Home
Categories
EXPLORE
True Crime
Comedy
Society & Culture
Business
Sports
History
Music
About Us
Contact Us
Copyright
© 2024 PodJoint
00:00 / 00:00
Sign in

or

Don't have an account?
Sign up
Forgot password
https://is1-ssl.mzstatic.com/image/thumb/Podcasts115/v4/29/49/7e/29497eea-1ed8-c458-b40d-531bd4713743/mza_3032519524194864274.jpg/600x600bb.jpg
Unang Milyon
JEFFREY FOSTANES
11 episodes
2 days ago
Ang channel na ito ang tutulong sa iyo para makamit ang iyong Unang Milyon!
Show more...
Investing
Business
RSS
All content for Unang Milyon is the property of JEFFREY FOSTANES and is served directly from their servers with no modification, redirects, or rehosting. The podcast is not affiliated with or endorsed by Podjoint in any way.
Ang channel na ito ang tutulong sa iyo para makamit ang iyong Unang Milyon!
Show more...
Investing
Business
Episodes (11/11)
Unang Milyon
Paano Palaguin ang Iyong Ipon?

Bata pa lang tayo, tinuturuan na tayo ng mga magulang natin kung ano at paano ang pag-iipon. Hindi na bago ang konsepto ng pag-iipon o pag-iimpok sa atin dahil sigurado ako na halos lahat tayo ay nagawa na ito.   

Ayon sa Investopedia.com, ang ipon ay tumutukoy sa perang natitira mula sa ating sweldo o income matapos ibawas ang halaga ng mga gastusin natin. Sa madaling sabi, ang pag-iipon ay ang proseso ng pagtatabi o pag-iimpok ng pera para sa mga hinaharap na pangangailangan.  

#UnangMilyon #Ipon #Negosyo 

For business inquiries: unangmilyon@gmail.com

Show more...
4 years ago
13 minutes 37 seconds

Unang Milyon
Mga Negosyong Patok sa Maliit na Puhunan

Gusto mo bang magnegosyo ngunit medyo kapos sa puhunan? O baka naman isa ka sa iilan na matagal nang nagpa-planong magnegosyo ngunit nagdadalawang-isip na mag-risk ng malaking capital?


Maraming Pilipino ang nangangarap na makapagsimula nang sariling negosyo at mapabuti ang buhay. Ilang kilalang negosyante rin ang nagsimula sa maliliit na negosyo na nag-boom bunga ng pagod at pagsisikap.


Subscribe to us in Youtube: https://www.youtube.com/channel/UCKRoesigjIKzbekfSsjRlDQ

Follow us on Facebook: https://www.facebook.com/UnangMilyonPH

Show more...
4 years ago
16 minutes 11 seconds

Unang Milyon
Paano Mag-Simula at Palaguin ang Iyong Sari-Sari Store?

Tayo’y nasa ilalim ng quarantine ngayon, ano nga bang pinagkakaabalahan mo habang nasa loob ng iyong tahanan? Madalas bang ikaw ay ma-bored dahil sa kawalan ng mga bagay na dapat gawin? O baka naman ay apektado ang iyong trabaho ng pandemya kung kaya’t naging isang taong bahay ka? Nangangailangan ka ba ng pagkakakitaan habang nananatili sa bahay? O baka naman ay nahihirapan kang kumita ng pera upang tustusan ang pangangailangan ng pamilya mo? May naitabi ka bang ipon at hindi mo alam kung saan iiinvest? O baka naman gusto mong palaguin ang pera mo sa pinakamadaling paraan?

Kung oo ang sagot mo sa kahit isa sa mga tanong na iyan, nasa tamang video ka kaibigan! Dahil sa video na ito, tatalakayin ko ang isa sa pinakamadaling simulang negosyo sa gitna ng pandemya at para sa mga taong bahay. Ano nga ba ang tinutukoy kong negosyo? Walang iba kundi sari-sari store!


Subscribe to us in Youtube: https://www.youtube.com/channel/UCKRoesigjIKzbekfSsjRlDQ


Follow us on Facebook: https://www.facebook.com/UnangMilyonPH

Show more...
4 years ago
13 minutes 41 seconds

Unang Milyon
Paano Ka Kikita sa Ginto?

Naghahanap ka ba ng bagong investment? Alam mo ba na ang pag-iinvest sa gold ay isa sa pinakasiguradong paraan kung saan maaari mong ma-secure ang iyong pera at kikita ka pa?

