sa tekstong ito ay ang pagputol ni Pablo sa daloy ng kanyang sariling pangungusap upang isingit, “sa pamamagitan ng biyaya ay naligtas ka.” “Binuhay tayo [ng Diyos] kasama si Kristo—sa pamamagitan ng biyaya ay naligtas ka— at itinaas tayo kasama niya.”
Uulitin ito ni Pablo sa talata 8. Kung gayon, bakit pa niya pinutol ang daloy ng kanyang sariling pangungusap upang idagdag ito dito? Heto pa pa, nakapokus ang pangugusap sa awa ng Diyos na tumutugon sa ating kaawa-awang kalagayan ng kamatayan; kaya bakit sinadya ni Pablo na banggitin na sa pamamagitan rin ng biyaya kaya tayo ay naligtas?
Sa tingin ko, nakita ni Pablo isa itong perpektong pagkakataon upang bigyang-diin ang kalayaan ng biyaya. Habang inilalarawan niya ang ating patay na kondisyon bago ang pagbabagong-buhay, napagtanto niya na ang patay na mga tao ay hindi makakatugon sa mga kondisyong ito. Kung sila ay mabubuhay, dapat mayroong walang kondisyon at lubos na malayang gawain ng Diyos upang iligtas sila. Ang kalayaang ito ang mismong puso ng biyaya.
Ano pang gawain ang mas di-timbang ang kalayaan at di-napagkasunduan kaysa sa isang tao na binubuhay ang isa pa mula sa kamatayan! Ito ang kahulugan ng biyaya.
Ang Bintana ng Puso
Alalahanin natin ang kanyang tinaglay na pasensya mula sa mga makasalanan na naging kalaban sa kanya, upang hindi tayo mapagod o magpatamlay. (Mga Hebreo 12:3)
Isa sa mga kahanga-hangang kakayahan ng isipan ng tao ay ang kapasidad nitong magtakda ng sariling atensyon sa isang bagay na kanyang pinipili. Kaya nating tumigil at sabihin sa ating mga isipan, “Isipin mo ito, at hindi iyon.” Kaya nating ituon ang ating atensyon sa isang ideya, larawan, suliranin, o pag-asa.
Isa itong kamangha-manghang kapangyarihan. Duda akong may ganito ang mga hayop. Malamang ay hindi nila kayang suriin ang kanilang sarili. Sinusundan lang nila ang kanilang mga udyok at instict.
Napabayaan mo na ba ang napakamakapangyarihang armas na ito sa iyong pakikipaglaban sa kasalanan? Paulit-ulit tayong tinatawag ng Biblia na gamitin ang biyayang ito. Ilabas natin ang biyayang ito, pagpagin ang alikabok, at gamitin.
Halimbawa, sinabi ni Pablo sa Roma 8:5–6, “Ang mga ayon sa laman ay nagsisikilala sa mga bagay ng laman, ngunit ang mga ayon sa Espiritu ay nagsisikilala sa mga bagay ng Espiritu. Sapagkat ang pag-iisip na nasa laman ay kamatayan, ngunit ang pag-iisip na nasa Espiritu ay buhay at kapayapaan" (aking pagsasalin).
Kahanga-hanga ito. Ang iyong iniisip ay nagtatakda kung ito ay buhay o kamatayan.
Marami sa atin ang naging masyadong pasibo sa ating paghahanap ng pagbabago, kaganapan, at kapayapaan. Sa palagay ko, sa ating panahon ng terapiya, nahulog na tayo sa pasibong pananaw ng simpleng “pagsasalaysay ng ating mga problema” o “pagharap sa ating mga isyu” o “pagtuklas ng mga ugat ng ating kahinaan sa pinagmulan nating pamilya.”
Ngunit nakikita ko ang isang mas aktibo at hdi-pasibong paraan ng pagbabago sa Bagong Tipan. Ito’y ang pagtatakda ng iyong isipan. “Itakda ninyo ang inyong mga isip sa mga bagay na nasa itaas, hindi sa mga bagay na nasa lupa” (Colosas 3:2).
Ang ating damdamin ay pinamumunuan ng ating iniisip — kung ano ang namamahay sa ating mga isipan. Halimbawa, sinabihan tayo ni Jesus na labanan ang damdamin ng pag-aalala sa pamamagitan ng ating iniisip: “Isipin ninyo ang mga alitaptap . . . Isipin ninyo ang mga azucena” (Lucas 12:24, 27).
Ang isipan ang bintana ng puso. Kung papabayaan nating palagi itong pamahayan ng kadiliman, mararamdaman ng puso ang kadiliman. Ngunit kung bubuksan natin ang bintana ng ating isipan sa liwanag, mararamdaman ng ang liwanag.
Higit sa lahat, ang matinding kapasidad ng ating isipan na magpokus at mag-isip ay itinakda para sa alalahanin si Jesus (Mga Hebreo 12:3). Kaya’t gawin natin ito: “Alalahanin natin ang kanyang tinaglay na pasensya mula sa mga makasalanan na naging kalaban sa kanya, upang hindi tayo mapagod o magpatamlay.”
Ang mga Utos na Lumilikha
At nalalantad ang lahat dahil sa liwanag. Kaya't sinasabi, “Gumising ka, ikaw na natutulog, bumangon ka mula sa libingan, at liliwanagan ka ni Cristo.” (Efeso 5:14 MBBTAG)
Nung inutusan ni Hesus si Lazaro na bumangon mula sa kanyang libingan, paano niya sinunod ang utos na ito? Sabi sa Juan 11:43, “Pagkasabi nito ay sumigaw Siya, ‘Lazaro, lumabas ka!’” Ito ang utos sa patay na tao. Sabi sa sumunod na talata, “Lumabas nga si Lazaro na nababalot ng telang panlibing ang mga kamay at paa” (Juan 11:44).
Paano ito nagawa ni Lazaro? Paano sumunod ang isang patay sa utos na siya’y muling mabubuhay? Ang sagot ay parang ganito: Ang utos ay may kaakibat na kapangyarihang lumikha ng isang bagong buhay. Ang pagsunod sa utos ay nangangahulugang paggawa kung ano man ang ginagawa ng mga tao.
Napakahalaga nito. Ang utos ng Panginoon, “”bumangon ka mula sa libingan!” ay may kaakibat na kapangyarihan na kailangan nating sundin. Hindi natin ito sinusunod sa pamamagitan ng paglikha ng buhay. Sinusunod natin ito sa pamamagitan ng paggawa ng ginagawa ng mga buhay — lumabas si Lazarus. Bumangon siya. Lumakad siya papunta kay Hesus. Ang utos ng Diyos ay lumilikha ng buhay. Tumutugon tayo sa kapangyarihan ng kung ano ang kayang gawin ng Kanyang utos.
Sinabi ni Pablo sa Efeso 5:14, “Gumising ka, ikaw na natutulog, bumangon ka mula sa libingan, at liliwanagan ka ni Cristo.” Paano ka susunod sa isang utos na gumising sa iyong pagtulog? Kung ang iyong bahay ay may lason na carbon monoxide, at may sumisigaw, “Gising! Iligtas mo ang iyong sarili! Lumabas ka!” hindi ka sumusunod sa paggising sa sarili mo. Ang malakas at makapangyarihang utos mismo ang gumigising sa iyo. Sumusunod ka sa pamamagitan ng paggawa ng ginagawa ng mga taong nahaharap sa panganib. Tatayo ka’t aalis sa iyong bahay. Ang utos ang lumilikha ng paggising. Tumutugon ka sa kapangyarihan nilikha ng utos — ang pagmulat.
Naniniwala ako na ito ang paliwanag kung bakit sinasabi ng Biblia ang mga bagay na paradoxical tungkol sa bagong kapanganakan; kumbaga, dapat tayong magkaroon ng bagong puso, ngunit ang Diyos lamang ang makababago ng ng puso natin. Halimbawa:
Deuteronomio 10:16: “Kaya nga, maging masunurin kayo!”
Deuteronomio 30:6 “Babaguhin niya at lilinisin ang inyong puso.”
Ezekiel 18:31: “Lumayo kayo sa inyong kasamaan at magbagong-buhay.”
Ezekiel 36:26a; “Bibigyan ko kayo ng bagong puso at bagong espiritu.”
Juan 3:7a; “Kayong lahat ay kailangang ipanganak na muli.”
