Mabisa ang kursong Rizal—Philippine Institutions (PI 100) sa ilang mga pamantasan—bilang lunsaran ng pagpapalalim ng kaunawaan ng pagbabaluktot ng kasaysayan at pagtatagisan ng mga kapangyarihan. Maituturo ba, halimbawa, ang kasaysayan ng Batas Militar sa Pilipinas at diktadurang Marcos sa mga talakay hinggil kay Rizal? Oo. Rak.
Nilalayon ng papel na ito na isalin ang sanaysay na “The Part Played by Labour in the Transition from Ape to Man” (1876) ni Friedrich Engels (28 Nobyembre 1820 – 5 Agosto 1895) mula sa salin nito sa wikang Ingles tungo sa Filipino. Kilala si Engels bilang katuwang ng pilosopo’t ekonomistang pampolitika na si Karl Marx. Gayunman, hindi matatawaran ang ambag niya sa mga larangan ng antropolohiya, kasaysayan, pilosopiya, at ekolohiya. Isa na rito ang isinasaling sanaysay kung saan niya ipinaliwanag ang mapagpasyang bahaging ginampanan ng paggawa sa pagpapaunlad ng utak, pandama, at mga organo ng pagsasalita ng tao na naging giya ng pagtataguyod ng mga unang lipunan. Isinasalin ko ang sanaysay na ito bilang “Ang Bahaging Ginampanan ng Paggawa sa Transisyon mula Unggoy patungong Tao.” Hinuhubog ang proyektong ito ng dalawang oryentasyon sa pagsasalin: una, ang di-tuwirang pagsasalin, at ikalawa, ang tinatawag na “eko-pagsasalin.” Isinisiwalat ng pinagsamang pagsusuring-salin at akdang-saling ito ang proseso sa likod ng di-tuwirang eko-pagsasalin batay sa salin sa Ingles ni Clemens Dutt at sa konteksto ng wika ng Kilusang Pambansa-Demokratiko. Ipinapalagay na sa pagsasalin ng mga akdang teknikal tulad ng kay Engels, mapapalawak pa lalo ang leksikon ng ating pambansang wika at ang kaalaman ng mga Pilipino hinggil sa pilosopiya ng ekolohiya sa panahon ng tumitinding krisis sa klima at kalikasan.
Walang kamayaw na pinaulit-ulit ni Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. noong Pambansang Halalan 2022 na natamasa ng Pilipinas ang Golden Age ng ekonomiya noong panahon ng Batas Militar ng lumang administrasyong Marcos. Ngunit totoo nga bang Golden Age ito? At kung oo, para kanino ito golden? Suriin natin ang datos na makapagpapaliwanag sa kung paano hinubog ng neoliberalismo at kroniyismo ang ekonomiya sa ilalim ng diktadurang Marcos. Batay ang episodyong ito sa mga sulatin ng ekonomistang si Sonny Africa, at datos mula sa IBON Foundation at Martial Law Museum.
Kabilang ito sa mini-seryeng "#NeverForget." Nilalaman nito ang ilang lektyur hinggil sa wika, panitikan, kultura, at lipunan sa ilalim ng Batas Militar ng diktador na si Ferdinand Marcos Sr.
Sabi noon ng pamilyang Marcos, walang mga aklat na naisulat o pelikulang nagawa hinggil sa karumal-dumal na diktadura ng dating pangulong Ferdinand Marcos Sr. Ngunit napakaraming likhang-sining ang naging saksi at tumatayong daluyan ng pag-alala sa Batas Militar noong deakda '70 at '80. Kabilang na rito ang ilang mga aklat pambata na isinulat ng mga progresibong awtor upang ikuwento sa batang Pilipino ang isa sa mga pinakamalagim na punto ng ating kasaysayan. Ano-ano ang mga aklat na ito? Bakit kinakailangang matutunan ng mga bata ang politika't katotohanan ng Batas Militar ni Marcos? Alamin natin.
