
Ilang tao na ba ang yumaman dahil sa pag-iinvest sa cryto? Isa? Dalawa? Tatlo? Hindi, napakarami na. Katunayan, ayon sa cryptocurrency data-tracking firm BitInfoCharts ay tinatayang nasa 100,000 na tao na ang mayroong at least $1 million nang dahil lamang sa pag-iinvest sa Bitcoin.
Ang Bitcoin, o ang pinakakilalang crypto, ay unang naging popular sa Pilipinas noong taong 2017. Ngunit bukod rito ay marami pang ibang cryptocurrencies tulad ng Ethereum, XRP, Cardano, Litecoin, at marami pang iba na maaaring magbigay ng napakalaking opportunities pagdating sa pagpapalago ng pera. Hanggang ngayon ay patuloy pang dumarami ang mga Pinoy na pumapasok rito lalo na nang dahil sa Covid-19 pandemic. Kung hindi ka pa rin kumbinsido sa potential ng crypto bilang susi sa iyong unang milyon, tapusin mo ang podcast na ito para malaman ang 10 dahilan kung bakit dapat kang mag-invest sa crypto.