Binansagan ng Forbes ang 2021 bilang Year of Gold dahil inaasahang aakyat pa ang value ng gold sa $2700 per ounce mula sa $1910, noong 2020. Kung ikukumpara sa pisikal na pera, ang gold ay isang currency na kilala na ang value simula pa noong sinaunang panahon. Napakaraming paraan kung papaano ka kikita sa ginto tulad ng:

1. Pagbili ng gold bullion gaya ng gold bars or gold coins

2. Pagbili ng mutual funds o exchange-traded funds (ETFs).

3. Pangangalakal ng gold options o futures contracts

4. Pagbili ng gold certificates na sinusuportahan ng government mints

5. Pagbili ng gintong alahas bilang investment

Bakit nga ba napakahalaga na lamang ng ginto? Ang makinang na metal na ito ay nahuhulma sa coins, bars at alahas. Hindi ito kinakalawang o nabubulok, kung kaya't subok na ang kalidad nito na tumatagal sa paglipas ng panahon. Ito ay natatanging uri ng resources na hindi nako-consume - ito ay permanente.

Subscribe to us in Youtube: https://www.youtube.com/channel/UCKRoesigjIKzbekfSsjRlDQ

Follow us on Facebook: https://www.facebook.com/UnangMilyonPH

Show more...
4 years ago
12 minutes 58 seconds

Unang Milyon
Side Hustles para sa mga Minimum Wage Earner

Hindi ba sapat ang kinikita mo sa iyong trabaho para sa mga bayarin sa inyong tahanan? O baka naman gusto mo lang talagang magkaroon ng extra income upang may maipandagdag ka sa iyong ipon?

Kung isa kang minimum wage earner, magandang ideya ang pagkakaroon ng side hustle. Bukod sa magkakaroon ka ng another source of income ay maiimprove mo rin ang sarili mo sa iba’t-ibang aspeto. ‘Di tulad ng karaniwang pangunahing trabaho ng mga Pilipino kung saan napipilitan silang isakripisyo ang kanilang dream job para sa mas praktikal na trabaho; sa mga side hustle, maaari mong magamit ang skills, talents, at hobbies na mayroon ka. Narito ang ilan sa mga side hustle na puwede mong subukan base sa iyong kakayahan.

Show more...
4 years ago
13 minutes 44 seconds

Unang Milyon
Paano Maka-Ipon ng 50k Kahit Minimum ang Sweldo

Magkano ang laman ng savings account mo? Natatandaan mo pa ba kung kailan ka huling naglaan ng pera para mag-ipon? Kung hindi na, marahil ay panahon na para simulan mong gawin 'to.

Ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) at base sa resulta ng Family Income and Expenditure Survey (FIES) noong 2018, ang isang pamilyang Pilipino ay tinatayang dapat nakakapag-ipon ng PhP 75 thousand sa loob ng isang taon. Kung kinokonsidera ang inflation at ang lugar kung saan naninirahan ang isang pamilya, tinatayang nasa Php 221 thousand ang average na kita ng isang pamilyang Pilipino sa isang taon at dapat ay nakakapag-tabi ng hindi bababa sa Php 50 thousand kada taon.

Sa kabila nito, maliit na porsyento lamang ng mga pamilyang Pilipino ang tunay na nakakapaglaan ng pera para itabi. Sa hirap ng buhay ngayon, halos imposible na ang magkaroon ng extrang pera at halos imposible na ang mag-ipon. Kung ganito, ang kalagayan mo, pwes, hindi ka nag-iisa. Marami sa mga Pilipino ang hirap makapag-ipon dahil sa iba't ibang dahilan.

Gayunpaman, dahil mahirap umasa sa swerte lalo na sa panahon ng matinding pangangailangan, naghanda kami ng step-by-step na paraan na maaari mong sundin, para makapag-ipon ng Php 50 thousand sa loob lamang ng isang taon, kahit isa kang minimum wage earner.

Show more...
4 years ago
14 minutes 8 seconds

Unang Milyon
10 SIGNS NA IKAW AY NASA MIDDLE CLASS

Madalas tayong nagpopokus sa mga mahihirap at mayayaman kaya’t nakakalimutan nating pagtuunan rin ng pansin ang mga nasa middle class. Ayon sa Family Income and Expenditure Survey (FIES) ng PSA ay tatlo sa bawat limang pamilyang Pilipino ang napapabilang sa middle class kung ibabase ito sa buwanang sahod.

