Home
Categories
EXPLORE
True Crime
Comedy
Society & Culture
Business
Sports
Technology
Health & Fitness
About Us
Contact Us
Copyright
© 2024 PodJoint
Podjoint Logo
US
00:00 / 00:00
Sign in

or

Don't have an account?
Sign up
Forgot password
https://is1-ssl.mzstatic.com/image/thumb/Podcasts114/v4/17/d1/79/17d1791d-bca1-5bce-48e2-14effb521233/mza_3324189393474982705.jpg/600x600bb.jpg
Solid Joys Devotionals (Tagalog)
Driven By The Gospel
163 episodes
3 days ago
Solid Joys is a daily devotional written and read by John Piper. DBTG (Driven By The Gospel) partners with Desiring God to translate these devotionals to Tagalog. These short and substantive readings will feed your joy in Jesus. Discover more from Piper at desiringGod.org and to learn more about DBTG, go to drivenbythegospel.org.
Show more...
Christianity
Religion & Spirituality
RSS
All content for Solid Joys Devotionals (Tagalog) is the property of Driven By The Gospel and is served directly from their servers with no modification, redirects, or rehosting. The podcast is not affiliated with or endorsed by Podjoint in any way.
Solid Joys is a daily devotional written and read by John Piper. DBTG (Driven By The Gospel) partners with Desiring God to translate these devotionals to Tagalog. These short and substantive readings will feed your joy in Jesus. Discover more from Piper at desiringGod.org and to learn more about DBTG, go to drivenbythegospel.org.
Show more...
Christianity
Religion & Spirituality
https://d3t3ozftmdmh3i.cloudfront.net/production/podcast_uploaded_nologo/11614962/11614962-1609249415298-f4c353ba1709f.jpg
January 3 - Ang Pinakamaliit na Pananampalataya
Solid Joys Devotionals (Tagalog)
5 minutes 5 seconds
1 year ago
January 3 - Ang Pinakamaliit na Pananampalataya

Ang Pinakamaliit na Pananampalataya

Maliwanag kung gayon, na ang pasya ng Diyos ay nababatay sa kanyang habag, at hindi sa kagustuhan o pagsisikap ng tao. (Roma 9:16 MBBTAG)

Sa simula pa lang ng taon, linawin natin na ang lahat ng matatanggap natin mula sa Diyos ngayong taon, bilang mga mananampalataya kay Hesus, ay awa. Anuman ang kasiyahan o sakit na darating sa atin ay pawang habag.

Ito ang dahilan kung bakit pumarito si Kristo sa mundo: “at upang ang mga Hentil naman ay magpuri sa Diyos dahil sa kanyang habag” (Roma 15:9). Tayo ay muling ipinanganak “sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Jesu-Cristo.” (1 Pedro 1:3). Araw-araw tayong nananalangin “upang makamtan natin ang habag at pagpapala na tutulong sa atin” (Hebreo 4:16); at ngayon ay  nananatili tayo “sa pag-ibig ng Diyos habang naghihintay [tayo] sa ating Panginoong Jesu-Cristo na magkakaloob sa [atin] ng buhay na walang hanggan” (Judas 1:21). Kung may Kristiyanong mapagkakatiwalaan, ito ay “dahil sa habag ng Diyos ay mapagkakatiwalaan” (1 Corinto 7:25).

Sa Lucas 17:5–6, nakiusap ang mga apostol sa Panginoon, “Dagdagan mo ang aming pananampalataya!” At sinabi ni Jesus, “Kung kayo ay may pananampalataya na kasingliit ng buto ng mustasa, masasabi ninyo sa punong ito, ‘Mag-ugat ka at matanim sa dagat,’ at ito'y tatalima sa inyo.” Sa madaling salita, ang isyu sa ating buhay at ministeryong Kristiyano ay hindi ang lakas o dami ng ating pananampalataya, dahil hindi ito ang nag-uugat ng mga puno. Ang Diyos ang gumagawa nito. Kaya naman, ang pinakamaliit na pananampalatayang tunay na nag-uugnay sa atin kay Kristo ay magdudulot ng sapat na kapangyarihan para sa lahat ng ating pangangailangan.

Ngunit paano naman sa mga panahong matagumpay mong sinusunod ang Panginoon? Inaalis ka ba ng iyong pagsunod mula sa kategorya ng nanghihingi ng habag? Sinagot ito ni Hesus sa Lucas 17:7–10.

“Kapag nanggaling ang inyong alipin sa pag-aararo o pagpapastol ng mga tupa sa bukid, inaanyayahan ba ninyo siya agad upang kumain? Hindi ba't ang sasabihin ninyo ay, ‘Ipaghanda mo ako ng hapunan, magbihis ka, at pagsilbihan mo ako habang ako'y kumakain. Pagkakain ko, saka ka kumain.’ Pinasasalamatan ba ng amo ang kanyang alipin dahil sinusunod siya nito? Ganoon din naman kayo; kapag nagawa na ninyo ang lahat ng iniuutos sa inyo, sabihin ninyo, ‘Kami'y mga aliping walang kabuluhan; tumutupad lamang kami sa aming tungkulin.’”

Kaya nga, natutukoy ko, ang pinakamataas na pagsunod at ang pinakamaliit na pananampalataya ay nakakakuha ng parehong bagay mula sa Diyos: habag. Isang butil lang ng mustasa na pananampalataya ay nakakakuha ng habag ng Diyos para sa kapangyarihang mag-ugat ng mga puno. At ang walang kamaliang pagsunod ay nag-iiwan sa atin na lubos na umaasa sa habag.

Ito ang punto: Anuman ang tiyempo o anyo ng habag ng Diyos, hindi natin kailanman mahihigitan ang pagiging mga benepisyaryo ng awa. Palagi tayong lubos na umaasa sa hindi tayo nararapat.

Kaya't magpakumbaba tayo at magalak at “magpuri sa Diyos dahil sa kanyang habag!”

Solid Joys Devotionals (Tagalog)
Solid Joys is a daily devotional written and read by John Piper. DBTG (Driven By The Gospel) partners with Desiring God to translate these devotionals to Tagalog. These short and substantive readings will feed your joy in Jesus. Discover more from Piper at desiringGod.org and to learn more about DBTG, go to drivenbythegospel.org.