1 Pedro 1:3: “Tayo’y binigyan Niya ng isang panibagong buhay.”
Ang paraan ng pagsunod sa utos na ipanganak ay maranasan muna ang banal na kaloob ng buhay at hininga, at pagkatapos ay gawin ang ginagawa ng mga taong may buhay: malakas na tumawag sa Diyos nang may pananampalataya, pasasalamat, at pagmamahal. Kapag ang utos ng Diyos ay dumating kasama ng lumilikha’t nagpapabagong-loob na kapangyarihan ng Banal na Espiritu, ito ay nagbibigay-buhay. At tayo’y naniniwala, nagagalak, at sumusunod.
Magagawa ng Diyos na pasaganain kayo sa lahat ng bagay, at higit pa sa inyong pangangailangan, upang sumagana kayo para sa mabubuting gawa. (2 Corinto 9:8 MBBTAG)
Alam natin na ang pananampalataya sa hinaharap na biyaya ng Diyos ang susi sa karanasan ng pagiging mapagbigay, dahil sa 2 Corinto, inilahad ni Pablo ang kahanga-hangang pangako na ito: “Magagawa ng Diyos na pasaganain kayo sa lahat ng bagay, at higit pa sa inyong pangangailangan, upang sumagana kayo para sa mabubuting gawa” (2 Corinto 9:8 MBBTAG).
Sa madaling salita, kung gusto mong maging malaya mula sa pangangailangang mag-ipon ng pera, kung gusto mong umapaw sa kasaganaan (ng biyaya!) para sa bawat mabuting gawa, magtiwala ka sa hinaharap na biyaya. Magtiwala sa pangako na “ang Diyos ay may kakayahang gawing sagana sa iyo” sa bawat hinaharap na sandali para sa layuning ito.
Tinawag ko ang pananampalataya sa hinaharap na biyaya bilang “susi sa karanasan” sa pagiging mapagbigay, upang hindi maitanggi na mayroon ding susi sa kasaysayan. May susi ng karanasan at susi ng kasaysayan. Sa pag-uusap tungkol sa biyayang natanggap nila, pinapaalala ni Pablo sa mga taga-Corinto ang historikal na susi ng biyaya, “Hindi kaila sa inyo ang kagandahang-loob ng ating Panginoong Jesu-Cristo, na kahit na mayaman ay naging dukha upang maging mayaman kayo sa pamamagitan ng kanyang pagiging dukha” (2 Corinto 8:9 MBBTAG).
Kung wala ang historikal na gawain ng biyaya, mananatiling sarado ang pintuan ng pagiging mapagbigay na nagpaparangal kay Cristo. Kailangang-kailangan ang nakaraang biyaya bilang susi ng pag-ibig.
Ngunit pansinin kung paano gumagana ang nakaraang biyaya sa talatang ito. Ito ay ginawang pundasyon (naghirap si Cristo) ng hinaharap na biyaya (na tayo ay magiging mayaman). Kaya, ang historikal na susi sa ating pagiging mapagbigay ay gumagana sa pamamagitan ng paglalagay ng pundasyon sa ilalim ng susi sa karanasan ng pananampalataya sa hinaharap na biyaya.
Kaya naman, ito ang susi sa karanasan sa pag-ibig at pagiging mapagbigay: Matatag mong ilagay ang iyong pananampalataya sa hinaharap na biyaya — na “ang Diyos ay may kakayahan (sa hinaharap) na gawing sagana sa iyo ang lahat ng (hinaharap na) biyaya” — upang matugunan ang iyong mga pangangailangan, at upang magkaroon ka ng kakayahan na umapaw sa pag-ibig ng pagiging mapagbigay.
Ang kalayaan mula sa kasakiman ay nagmumula sa malalim at kasiya-siyangpananampalataya sa hinaharap na biyaya ng Diyos.
Nakita kong nakatayo sa harap ng trono ang mga namatay, maging dakila at hamak, at binuksan ang mga aklat. Binuksan ang isa pang aklat, ang aklat ng buhay. Hinatulan ang mga patay ayon sa kanilang ginawa, batay sa nakasulat sa mga aklat. (Pahayag 20:12 MBBTAG)
Paano sa huling paghuhukom? Maaalala ba ang ating mga kasalanan? Mabubunyag ba ang mga ito? Ganito ang matalinong sabi ni Anthony Hoekema: “Ang mga pagkukulang at pagkakamali ng mga . . . mananampalataya . . . ay magiging bahagi ng larawan sa Araw ng Paghuhukom. Ngunit — at ito ang mahalagang punto — ang mga kasalanan at pagkukulang ng mga mananampalataya ay ipapakita sa paghuhukom bilang mga kasalanang napatawad na, mga salang lubusang natatakpan ng dugo ni Hesu-Kristo.”
Isipin mo ito sa ganitong paraan. May talaan ang Diyos para sa bawat tao (ang “mga aklat” sa Pahayag 20:12). Lahat ng iyong ginawa o sinabi (Mateo 12:36) ay nakatala doon na may marka (mula sa “A” hanggang sa “F”). Kapag humarap ka sa “trono ng paghuhukom ni Kristo” (2 Corinto 5:10) upang hatulan “ayon sa [iyong] ginawa sa katawan, mabuti man o masama,” bubuksan ng Diyos ang iyong talaan at ilalabas ang mga pagsusulit na may marka. Ilalabas Niya lahat ng “F” at ilalagay sa isang bunton. Pagkatapos ay kukunin Niya lahat ng “D” at “C” at huhugutin ang mabubuting bahagi ng pagsusulit at ilalagay ang mga ito kasama ng mga “A,” saka ilalagay ang masasamang bahagi sa bunton ng “F.” Pagkatapos ay kukunin niya lahat ng “B” at “A” at tatanggalin ang masasamang bahagi nito at ilalagay sa bunton ng “F,” at ilalagay ang lahat ng mabubuting bahagi sa bunton ng “A.”
Pagkatapos nito, bubuksan Niya ang isa pang talaan (“ang aklat ng buhay”) at makikita Niya rito ang iyong pangalan, dahil nasa kay Kristo ka sa pamamagitan ng pananampalataya. Sa likod ng iyong pangalan ay may posporo na gawa sa krus ni Hesus. Kukunin Niya ang posporo, sisindihan ito, at susunugin ang bunton ng “F,” na naglalaman ng lahat ng iyong mga pagkakamali at kakulangan. Hindi ka nila hahatulan, at hindi ka nila bibigyan ng gantimpala.
Pagkatapos, kukunin Niya mula sa iyong talaan sa “aklat ng buhay” ang isang selyadong sobre na may markang “libre at puno ng grasyang bonus: buhay!” at ilalagay ito sa bunton ng mga “A” (tingnan ang Marcos 4:24 at Lucas 6:38). Pagkatapos, itataas Niya ang buong bunton at idedeklara, “Sa pamamagitan nito ang iyong buhay ay nagpapatotoo sa biyaya ng Aking Ama, sa halaga ng Aking dugo, at sa bunga ng Aking Espiritu. Nagpapatotoo ang mga ito na ang iyong buhay ay walang hanggan. At ayon sa mga ito, tatanggap ka ng iyong mga gantimpala. Pumasok ka sa walang hanggang kagalakan ng iyong Panginoon.”
Sandali Lamang
Pagkatapos ninyong magtiis sa loob ng maikling panahon, ang Diyos, na siyang pinanggagalingan ng lahat ng pagpapala, ang siyang magbibigay sa inyo ng kagalingan, katatagan, at lakas ng loob at isang pundasyong di matitinag. (1 Pedro 5:10 MBBTAG)
Minsan, sa gitna ng mga paghihirap at pang-araw-araw na stress ng buhay, puwede tayong sumigaw, “Gaano katagal pa, O Panginoon? Hindi ko makita ang lampas sa sakit ngayon. Ano ang magiging bukas? Nandoon ka rin ba para sa pagsubok na iyon?”
Lubos na mahalaga ang tanong na ito, dahil sinabi ni Hesus, “Ang taong magtitiis hanggang wakas ay maliligtas” (Marcos 13:13). Nanginginig tayong isipin na baka mapabilang tayo sa “mga umaatras at napapahamak” (Hebreo 10:39). Hindi tayo naglalaro lamang. Ang pagdurusa ay isang kakila-kilabot na banta sa pananampalataya sa hinaharap na biyaya ng Diyos.