Marahil ang iba sa inyo ay nais mapabilang dito, ang iba naman ay marerealize na kasalukuyan pala silang nasa middle class, habang ang maliit na porsyento naman sa inyo ay dumaan na rito at parte na ito ng inyong buhay na ayaw niyo nang balikan. Alin ka kaya rito?

Para mas maintindihan niyo kung ano nga ba ang middle class; ito ay kung wala kayo sa pinakamababang 20% o kaya nama’y sa pinakamtaas na 20% ng inyong kabuuang populasyon. Sila rin ang kumikita ng Php 20,962 hanggang Php 125,772 kada buwan

Ito ay nahahati pa sa tatlong segment – ang lower middle class, middle middle class, at upper middle class. Ngunit sa video na ito ay pag-uusapan nalang natin ito bilang kabuuan. Naglista kami ng sampung senyales upang matulungan kang alamin kung napapabilang ka ba sa midle class o hindi. Halina’t isa-isahin natin ang mga ito.

Show more...
4 years ago
15 minutes 32 seconds

Unang Milyon
10 DAHILAN KUNG BAKIT DAPAT KANG MAG-INVEST SA CRYPTO

Ilang tao na ba ang yumaman dahil sa pag-iinvest sa cryto? Isa? Dalawa? Tatlo? Hindi, napakarami na. Katunayan, ayon sa cryptocurrency data-tracking firm BitInfoCharts ay tinatayang nasa 100,000 na tao na ang mayroong at least $1 million nang dahil lamang sa pag-iinvest sa Bitcoin.

Ang Bitcoin, o ang pinakakilalang crypto, ay unang naging popular sa Pilipinas noong taong 2017. Ngunit bukod rito ay marami pang ibang cryptocurrencies tulad ng Ethereum, XRP, Cardano, Litecoin, at marami pang iba na maaaring magbigay ng napakalaking opportunities pagdating sa pagpapalago ng pera. Hanggang ngayon ay patuloy pang dumarami ang mga Pinoy na pumapasok rito lalo na nang dahil sa Covid-19 pandemic. Kung hindi ka pa rin kumbinsido sa potential ng crypto bilang susi sa iyong unang milyon, tapusin mo ang podcast na ito para malaman ang 10 dahilan kung bakit dapat kang mag-invest sa crypto.

Show more...
4 years ago
12 minutes 29 seconds

Unang Milyon
Bakit Hirap Maka-Ipon ang mga Pinoy?

Pamilya ang ating katuwang sa pagkamit ng ating mga pangarap sa buhay. Sila ang tumutulong saten para magkaroon ng maayos na buhay at sinisigurado nilang magiging maganda ang ating kinabukasan. Pero paanong ang pamilyang ito, matapos kang buuin at ilagay sa ayos, ay siya ding hihila sayo papunta sa kahirapan?

Show more...
4 years ago
16 minutes 18 seconds

Unang Milyon
10 Paraan para Maabot ang Iyong Unang Milyon

Milyon-milyong Pilipino ang nangangarap na maging milyonaryo. Noon pa man, marami na ang tumataya sa lotto at umaasa na sa isang iglap ay mababago nito ang takbo ng kanilang buhay. Ngunit hindi lahat ay swerte sa mga ganitong pagkakataon; iilan lamang ang pinapalad na maging instant millionaire. Pero isipin man ng iba na nangangarap ka nang gising, ‘wag kang magpapaapekto dahil ang pagiging milyonaryo ay hindi imposible.

Sabi nila, ang Unang Milyon ang pinakamahirap kitain kumpara sa mga susunod. Kailangan mo ng commitment, courage, at tamang mindset. Pero hindi lang iyon, kailangan mo ring matuto na mag-take ng risk. So ano nga ba ang mga pwede mong gawin para maging isang milyonaryo? Alam mo na ba kung paano ka magsisimula? Kung hindi pa, make sure na panuorin mo ang buong video para malaman mo ang sampung paraan kung paano ka makakaipon ng isang milyong piso.

Show more...
4 years ago
20 minutes 55 seconds

Unang Milyon
Welcome to Unang Milyon!

Unang Milyon Traier

Show more...
4 years ago
1 minute 15 seconds

Unang Milyon
Ang channel na ito ang tutulong sa iyo para makamit ang iyong Unang Milyon!