Kabilang ito sa mini-seryeng "#NeverForget." Nilalaman nito ang ilang lektyur hinggil sa wika, panitikan, kultura, at lipunan sa ilalim ng Batas Militar ng diktador na si Ferdinand Marcos Sr.
Jose Protacio Mercado Rizal y Alonso Realonda. Kay haba ng pangalan ngunit tila kay ikli ng buhay. Talakayin natin ang ilang mga highlight sa tatlompu’t limang taong buhay ng isang manunulat, bayani, at dakilang henyo ng lahing Malayo.
Ang Sali-Saliksik ay mini-serye ng mga panimulang lektyur hinggil sa iba’t ibang sablarangan ng araling Pilipino. Marami nang mga naisulat hinggil sa samot-saring kilusang panlipunan tulad ng sa paggawa, pesante, kababaihan, kabataan, at katutubo. Alam mo bang puwede itong maging paksa ng pananaliksik? Pagkuwentuhan natin kung paano nga ba makapagsisimula sa pag-aaral ng mga kilusang panlipunan.
Ang Sali-Saliksik ay mini-serye ng mga panimulang lektyur hinggil sa iba’t ibang sablarangan ng araling Pilipino. Tiyak na nakabasa ka na ng mga aklat, nobela man o pananaliksik, na isinalin sa wikang Filipino o Ingles. Alam mo bang puwede itong maging paksa sa pananaliksik? Pagkuwentuhan natin kung paano nga ba makapagsisimula sa pag-aaral ng Aralin sa Pagsasalin.
Ang Sali-Saliksik ay mini-serye ng mga panimulang lektyur hinggil sa iba’t ibang sablarangan ng araling Pilipino. Babad ka ba sa radyo, telebisyon, social media, sinehan, mall, bar, lansangan, at iba pang daluyan ng kulturang popular? Marahil ay napukaw na ng mga ito ang interes mo. Pagkuwentuhan natin kung paano nga ba makapagsisimula sa pag-aaral ng Kulturang Popular.
Ang Sali-Saliksik ay mini-serye ng mga panimulang lektyur hinggil sa iba’t ibang sablarangan ng araling Pilipino. Interesado ka bang pag-aralan ang mga akda ni Rizal at iba pang bayani? Ang ideolohiya ng mga kilusang panlipunang makabayan? O ang iba’t ibang depinisyon ng bayan? Pagkuwentuhan natin kung paano nga ba makapagsisimula sa pag-aaral ng Araling Rizal at Pagkamakabayan.
Ang Sali-Saliksik ay mini-serye ng mga panimulang lektyur hinggil sa iba’t ibang sablarangan ng araling Pilipino. Marami nang mga naisulat hinggil sa mga pangkat etniko at kaalamang-bayan sa Pilipinas at sa daigdig. Pinapaksa ng mga ito ang wika, kultura’t paniniwala, kuwentong bayan, at tradisyong pasalita. Pagkuwentuhan natin kung paano nga ba makapagsisimula sa pag-aaral ng Araling Etniko at Foklor.
Ano pa ba ang halaga ng mga araling erya at pangkultura (area and cultural studies) tulad ng araling Pilipino sa kasalukuyang panahon? Para kay Prop. Karlo Mongaya ng Unibersidad ng Pilipinas Diliman, mainam suriin ang bisa ng araling Pilipino sa kontexto ng imperyo at ng pakikibaka ng mga Pilipino laban dito.
Komplikado ang usapin ng wika at kasarian, at lalo itong magbubuhol-buhol sa realisasyong napakaraming wika sa ating bansa at maaaring nagkakaiba ang kanilang pagsasalarawan ng identitad, oryentasyon, at ekspresyon. Para sa salaysayang ito, magbabahagi ang isang sosyolohista sa kaniyang karanasan sa pananaliksik kasama ng mga miyembro ng sektor ng LGBT gamit ang wikang kinalakihan nila. Pakinggan natin ang kuwento ni Ash Presto, instruktor sa Departamento ng Sosyolohiya sa Unibersidad ng Pilipinas.