Kaya naman, isang kahanga-hangang bagay na marinig ang pangako ni Pedro sa mga naghihirap at pagod na mga Kristiyano, “Pagkatapos ninyong magtiis sa loob ng maikling panahon, ang Diyos, na siyang pinanggagalingan ng lahat ng pagpapala, ang siyang magbibigay sa inyo ng kagalingan, katatagan, at lakas ng loob at isang pundasyong di matitinag” (1 Pedro 5:10).
Ang katiyakan na hindi patatagalin anghigit sa ating makakayanan, at aalisin Niya ang mga kapintasan na ating iniiyakan, at itatatag Niya magpakailanman ang mga bagay na matagal nang nag-aalangan — ang katiyakang ito ay nagmumula sa Diyos ng “lahat ng biyaya.”
Ang Diyos ay hindi Diyos ng ilang biyaya lamang — tulad ng lumipas na biyaya. Siya “ang Diyos ng lahat ng biyaya” — kasama ang walang hanggan at di-auubos na kamalig ng hinaharap na biyaya na kailangan natin upang tumagal hanggang sa wakas.
Ang pananampalataya sa hinaharap na biyayang ito, na pinalakas ng alaala ng nakaraang biyaya, ang susi upang magpatuloy tayo sa makitid at mahirap na daan na patungo sa buhay.
Kunin ang Ayaw Mong Mawala
Tiningnan sila ni Jesus at sinabi sa kanila, “Hindi ito kayang gawin ng tao, ngunit hindi ito imposible sa Diyos. Sapagkat ang lahat ng bagay ay kayang gawin ng Diyos.” (Marcos 10:27 MBBTAG)
Heto ang dalawang mahusay na insentibo mula kay Hesus para maging isang Pandaigdig na Kristiyano at ialay ang iyong sarili sa adhikain ng mga Misyong Panghangganan. Bilang pupunta o magpapadala.
1. Ang bawat imposible sa tao ay posible sa Diyos (Marcos 10:27). Ang pagbabalik-loob ng mga nasanay na sa kasalanan ay pagkilos ng Diyos at naaayon sa Kanyang dakilang plano. Hindi natin dapat matakot o mag-alala sa ating kahinaan. Sa Panginoon ang laban, at Siya ang magbibigay ng tagumpay sa atin.
2. Nangako si Kristo na kikilos Siya para sa atin, at magiging para sa atin, kaya naman pagkatapos ng ating buhay misyonero, hindi natin masasabing nagsakripisyo tayo ng anuman (Marcos 10:29–30).
Kapag sinusunod natin ang Kanyang preskripsyon sa misyon, matutuklasan natin na kahit ang masasakit na side effects ay nagpapabuti sa ating kalagayan. Ang ating espirituwal na kalusugan, ang ating kagalakan — lumalago ang mga ito nang sandaang ulit. At kapag tayo'y namatay, hindi tayo namamatay. agkakamit tayo ng buhay na walang hanggan.
Hindi ako nananawagan na pagtibayin niyo ang inyong loob at mag-sakripisyo para kay Kristo. Nanawagan akong talikuran niyo ang lahat ng meron kayo, upang makamtan ang buhay na makakapuno sa pinakamalalalim niyong pangarap. Nanawagan akong ituring niyo ang lahat ng bagay na basura para sa higit na halaga ng paglilingkod sa Hari ng mga hari. Nanawagan akong tanggalin niyo ang inyong mga biniling basahang at isuot ang damit ng mga sugo ng Diyos.
Nangangako akong makakaranas kayo ng mga pag-uusig at kahirapan — ngunit tandaan ninyo ang kagalakan! "Pinagpala ang mga inuusig nang dahil sa kanilang pagsunod sa kalooban ng Diyos, sapagkat kabilang sila sa kaharian ng langit." (Mateo 5:10 MBBTAG)
Noong Enero 8, 1956, pinatay ng limang katutubo ng tribong Waorani sa Ecuador sina Jim Elliot at ang kanyang apat na kasamang misyonero habang sinusubukan nilang dalhin ang ebanghelyo sa tribong Waorani na may animnapung tao.
Apat na batang misis ang nawalan ng mga asawa at siyam na bata ang nawalan ng kanilang mga ama. Isinulat ni Elisabeth Elliot na tinawag ito ng mundo bilang bangungot ng trahedya. Pagkatapos ay idinagdag niya, “Hindi kinilala ng mundo ang katotohanan ng pangalawang bahagi sa kredo ni Jim Elliot: ‘Hindi siya hangal na nagbibigay ng hindi niya maaaring itago upang makamtan ang hindi niya maaaring mawala.’”
Ang Kalooban ng Diyos ay na Ikaw ay Lumapit
Kaya't lumapit tayo sa Diyos nang may pusong tapat. (Hebreo 10:22 MBBTAG)
Ang utos na ibinigay sa atin sa talatang ito ay ang lumapit sa Diyos. Ito ang pangunahing layunin ng awtor ng aklat ng Hebreo: na lumapit tayo sa Diyos, na magkaroon tayo ng pakikisama sa Kanya, na hindi tayo maging kuntento sa isang Kristiyanong buhay na malayo sa Diyos.
Hindi isang pisikal na kilos ang paglapit na ito. Hindi ito pagtatayo ng tore ng Babel ng iyong mga tagumpay upang makarating sa langit. Hindi ito pagpunta sa isang gusali ng simbahan. O paglalakad patungo sa altar sa harapan. Isa itong di-nakikitang kilos ng puso. Magagawa mo ito kahit nakatayo ka lang at di gumagalaw, o habang nakahiga sa kama ng ospital, o nasa tren habang papunta sa trabaho.
Ito ang sentro ng ebanghelyo — ito ang dahilan ng hardin ng Getsemani at Biyernes Santo — na gumawa ang Diyos ng mga bagay na nakakagulat at malaki ang kabayatan, upang mapalapit tayo sa Kanya. Ipinadala Niya ang Kanyang Anak upang magdusa at mamatay, upang sa pamamagitan Niya’y makalapit tayo. Lahat ng Kanyang ginawa sa dakilang plano ng pagtubos ay para makalapit tayo. At para sa ating kagalakan at Kanyang kaluwalhatian ang paglapit na iyon.
Hindi Niya tayo kailangan. Kung mananatili tayong malayo, hindi Siya maghihirap. Hindi Niya tayo kailangan upang maging masaya sa pakikisama ng Trinidad. Ngunit pinapalaki Niya ang Kanyang awa nang binigyan Niya tayo ng malayang access sa pamamagitan ng Kanyang Anak, sa kabila ng ating kasalanan, sa tanging Realidad na makakapagbigay ng ganap at walang-hanggang kasiyahan sa ating mga kaluluwa—walang iba kundi Siya mismo. “Sa piling mo'y madarama ang lubos na kagalakan;
ang tulong mo’y nagdudulot ng ligayang walang hanggan.” (Awit 16:11 MBBTAG).
Ito ang kalooban ng Diyos para sa iyo, kahit na habang binabasa mo ito. Ito ang dahilan kung bakit namatay si Kristo: upang lumapit ka sa Diyos.
Ang Ating Kalabang Walang Pangil
Kayong dating patay dahil sa kasalanan, kayong mga Hentil na hindi saklaw ng pagtutuli ayon sa Kautusan ay binuhay ng Diyos na kasama ni Kristo. Pinatawad niya ang ating mga kasalanan at pinawalang-bisa ang lahat ng naisulat na alituntunin laban sa atin, pati ang mga pananagutang kaugnay nito. Pinawi niya ang lahat ng ito nang ipako siya sa krus. Sa pamamagitan ng kanyang kamatayan sa krus, nilupig niya ang mga pinuno at kapangyarihan ng sanlibutan. Ang mga ito'y parang mga bihag na kanyang ipinarada sa madla bilang katunayan ng kanyang pagtatagumpay (Colosas 2:13–15 MBBTAG )
Ito ang dahilan kung bakit malaki ang pagkakaiba ng pagsasama kay Kristo para sa mananampalataya: akamit ni Kristo ang isang tiyak na tagumpay laban sa diyablo sa Kalbaryo. Hindi niya inalis si Satanas sa mundo, ngunit dinisarma niya ito sa paraang nawala ang sandata ng kapahamakan sa kanyang kamay.
