Home
Categories
EXPLORE
True Crime
Comedy
Society & Culture
Business
News
Sports
TV & Film
About Us
Contact Us
Copyright
© 2024 PodJoint
Podjoint Logo
US
00:00 / 00:00
Sign in

or

Don't have an account?
Sign up
Forgot password
https://is1-ssl.mzstatic.com/image/thumb/Podcasts114/v4/17/d1/79/17d1791d-bca1-5bce-48e2-14effb521233/mza_3324189393474982705.jpg/600x600bb.jpg
Solid Joys Devotionals (Tagalog)
Driven By The Gospel
163 episodes
3 days ago
Solid Joys is a daily devotional written and read by John Piper. DBTG (Driven By The Gospel) partners with Desiring God to translate these devotionals to Tagalog. These short and substantive readings will feed your joy in Jesus. Discover more from Piper at desiringGod.org and to learn more about DBTG, go to drivenbythegospel.org.
Show more...
Christianity
Religion & Spirituality
RSS
All content for Solid Joys Devotionals (Tagalog) is the property of Driven By The Gospel and is served directly from their servers with no modification, redirects, or rehosting. The podcast is not affiliated with or endorsed by Podjoint in any way.
Solid Joys is a daily devotional written and read by John Piper. DBTG (Driven By The Gospel) partners with Desiring God to translate these devotionals to Tagalog. These short and substantive readings will feed your joy in Jesus. Discover more from Piper at desiringGod.org and to learn more about DBTG, go to drivenbythegospel.org.
Show more...
Christianity
Religion & Spirituality
https://d3t3ozftmdmh3i.cloudfront.net/production/podcast_uploaded_nologo/11614962/11614962-1609249415298-f4c353ba1709f.jpg
January 8 - Kunin ang Ayaw Mong Mawala
Solid Joys Devotionals (Tagalog)
4 minutes 30 seconds
1 year ago
January 8 - Kunin ang Ayaw Mong Mawala


Kunin ang Ayaw Mong Mawala

Tiningnan sila ni Jesus at sinabi sa kanila, “Hindi ito kayang gawin ng tao, ngunit hindi ito imposible sa Diyos. Sapagkat ang lahat ng bagay ay kayang gawin ng Diyos.” (Marcos 10:27 MBBTAG)

Heto ang dalawang mahusay na insentibo mula kay Hesus para maging isang Pandaigdig na Kristiyano at ialay ang iyong sarili sa adhikain ng mga Misyong Panghangganan. Bilang pupunta o magpapadala. 

1. Ang bawat imposible sa tao ay posible sa Diyos (Marcos 10:27). Ang pagbabalik-loob ng mga nasanay na sa kasalanan  ay pagkilos ng Diyos at naaayon sa Kanyang dakilang plano. Hindi natin dapat matakot o mag-alala sa ating kahinaan. Sa Panginoon ang laban, at Siya ang magbibigay ng tagumpay sa atin.

2. Nangako si Kristo na kikilos Siya para sa atin, at magiging para sa atin, kaya naman pagkatapos ng ating buhay misyonero, hindi natin masasabing nagsakripisyo tayo ng anuman (Marcos 10:29–30).

Kapag sinusunod natin ang Kanyang preskripsyon sa misyon, matutuklasan natin na kahit ang masasakit na side effects ay nagpapabuti sa ating kalagayan. Ang ating espirituwal na kalusugan, ang ating kagalakan — lumalago ang mga ito nang sandaang ulit. At kapag tayo'y namatay, hindi tayo namamatay. agkakamit tayo ng buhay na walang hanggan.

Hindi ako nananawagan na pagtibayin niyo ang inyong loob at mag-sakripisyo para kay Kristo. Nanawagan akong talikuran niyo ang lahat ng meron kayo, upang makamtan ang buhay na makakapuno sa pinakamalalalim  niyong pangarap. Nanawagan akong ituring niyo ang lahat ng bagay na basura para sa higit na halaga ng paglilingkod sa Hari ng mga hari. Nanawagan akong tanggalin niyo ang inyong mga biniling basahang at isuot ang damit ng mga sugo ng Diyos.

Nangangako akong makakaranas kayo ng mga pag-uusig at kahirapan — ngunit tandaan ninyo ang kagalakan! "Pinagpala ang mga inuusig nang dahil sa kanilang pagsunod sa kalooban ng Diyos, sapagkat kabilang sila sa kaharian ng langit." (Mateo 5:10 MBBTAG)

Noong Enero 8, 1956, pinatay ng limang katutubo ng tribong Waorani sa Ecuador sina Jim Elliot at ang kanyang apat na kasamang misyonero habang sinusubukan nilang dalhin ang ebanghelyo sa tribong Waorani na may animnapung tao.

Apat na batang misis ang nawalan ng mga asawa at siyam na bata ang nawalan ng kanilang mga ama. Isinulat ni Elisabeth Elliot na tinawag ito ng mundo bilang bangungot ng trahedya. Pagkatapos ay idinagdag niya, “Hindi kinilala ng mundo ang katotohanan ng pangalawang bahagi sa kredo ni Jim Elliot: ‘Hindi siya hangal na nagbibigay ng hindi niya maaaring itago upang makamtan ang hindi niya maaaring mawala.’”

Solid Joys Devotionals (Tagalog)
Solid Joys is a daily devotional written and read by John Piper. DBTG (Driven By The Gospel) partners with Desiring God to translate these devotionals to Tagalog. These short and substantive readings will feed your joy in Jesus. Discover more from Piper at desiringGod.org and to learn more about DBTG, go to drivenbythegospel.org.