
Madalas tayong nagpopokus sa mga mahihirap at mayayaman kaya’t nakakalimutan nating pagtuunan rin ng pansin ang mga nasa middle class. Ayon sa Family Income and Expenditure Survey (FIES) ng PSA ay tatlo sa bawat limang pamilyang Pilipino ang napapabilang sa middle class kung ibabase ito sa buwanang sahod.
Marahil ang iba sa inyo ay nais mapabilang dito, ang iba naman ay marerealize na kasalukuyan pala silang nasa middle class, habang ang maliit na porsyento naman sa inyo ay dumaan na rito at parte na ito ng inyong buhay na ayaw niyo nang balikan. Alin ka kaya rito?
Para mas maintindihan niyo kung ano nga ba ang middle class; ito ay kung wala kayo sa pinakamababang 20% o kaya nama’y sa pinakamtaas na 20% ng inyong kabuuang populasyon. Sila rin ang kumikita ng Php 20,962 hanggang Php 125,772 kada buwan
Ito ay nahahati pa sa tatlong segment – ang lower middle class, middle middle class, at upper middle class. Ngunit sa video na ito ay pag-uusapan nalang natin ito bilang kabuuan. Naglista kami ng sampung senyales upang matulungan kang alamin kung napapabilang ka ba sa midle class o hindi. Halina’t isa-isahin natin ang mga ito.