Hindi niya maaakusahan ang mga mananampalataya ng di-pinatawad na kasalanan. Ito lang ang akusasyon na makakasira sa atin. At dahil dito, hindi niya tayo madadala sa ganap na pagkawasak. Maaari niyang saktan tayo pisikal at emosyonal — kahit patayin tayo. Maaari niyang tuksuhin tayo at udyukan ang iba laban sa atin. Ngunit hindi niya tayo masisira.
Ang tiyak na tagumpay ng Colosas 2:13–15 ay dahil sa “talaan ng utang na laban sa atin” ay ipinako sa krus. Ginamit ng diyablo ang talaang ito bilang kanyang pangunahing akusasyon laban sa atin. Ngayon wala na siyang akusasyong maaaring tumayo sa hukuman ng langit. Wala siyang magagawa sa bagay na pinakagusto niyang gawin: ang tayo'y kapahamakan. Hindi niya magagawa. Pinasan ni Kristo ang ating kapahamakan. Ang diyablo ay dinisarma.
Isa pang paraan ng pagpapahayag nito ay sa Hebreo 2:14–15: “[Naging tao si Kristo] upang sa pamamagitan ng kamatayan ay sirain niya ang may kapangyarihan sa kamatayan, iyon ay, ang diyablo, at palayain ang lahat ng mga nasa panghabambuhay na pagkaalipin dahil sa takot sa kamatayan.”
Ang kamatayan ay kaaway pa rin natin. Ngunit ito ay nawalan na ng pangil. Ang lason ng ahas ay natanggal na. Wala na ang nakamamatay na saksak. Ang saksak ng kamatayan ay kasalanan. At ang kapangyarihan ng kasalanan na magdulot ng kapahamakan ay nasa hinihingi ng batas. Ngunit salamat kay Kristo na tumupad sa hinihingi ng batas. ““Nasaan, O kamatayan, ang iyong tagumpay? Nasaan, O kamatayan, ang iyong kamandag?” (1 Corinto 15:55 MBBTAG).
Ang Pinakamaliit na Pananampalataya
Maliwanag kung gayon, na ang pasya ng Diyos ay nababatay sa kanyang habag, at hindi sa kagustuhan o pagsisikap ng tao. (Roma 9:16 MBBTAG)
Sa simula pa lang ng taon, linawin natin na ang lahat ng matatanggap natin mula sa Diyos ngayong taon, bilang mga mananampalataya kay Hesus, ay awa. Anuman ang kasiyahan o sakit na darating sa atin ay pawang habag.
Ito ang dahilan kung bakit pumarito si Kristo sa mundo: “at upang ang mga Hentil naman ay magpuri sa Diyos dahil sa kanyang habag” (Roma 15:9). Tayo ay muling ipinanganak “sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Jesu-Cristo.” (1 Pedro 1:3). Araw-araw tayong nananalangin “upang makamtan natin ang habag at pagpapala na tutulong sa atin” (Hebreo 4:16); at ngayon ay nananatili tayo “sa pag-ibig ng Diyos habang naghihintay [tayo] sa ating Panginoong Jesu-Cristo na magkakaloob sa [atin] ng buhay na walang hanggan” (Judas 1:21). Kung may Kristiyanong mapagkakatiwalaan, ito ay “dahil sa habag ng Diyos ay mapagkakatiwalaan” (1 Corinto 7:25).
Sa Lucas 17:5–6, nakiusap ang mga apostol sa Panginoon, “Dagdagan mo ang aming pananampalataya!” At sinabi ni Jesus, “Kung kayo ay may pananampalataya na kasingliit ng buto ng mustasa, masasabi ninyo sa punong ito, ‘Mag-ugat ka at matanim sa dagat,’ at ito'y tatalima sa inyo.” Sa madaling salita, ang isyu sa ating buhay at ministeryong Kristiyano ay hindi ang lakas o dami ng ating pananampalataya, dahil hindi ito ang nag-uugat ng mga puno. Ang Diyos ang gumagawa nito. Kaya naman, ang pinakamaliit na pananampalatayang tunay na nag-uugnay sa atin kay Kristo ay magdudulot ng sapat na kapangyarihan para sa lahat ng ating pangangailangan.
Ngunit paano naman sa mga panahong matagumpay mong sinusunod ang Panginoon? Inaalis ka ba ng iyong pagsunod mula sa kategorya ng nanghihingi ng habag? Sinagot ito ni Hesus sa Lucas 17:7–10.
“Kapag nanggaling ang inyong alipin sa pag-aararo o pagpapastol ng mga tupa sa bukid, inaanyayahan ba ninyo siya agad upang kumain? Hindi ba't ang sasabihin ninyo ay, ‘Ipaghanda mo ako ng hapunan, magbihis ka, at pagsilbihan mo ako habang ako'y kumakain. Pagkakain ko, saka ka kumain.’ Pinasasalamatan ba ng amo ang kanyang alipin dahil sinusunod siya nito? Ganoon din naman kayo; kapag nagawa na ninyo ang lahat ng iniuutos sa inyo, sabihin ninyo, ‘Kami'y mga aliping walang kabuluhan; tumutupad lamang kami sa aming tungkulin.’”
Kaya nga, natutukoy ko, ang pinakamataas na pagsunod at ang pinakamaliit na pananampalataya ay nakakakuha ng parehong bagay mula sa Diyos: habag. Isang butil lang ng mustasa na pananampalataya ay nakakakuha ng habag ng Diyos para sa kapangyarihang mag-ugat ng mga puno. At ang walang kamaliang pagsunod ay nag-iiwan sa atin na lubos na umaasa sa habag.
Ito ang punto: Anuman ang tiyempo o anyo ng habag ng Diyos, hindi natin kailanman mahihigitan ang pagiging mga benepisyaryo ng awa. Palagi tayong lubos na umaasa sa hindi tayo nararapat.
Kaya't magpakumbaba tayo at magalak at “magpuri sa Diyos dahil sa kanyang habag!”
Enero 2
Ano ang Ginawa ni Hesus para sa Kamatayan
Itinakda sa mga tao na minsan lamang mamatay at pagkatapos ay ang paghuhukom. Gayundin naman, si Kristo'y minsan lamang inihandog upang pawiin ang mga kasalanan ng mga tao. Siya'y muling darating, hindi upang muling ihandog dahil sa kasalanan, kundi upang iligtas ang mga naghihintay sa kanya. (Hebreo 9:27–28 MBBTAG)
Ang kamatayan ni Hesus ay nagpapasan ng mga kasalanan. Ito ang mismong puso ng Kristiyanismo, ang puso ng ebanghelyo, at ang puso ng dakilang gawain ng Diyos sa pagtubos sa mundo. Nang mamatay si Kristo, pinasan Niya ang mga kasalanan. Kinuha Niya ang mga kasalanang hindi sa Kanya. Nagdusa Siya para sa mga kasalanang ginawa ng iba, upang makalaya sila mula sa kasalanan.
Ito ang sagot sa pinakamalaking problema sa iyong buhay, kahit na hindi mo ito maramdaman bilang pangunahing problema. May sagot kung paano tayo makakasundo sa Diyos sa kabila ng pagiging makasalanan natin. Ang sagot ay ang kamatayan ni Kristo bilang handog "upang pasanin ang mga kasalanan ng marami." Inangat Niya ang ating mga kasalanan at dinala ang mga ito sa krus at doon namatay ng kamatayang nararapat nating danasin.
Ngayon, ano ang ibig sabihin nito para sa aking kamatayan? "Itinalaga [ako] na mamatay minsan." Ibig sabihin, hindi na parusa ang aking kamatayan. Hindi na ito parusa para sa kasalanan.. Ang aking kasalanan ay inalis na. “Inaalis” ito sa pamamagitan ng kamatayan ni Kristo. Si Kristo ang tumanggap ng parusa.
Bakit pa ako mamamatay kung ganun? Dahil nais ng Diyos na manatili ang kamatayan sa mundo sa ngayon, kahit sa Kanyang sariling mga anak, bilang patuloy na patotoo sa matinding kasuklaman ng kasalanan. Sa ating pagkamatay, ipinapakita pa rin natin ang panlabas na epekto ng kasalanan sa mundo.
Ngunit ang kamatayan para sa mga anak ng Diyos ay hindi na galit ng Diyos laban sa kanila. Naging daan na natin ito sa kaligtasan at hindi sa pagkondena.
