Ngayon alam ko na
Alam ko na hindi lahat ng bagay ay mananatili at magtatagal
Hindi lahat ay maari kong ikipkip sa aking mga palad para ipag damot sa mundo
Dahil ang iba ay dumating lang para dumaan
Dumaan para magbigay ng konting saya, ng konting kilig, ng konting dilig sa buhay mong pakiramdam mo’y nanuyot na
Dumaan para mag silbing alalay sa mga panahon na ayaw mo na
Dumaan para bigyan ka ng pag-asa na maniwala muli na pwede pa
Pwede kang mag mahal uli
Yun nga lang, dumating lang sila para dumaan
Kung kayat kahit gaano man kahigpit ang iyong mga hawak
Ay walang tamang timpla ng halik o yakap
Ang makakapigil sa mga yapak na papalayo lagi ang tapak
Pero bakit?
Bakit pa sila dumating para lang dumaan?
Bakit pa sila nagpakilala kung kakalimutan lamang?
Bakit?
Marahil, siguro, para doon lang sila
Sa mga sandali, saglit, at pansamantala
Para sa mga iilang kabanata
Para sa iilang pahina
Hanggang doon lamang sila
Ngunit gayunpaman
Ay masaya ako
Dahil ngayon ay alam ko na..
Alam ko na na may dumating lang para dumaan
Dumaan hindi para ikipkip sa aking palad at ipagdamot sa mundo
Dahil dumaan sila para mahalin ko
Mahalin ng pansamantala
At palayain ng pang matagalan
Music: Bensound.com/free-music-for-videos
License code: LLPR18QB3CQ94PRR
Artist: : Benjamin Tissot
Music by: Bensound.com/royalty-free-music
License code: WSAE4PLGNUQIMNJQ
Artist: : Benjamin Tissot
A Filipino take on Phil Kaye's poem, Repetition