Pagkamangha sa Katapusan ng Kasaysayan
At kayong mga pinahihirapan ay [bibigyan ng Diyos] ng kapahingahang kasama namin, sa pagkapahayag ng Panginoong Jesus mula sa langit na kasama ang kanyang mga makapangyarihang anghel, na nasa nagliliyab na apoy, na magbibigay ng parusa sa mga hindi kumikilala sa Diyos at sa mga hindi sumusunod sa ebanghelyo ng ating Panginoong Jesus. Ang mga ito’y tatanggap ng kaparusahang walang hanggang pagkapuksa at palalayasin sa harapan ng Panginoon at mula sa kaluwalhatian ng kanyang kalakasan, kapag dumating siya sa araw na iyon upang luwalhatiin sa kanyang mga banal, at kamanghaan ng lahat ng mga sumasampalataya, sapagkat ang aming patotoo sa inyo ay pinaniwalaan.” (2 Tesalonica 1:7-10, ABTAG2001)
Sa pagbabalik ni Jesus sa mundong ito, na ipinangako Niyang gagawin, ang mga di-naniwala sa ebanghelyo, sabi ni Pablo, ay “tatanggap ng kaparusahang walang hanggang pagkapuksa at palalayasin sa harapan ng Panginoon at mula sa kaluwalhatian ng kanyang kalakasan.” Isa itong kakila-kilabot na tanawing dapat katakutan ng lahat ng mga di-mananampalatayang nakakarinig sa katotohanang ito.
At naku, dapat itong magpatino sa ating mga mananampalataya at punuin tayo ng kaseryosohan tungkol sa ano’ng nakataya sa mundong ito. Oh, dapat itong magdulot ng pagbangon ng malasakit sa ating puso para sa mga taong di naniniwala, o di man lang nakakaalam, ng ebanghelyo.
Ngunit upang magpatuloy tayo sa kabila ng lahat ng ating paghihirap, binibigyan tayo ni Pablo ng dalawang kamangha-manghang salita na nagbibigay-lakas ng loob at pag-asa. “At kayong mga pinahihirapan ay [bibigyan ng Diyos] ng kapahingahan.” Kung nakakaranas tayo ng matinding pagpapaigting ng paghihirap sa nalalapit na katapusan ng kasaysayan, ang salita ng Diyos ay nagsasabi: Kumapit nang mahigpit; paparating na ang ginhawa. Ang iyong mga paghihirap ay hindi mabibigyan ng huling salita. At pagsisisihan ng inyong mga tila makapangyarihang kalaban ang araw na pinakialaman nila ang pinili ng Panginoon.
Ngunit pagkatapos ay narito ang pinakamagandang salitang nagbibigay ng lakas ng loob at pag-asa. Hindi lamang tayo makakakuha ng ginhawa kapag dumating ang Panginoon, makakamit natin ang pinakadakilang karanasan na siyang dahilan kung bakit tayo nilikha: Makikita natin ang Kanyang kaluwalhatian, at mamamangha tayo sa paraang maluluwalhati Siya sa atin, at makikita ito ng buong mundo.
Talata 10: “Dumating siya sa araw na iyon upang luwalhatiin sa kanyang mga banal, at kamanghaan ng lahat ng mga sumasampalataya.” Nilikha tayo upang mamangha. Wala at walang sinuman ang mas kamangha-mangha kaysa kay Jesu-Cristong ipinako sa krus, nabuhay na mag-uli, at nagbabalik bilang Hari ng kaluwalhatian. Makakamit Niya ang tadhana ng Kanyang kaluwalhatian, at makakamit natin ang tadhana ng ating kagalakan habang sinisimulan natin ang perpekto, walang-sala’t walang katapusang pagkamangha sa pinakadakilang dapat kamanghaan.
Devotional excerpted from Desiring God, page 321
This article was translated by Joshene Bersales and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click https://www.desiringgod.org/articles/marveling-at-the-end-of-history
Joshene Bersales considers Joshua her Bible hero, and strives to have faith that can make the sun stand still. She graduated with an AB Literature (English) degree from Ateneo de Manila University. She is a writer, editor, and translator. Joshene loves theater, traveling, and tea. You can find her on IG (@joshenebersales) and Facebook (https://www.facebook.com/joshenebersales/).
John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.
Kagalakan sa Kapighatian
“Mapapalad kayo kapag kayo ay nilalait, inuusig, at pinagsasabihan ng sari-saring kasamaan na pawang kasinungalingan dahil sa akin. Magalak kayo at magsaya, sapagkat malaki ang gantimpala ninyo sa langit.” (Mateo 5:11-12, ABTAG 2001)
Sinasabi ng Cristianong Hedonismo na may iba’t ibang paraan upang magalak sa kapighatian bilang isang Cristiano. Lahat ng ito ay dapat gawin bilang pagpapahayag ng buong sapat at buong kasiya-siyang biyaya ng Diyos.
Isang paraan upang magalak sa kapighatian ay nagmumula sa pag-pokus ng ating isipan sa laki ng gantimpalang darating sa atin sa muling-pagkabuhay. Ang epekto ng ganitong uri ng pokus ay ito: Lumiliit ang ating kasalukuyang sakit kumpara sa paparating pa lamang: “Itinuturing ko na ang pagtitiis sa panahong kasalukuyan ay hindi karapat-dapat maihambing sa kaluwalhatiang mahahayag sa atin” (Roma 8:18 cf. 2 Corinto 4:16–18). Habang tinitiis natin ang pagdurusa, nagagawa nating umibig dahil sa kagalakan natin sa ating matatanggap na gantimpala.
“Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway at gumawa kayo ng mabuti, magpahiram kayo na hindi umaasa ng kapalit. Malaki ang magiging gantimpala ninyo” (Lucas 6:35). Maging mapagbigay sa mga mahihirap “at pagpapalain ka, sapagkat wala silang maigaganti sa iyo. Gagantihan ka sa muling pagkabuhay ng mga matuwid” (Lucas 14:14). Pinuputol ng tiwala sa ipinangakong gantimpalang ito ang lubid ng pagiging makamundo at pinapalaya tayo para sa halaga ng pag-ibig.
Ang isa pang paraan upang magalak sa kapighatian ay nagmumula sa mga epekto ng pagdurusa sa ating katiyakan ng pag-asa. Ang kagalakan sa paghihirap ay nakaugat hindi lamang sa pag-asa ng muling pagkabuhay at gantimpala, kundi pati na rin sa paraan na ang mismong pagdurusa’y kumikilos upang palalimin ang pag-asang iyon.
Halimbawa, sinabi ni Pablo, “Nagagalak rin tayo sa ating mga kapighatian sa pagkaalam na ang kapighatian ay nagbubunga ng pagtitiis, at ang pagtitiis ng pagpapatibay; at ang pagpapatibay ng pag-asa” (Mga Taga Roma 5:3–4).
Sa madaling salita, ang kagalakan ni Pablo ay hindi lamang nakaugat sa kanyang malaking gantimpala, kundi sa epekto ng kapighatian na nagpapatatag sa pag-asa sa gantimpalang iyon. Ang paghihirap ay nagbubunga ng katatagan, at ang katatagan ay nagdudulot ng pakiramdam na ang ating pananampalataya ay totoo at tunay, at pinapalakas nito ang ating pag-asa na matatamo nga natin si Cristo.
Kaya mag-pokus man tayo sa kayaman ng gantimpala o sa pagpapadalisay na epekto ng kapighatian, ang layunin ng Diyos sa kagalakan natin sa pagdurusa ay magpapatuloy.
Devotional excerpted from Desiring God, pages 283–284
This article was translated by Joshene Bersales and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click https://www.desiringgod.org/articles/rejoicing-in-pain
Joshene Bersales considers Joshua her Bible hero, and strives to have faith that can make the sun stand still. She graduated with an AB Literature (English) degree from Ateneo de Manila University. She is a writer, editor, and translator. Joshene loves theater, traveling, and tea. You can find her on IG (@joshenebersales) and Facebook (https://www.facebook.com/joshenebersales/).
John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.
Ang Gamit Para sa Mga Misyonero
“Hindi ito kayang gawin ng tao, ngunit hindi ito imposible sa Diyos. Sapagkat ang lahat ng bagay ay kayang gawin ng Diyos.” (Marcos 10:27 MBBTAG)
Ang makapangyarihang biyaya ng Diyos ang nagbibigay buhay sa mga Christian Hedonist. Kung saan ang mga mananampalataya ay pinakaninanais nila ay maranasan ang makapangyarihang biyaya ng Diyos sa pamamagitan ng paglilingkod sa kaniya at pagtulong sa iba.
Ang mga Christian Hedonist ay gusto ang"hindi ito dahil sa sarili kong kakayahan kundi dahil sa kagandahang-loob ng Diyos na nasa akin." (1 Corinto 15:10). Sila ay naniniwalang ang bunga ng kanilang ginagawa ay para sa kapurihan ng Diyos. ( 1 Corinto 3:7, Roma 11:36).
Nagiging masaya lang sila kapag sinabi ng Diyos na "Sapagkat wala kayong magagawa kung kayo'y hiwalay sa akin" (Juan 15:5). Sila ay tumatalon tulad ng isang tupa sa katotohanan na ang Diyos ay kayang gawin ang lahat ng imposible. Sinabi nila ito nang walang hinanakit," Kung sa aming sarili lamang ay wala kaming kakayahang gawin ito; subalit ang aming kakayahan ay kaloob ng Diyos." (2Corinto 3:5)
Noong sila ay umalis, wala nang makabibigay sa kanila ng tunay na kasiyahan kundi sabihin ito sa mga churches, "Wala akong pinapangahasang ipagmalaki kundi ang ginawa ni Cristo upang maakit ang mga Hentil na sumunod sa Diyos sa pamamagitan ng aking mga salita at gawa." (Roma 15:18)
"Hindi ito kayang gawin ng tao, ngunit hindi ito imposible sa Diyos. Sapagkat ang lahat ng bagay ay kayang gawin ng Diyos.”-- itong salita ng Diyos ang tunay na nagbibigay pag-aasa at pagkukumbaba sa ating sarili. Ito ang lunas sa mga taong nawawalan ng pag-asa at gamot sa pagmamayabang --ito ang perpektong gamot sa ng isang Misyonero.
Devotional excerpted from Desiring God, pages 235–236
This article was translated by Ma. Fatima G. Abello and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click:
https://www.desiringgod.org/articles/medicine-for-the-missionary
Ma. Fatima G. Abello is a third year student taking up Bachelor of Secondary Education Major in Filipino at Aklan State University.
She is an active school leader, writer, digital editor, and an academic achiever. Despite of her schedules, she delights in serving and knowing the Lord more. Being a member of Boracay Grace Baptist Church, she is part of their music team where she sings, plays instruments, as well as Teach children in Sunday schools.
John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethelehem as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.
Ang Pinakadakilang Kaligayahan ng Pag-Ibig
Walang taong namumuhi sa sarili niyang katawan. Sa halip, ito'y kanyang pinapakain at inaalagaan, tulad ng ginagawa ni Cristo sa iglesya. Tayo nga'y mga bahagi ng kanyang katawan. (Efeso 5:29-30 MBBTAG)
Huwag kaligtaan ang huling parilala : "tayo nga'y mga bahagi ng kanyang katawan." At huwag kalimutan ang sinabi ni Pablo naunang dalawang verse, na nagsasabi na ibinigay ni Cristo ang kaniyang sarili para sa atin "Sa halip, unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon." Sa magkaibang paraan, ginawa ni Pablo na malinaw na si Cristo ay naghangad ng kasiyahan sa pamamagitan ng paghahangad ng kaluwalhatian , kabutihan at kasiyahan ng kaniyang mga tao.
Ang pag-iisa ni Cristo sa kaniyang bride ay napakalapit ("magiging isa") na kung ano mang mabubuting mangyayari sa kaniyang bride ay parang ginawa na rin ito para sa Kanya.. Ang nais bigyang kahulugan sa tekstong ito ay ang Panginoon ang gagawa upang pakainin, alagaan, gawing banal ang kaniyang bride dahil ito ang tunay na magbibigay sa kaniya ng kasiyahan.
Sa ibang depinasyon ito ay hindi pagmamahal. Ang pagmamahal ay hindi pumupukos sa sarili lamang-- lalong-lalo na kung ang mala-Cristong pagmamahal-- higit lalo pagmamahal na dulot ng Kalbaryo. Wala pa akong nakikitang ganitong pagmamahal na katulad ngmensahe sa kasulatan.
Ngunit ano ba ang ginawa ni Cristo para sa kaniyang bride na malinaw na ipinahayag sa tekstong ito: "Mga lalaki, mahalin ninyo ang inyong asawa na gaya ng pagmamahal ni Cristo sa iglesya. Inihandog niya ang kanyang buhay para sa iglesya." (Efeso 5: 25). Bakit hindi hayaan natin ang verse na itona kahulugan ng pag-ibig para sa atin, sa halip na ang ating mga etika at polosopiya ang magbibigay ng kahulugan dito? Ayon sa teksto, ang pag-ibig ay ang paghangad ng kaligayahan ni Cristo sa kaligayahan ng kabanalan ng kaniyang minamahal.
Hindi maaaring ihiwalay ang sariling interes sa pag-ibig, dahil ang sariling interes hindi tuladng isang pagiging sakim. Ang pagkamakasarili ay hindi iniisip ang ibang tao kundi ang sariling kaligayahan lang niya.
Subalit ang mala-Cristong pagmamahal ay ang pagbibigay kasiyahan sa iba. Kahit na siya ay maghirap at mamatay para sa kaniyang mga minamahal upang makamit ang kabanalan nila ay gagawin niya.
Ganito tayo kamahal ni Cristo, at nais niyang ganito rin natin mahalin ang isa't isa.
Devotional excerpted from Desiring God, pages 206–207
This article was translated by Ma. Fatima G. Abello and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click: https://www.desiringgod.org/articles/loves-greatest-happiness
Ma. Fatima G. Abello is a third year student taking up Bachelor of Secondary Education Major in Filipino at Aklan State University.
She is an active school leader, writer, digital editor, and an academic achiever. Despite of her schedules, she delights in serving and knowing the Lord more. Being a member of Boracay Grace Baptist Church, she is part of their music team where she sings, plays instruments, as well as Teach children in Sunday schools.
John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethelehem as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.
Mag-ingat sa Paglilikod sa Diyos
"Ang Diyos na gumawa ng sanlibutan at lahat ng naririto ay ang Panginoon ng langit at ng lupa, at hindi naninirahan sa mga templong ginawa ng tao. Hindi rin siya nangangailangan ng anumang tulong o paglilingkod ng tao, sapagkat siya mismo ang nagbibigay ng buhay, hininga at lahat ng bagay sa sangkatauhan." (Mga Gawa 17:24-25)
Hindi natin niluluwalhati ang Diyos sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga kailangan Niya, pero sa pananalangin ay Siya ang nagbibigay na kailangan natin at sa pagtitiwala sa Kanyang tugon, at namumuhay sa galak sa gayong pagaalaga, habang inilalaan natin ang ating buhay na mag pag-ibig para sa iba at sa pagtitiwala sa Kanyang tugon, at namumuhay sa galak sa gayong pagaalaga, habang inilalaan natin ang ating buhay na mag pag-ibig para sa iba.
Nandito tayo sa puso ng magandang balita ng Christian Hedonism. Nais ng Diyos na tayo'y lumalapit sa kaniya kung tayo ay nangangailangan ng tulong upang maluwalhati Siya. "Kung kayo ay may bagabag, ako lagi ang tawagin;kayo'y aking ililigtas, ako'y inyong pupurihin.”(Awit 50:15). Ang kagulat-gulat na katotohanan ay kailangan nating maging maingat sa pag-iisip na kailangan tayo ng Diyos. Kailangan nating mag-ingat sa paglilikod sa Diyos, at tayo ay maging maingat na hayaan Niya tayong pagsilbihan tayo, nang hindi natin nakawin ang kaluwalhatian na nararapat sa Kanya.
" Hindi rin siya nangangailangan ng anumang tulong o paglilingkod ng tao, sapagkat siya mismo ang nagbibigay ng buhay, hininga at lahat ng bagay sa sangkatauhan." (Mga gawa 17:25)
Ito katatawa sa pandinig. Halos lahat sa atin ay iniisip na ang paglilingkod sa Panginoon ay isang mabuting gawain. Pero hindi natin iniisip na ang paglilingkod sa kaniya ay nakaiinsulto sa kaniyang kakayahan. Ngunit ang pagbubulay sa tunay na kahulugan ng panalangin ay sinasabi ito ng payak.
Sa nobelang, Robinson Crusoe, ang paboritong mensahe ng bayani ay ang Awit 50:12-15 na nagbigay sa kaniya ng pag-asa noong siya ay na stranded sa isang isla. Sabi ng Diyos, "Kung ako ma'y nagugutom, hindi ko na sasabihin,yamang lahat sa daigdig na narito'y pawang akin. Ang karne ng mga toro, iyon ba'y aking pagkain? At ang inumin ko ba'y dugo ng mga kambing? Ang ihandog ninyo sa Diyos ay ang inyong pasalamat; ang pangakong handog ninyo ay tuparin ninyong lahat. Kung kayo ay may bagabag, ako lagi ang tawagin; kayo'y aking ililigtas, ako'y inyong pupurihin."
Ito ang kahulugan niyan; mayroon tayong ginagawa na nakaiinsulto o minamaliit ang kaniyang kapangyarihan bilang Diyos, na kailangan niya ang ating serbisyo. Oh gaano tayo dapat maingat na huwag nating binbinin ang dakilang biyaya ng Diyos ni Cristo. Sabi ni Hesus, "Sapagkat ang Anak ng Tao ay naparito hindi upang paglingkuran kundi upang maglingkod at upang mag-alay ng kanyang buhay para sa ikatutubos ng marami.” (Marcos 10:45) Ang layunin niya ay maging isang tagapaglingkod at mapunta sa kaniya ang kapurihan bilang isang tagapagbigay ng ating mga kailangan.
Devotional excerpted from Desiring God, page 168
This article was translated by Ma. Fatima G. Abello and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click:
https://www.desiringgod.org/articles/beware-of-serving-god
Ma. Fatima G. Abello is a third year student taking up Bachelor of Secondary Education Major in Filipino at Aklan State University.
She is an active school leader, writer, digital editor, and an academic achiever. Despite of her schedules, she delights in serving and knowing the Lord more. Being a member of Boracay Grace Baptist Church, she is part of their music team where she sings, plays instruments, as well as Teach children in Sunday schools.
John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethelehem as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.
Ang Katarungan ay Makakamtan
Mga minamahal, huwag kayong maghihiganti; ipaubaya ninyo iyon sa galit ng Diyos. Sapagkat nasusulat, “Akin ang paghihiganti, ako ang gaganti, sabi ng Panginoon."(Roma 12:19 MBBTAG)
Lahat tayo ay may nagawang mali maaaring hindi lang isang beses. Halos lahat din siguro sa atin ay nagawan ng kasalanan ng isang tao subalit kahit minsan ay hindi sila humingi ng kapatawaran o gagawing tama ang kanilang pagkamamali.
Isa sa mga nagiging hadlang para takasan at kalimutan ang sakit at kapaitan ay lubos mong pinanghahawakan-- makatuwirang pinaniniwalaan-- na ang katarungan ay kailangang makamtan, na ang moral fabric ng mundon sansinukob ay malulutas kung ang mga tao ay kinakalimutan lang ang mga masasamang ginawa nila at panlilinlang sa iba.
Ito ay isa sa mga hadlang upang magpatawad at alisin ang galit sa iyong puso. Ito ay hindi lang iisa. Mayroon tayong kasalanang kailangang harapin. Ngunit ito ang totoong kasalanan.
Minsan iniisip nating kung pababayaan natin ito, ang katarungan ay hindi natin makakamtan.
Kaya tayo ay kumikimkim ng galit, at paulit-ulit ang sinasabi ng may hinanakit: Dapat hindi ito nangyari; Hindi ito kailangang mangyari; mali ito; maling-mali ito. Paano siya nagiging masaya kung ako ay nagdudurusa? Ito ay mali. Ito ay hindi katanggap-tanggap. Hindi natin ito malilimutan. At ang galit natin ang lalason sa lahat ng bagay.
Ang sabi sa Roma 12:19 na ang Diyos ang aalis ng lahat ng ating pinapasan.
"huwag kayong maghihiganti; ipaubaya ninyo iyon sa galit ng Diyos." Ano nga ba ang ibig sabihin nito sa inyo?
Alisin mo ang dala-dala mong galit, alisin mo ang mga bagay na magdudulot sa iyo ng sakit-- alisin mo, tanggalin mo-- ito ba ay nangangahulugang walang mali laban sa iyo, subalit mayroon.
Pero hindi ibig-sabihin na walang katarungan. Hindi ibig-sabihin na hindi ito maituwid. Hindi ibig-sabihin na makatatakas sila sa mga ginawa nilang mali. Hindi ito matakasan.
Nais kong ipunto ay kung tatanggalin mo na ang paghihinganti sa inyong mga puso, ang Diyos na ang bahala.
Hindi ito daan para maghiganti pero ito ang daan upang ibigay sa karapat-dapat na maghiganti. "Ako ang gaganti", sabi ng Panginoon. Ipaubaya mo sa kaniya. Siya na ang bahala at ang katarungan ay makakamtan.
Ito ay isang maluwalhating kaginhawaan. Hindi ko na kailangang dalhin ang lahat ng aking problema at pasakit. Ito ay tulad ng paghihingang maginhawa sa unang pagkatataon sa maraming dekadang lumipas. At sa wakas, malaya na ulit akong magmahal.
Devotional excerpted from “Do Not Avenge Yourselves, But Give Place to Wrath”
This article was translated by Ma. Fatima G. Abello and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click:
https://www.desiringgod.org/articles/justice-will-be-done
Ma. Fatima G. Abello is a third year student taking up Bachelor of Secondary Education Major in Filipino at Aklan State University.
She is an active school leader, writer, digital editor, and an academic achiever. Despite of her schedules, she delights in serving and knowing the Lord more. Being a member of Boracay Grace Baptist Church, she is part of their music team where she sings, plays instruments, as well as Teach children in Sunday schools.
John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethelehem as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence
Ang Ating Kabutihan ay Kanyang Kaluwalhatian
Ngunit kapag mananalangin ka, pumasok ka sa iyong silid at isara mo ang pinto. Saka ka manalangin sa iyong Ama na hindi mo nakikita, at ang iyong Ama na nakakakita ng ginagawa mo nang lihim ang siyang magbibigay sa iyo ng gantimpala. (Mateo 6:6, MBBTAG)
Isang karaniwang pagtutol sa Cristianong Hedonismo ay mas itinataas daw nito ang interes ng tao kaysa sa kaluwalhatian ng Diyos — mas itinataas nito ang kaligayahan ko kaysa sa karangalan ng Diyos. Ngunit mariin itong di ginagawa ng Cristianong Hedonismo.
Siguradong tayong mga Cristianong Hedonista ay nagsisikap sundin ang ating mga interes at kaligayahan nang buong lakas. Iniindorso natin ang pagpapasya ng batang Jonathan Edwards: “Pagpapasya: Pagsikapang makamit para sa aking sarili ang pinakamaraming kaligayahan sa kabilang mundo na puwede kong makamit, nang buong kapangyarihan, lakas, sigla, at lupit, oo dahas, na kaya ko, o kayang gawin ng aking kalooban, sa anumang paraan na maaaring isipin.”
Pero natutunan natin mula sa Biblia (at kay Edwards!) na ang interes ng Diyos ay palakihin ang Kanyang kaluwalhatian sa pamamagitan ng pagpapaapaw ng Kanyang habag sa atin — sa ating mga makasalanan, na lubhang nangangailangan sa Kanya.
Samakatuwid, ang paghahangad ng ating interes at kaligayahan, kahit na ito’y kapalit ng ating buhay, ay hindi kailanman higit sa interes ng Diyos at kaligayahan ng Diyos at kaluwalhatian ng Diyos, ngunit palaging nasa Diyos. Isa sa pinakamahalagang katotohanan sa Biblia ay ito: Ang pinakadakilang interes ng Diyos ay luwalhatiin ang kayamanan ng Kanyang biyaya sa pamamagitan ng pagpapaligaya ng mga kasalanan sa Kanya — sa Kanya!
Kapag nagpapakumbaba tayo na parang maliliit na bata at hindi nagmamayabang na kaya natin ang lahat, kundi masaya tayong tumatakbo sa kagalakan ng yakap ng ating Ama, nadadagdagan ang kaluwalhatian ng Kanyang biyaya at nasisiyahan ang pananabik ng ating kaluluwa. Ang ating interes at ang Kanyang kaluwalhatian ay nagiging isa.
Nang ipangako ni Jesus sa Mateo 6:6, “Ang iyong Ama na nakakakita ng ginagawa mo nang lihim ang siyang magbibigay sa iyo ng gantimpala,” ito ang gantimpalang nais Niyang hanapin natin. Hindi Niya tayo inaakit ng kagalakang di natin dapat taglayin! Ngunit ang gantimpalang ito — ang kagalakang ito — ay ang pag-apaw ng pagtalikod sa papuri sa tao, at pagpasok sa ating silid upang hanapin ang Diyos.
Samakatuwid, ang mga Cristianong Hedonista’y hindi inuuna ang kanilang kaligayahan kaysa sa kaluwalhatian ng Diyos. Inilalagay nila ang kanilang kaligayahan sa Diyos mismo at natutuklasan ang maluwalhating katotohanan na ang Diyos ay lubos na naluluwalhati sa atin kapag tayo’y lubos na nasisiyahan sa Kanya.
Devotional excerpted from Desiring God, pages 159–160
This article was translated by Joshene Bersales and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click https://www.desiringgod.org/articles/ammunition-against-anxiety
Joshene Bersales considers Joshua her Bible hero, and strives to have faith that can make the sun stand still. She graduated with an AB Literature (English) degree from Ateneo de Manila University. She is a writer, editor, and translator. Joshene loves theater, traveling, and tea. You can find her on IG (@joshenebersales) and Facebook (https://www.facebook.com/joshenebersales/).
John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.
Sandata Laban sa Pagkabalisa
Huwag kayong mabalisa sa anumang bagay; kundi sa lahat ng mga bagay, sa pamamagitan ng panalangin at pagsamo na may pagpapasalamat ay ipaalam ninyo ang inyong mga kahilingan sa Diyos. (Filipos 4:6, ABTAG2001)
Isa sa mga bagay na pinagpapasalamat natin kapag ipinapaalam natin sa Diyos ang ating mga kahilingan ay ang Kanyang mga pangako. Ito ang mga bala ng kanyon na pumupuksa sa di-pananampalataya na nagbubunga ng pag-aalala. Kaya ganito ako makipaglaban.
Kapag nababalisa ako tungkol sa aking ministeryo, na tila wala itong silbi o laman, nilalabanan ko ang di-pananampalataya gamit ang pangako ng Isaiah 55:11. “Magiging gayon ang aking salita na lumalabas sa bibig ko; hindi ito babalik sa akin na walang bunga, kundi gaganapin ang ayon sa layunin ko, at magtatagumpay sa bagay na kung saan ay sinugo ko ito.”
Kapag nababalisa ako tungkol sa pagiging mahina ko upang gawin ang aking gawain, nilalabanan ko ang di-pananampalataya gamit ang pangako ni Cristo, “Ang aking biyaya ay sapat na sa iyo, sapagkat ang aking kapangyarihan ay nagiging sakdal sa kahinaan” (2 Corinto 12:9).
Kapag nababalisa ako tungkol sa mga desisyong kailangan kong gawin tungkol sa hinaharap, nilalabanan ko ang di-pananampalataya gamit ang pangakong, “Aking ipapaalam at ituturo sa iyo ang daan na dapat mong lakaran. Papayuhan kita na ang aking mga mata ay nakatitig sa iyo” (Awit 32:8).
Kapag nababalisa akong harapin ang mga kalaban, nilalabanan ko ang di-pananampalataya gamit ang pangakong, “Kung ang Diyos ay kakampi natin, sino ang laban sa atin?” (Roma 8:31).
Kapag nababalisa ako tungkol sa kapakanan ng mga mahal ko sa buhay, nilalabanan ko ang di-pananampalataya gamit ang pangakong kung ako, na masama, ay marunong magbigay ng mabubuting bagay sa aking mga anak, “gaano pa kaya ang inyong Ama na nasa langit ang magbigay ng mabubuting bagay sa mga humihingi sa kanya?” (Mateo 7:11).
At sinisikap kong mapanatili ang aking espirituwal na balanse gamit ang paalala na lahat ng nag-iwan ng bahay, o mga kapatid na lalaki, o mga kapatid na babae, o ina, o ama, o mga anak, o mga bukid, dahil kay Cristo, ay “makakatanggap ng isandaang ulit, ngayon sa panahong ito, ng mga bahay, at mga kapatid na lalaki, mga kapatid na babae, mga ina at mga anak, at mga bukid, na may mga pag-uusig; at sa darating na panahon ay walang hanggang buhay” (Marcos 10:29–30).
Kapag nababalisa ako sa pagkakasakit, nilalabanan ko ang di-pananampalataya gamit ang pangakong, “Marami ang kapighatian ng matuwid; ngunit inililigtas siya ng Panginoon sa lahat ng mga iyon” (Awit 34:19).
At tinatanggap ko ang pangako nang may panginginig: “Ang kapighatian ay nagbubunga ng pagtitiis, at ang pagtitiis ng pagpapatibay; at ang pagpapatibay ng pag-asa. At hindi tayo binibigo ng pag-asa, sapagkat ang pag-ibig ng Diyos ay ibinuhos sa ating mga puso sa pamamagitan ng Espiritu Santo na ibinigay sa atin” (Roma 5:3–5).
Devotional excerpted from Future Grace, pages 60–61
This article was translated by Joshene Bersales and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click https://www.desiringgod.org/articles/ammunition-against-anxiety
Joshene Bersales considers Joshua her Bible hero, and strives to have faith that can make the sun stand still. She graduated with an AB Literature (English) degree from Ateneo de Manila University. She is a writer, editor, and translator. Joshene loves theater, traveling, and tea. You can find her on IG (@joshenebersales) and Facebook (https://www.facebook.com/joshenebersales/).
John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.
Ibibigay ng Diyos ang Lahat ng Iyong Kailangan
At buhat sa hindi mauubos na kayamanan ng Diyos, ibibigay niya ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ni Cristo Jesus. (Filipos 4:19, MBBTAG)
Sinabi ni Pablo sa Filipos 4:6, “Huwag kayong mabalisa tungkol sa anumang bagay. Sa halip, hingin ninyo sa Diyos ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ng panalanging may pasasalamat.” At sa Filipos 4:19 (matapos lang ang 13 talata), nagbigay siya ng nagpapalayang pangako ng biyaya sa hinaharap: “At buhat sa hindi mauubos na kayamanan ng Diyos, ibibigay niya ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ni Cristo Jesus.”
Kung mabubuhay tayong nananampalataya sa pangakong ito ng biyaya sa hinaharap, magiging napakahirap para sa anxiety, o pagkabalisa, na manatiling buhay. Ang “hindi mauubos na kayamanan” ng Diyos ay hindi masasaid. Seryoso Siya sa plano Niyang huwag tayong mag-alala tungkol sa ating kinabukasan.
Dapat nating tularan ang pattern na inilatag ni Pablo para sa atin. Dapat nating labanan ang kawalan ng paniniwala ng anxiety gamit ang mga pangako ng biyaya sa hinaharap.
Kapag ako’y nababalisa tungkol sa mga bagong pakikipagsapalaran o pagpupulong, regular kong nilalabanan ang kawalan ng paniniwala gamit ang isa sa mga pinakamadalas kong ginagamit na pangako, ang Isaiah 41:10.
Nung araw na umalis ako sa America para manirahan ng tatlong taon sa Germany, tumawag ng long-distance ang aking tatay at ibinigay sa akin ang pangakong ito sa telepono. Mahigit limang daang beses ko atang inulit-ulit ito sa loob ng tatlong taon para malagpasan ang mga panahon ng matinding stress. “Ako’y sasaiyo, huwag kang matakot, ako ang iyong Diyos, hindi ka dapat mangamba. Palalakasin kita at tutulungan, iingatan at ililigtas.”
Napakaraming beses ko nang nilabanan ang anxiety gamit ang pangakong ito, na kapag naka naka-neutral ang makina ng aking isipan, ang tunog nito’y ang huni ng Isaiah 41:10.
Devotional excerpted from Future Grace, pages 59–60
This article was translated by Joshene Bersales and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click https://www.desiringgod.org/articles/god-will-supply-all-your-needs
Joshene Bersales considers Joshua her Bible hero, and strives to have faith that can make the sun stand still. She graduated with an AB Literature (English) degree from Ateneo de Manila University. She is a writer, editor, and translator. Joshene loves theater, traveling, and tea. You can find her on IG (@joshenebersales) and Facebook (https://www.facebook.com/joshenebersales/).
John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.