Home
Categories
EXPLORE
True Crime
Comedy
Society & Culture
Business
Sports
History
Fiction
About Us
Contact Us
Copyright
© 2024 PodJoint
00:00 / 00:00
Sign in

or

Don't have an account?
Sign up
Forgot password
https://is1-ssl.mzstatic.com/image/thumb/Podcasts126/v4/ad/18/7b/ad187b8e-25ad-5ce8-21ac-686911b4a3e1/mza_3315820116182720744.jpg/600x600bb.jpg
Salaysáyan: Mga Talakay sa Araling Pilipino
Mon Sy
35 episodes
1 week ago
Mga kuro-kuro, agam-agam, at sabi-sabi na nagbubukas ng marami pang tanong sa larangan ng araling Pilipino. Panitikan at wika? Rizaliana at Batas Militar? Kasaysayan at heograpiya? Agham at matematika? Kulturang popular? Basta't mula sa Pilipino, tungo sa Pilipino, talakayin natin 'yan sa Salaysáyan! Batis ito ng asinkronong lektyur para sa mga klase ni Mon Sy, propesor ng araling Pilipino at panitikan sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman.
Show more...
Courses
Education
RSS
All content for Salaysáyan: Mga Talakay sa Araling Pilipino is the property of Mon Sy and is served directly from their servers with no modification, redirects, or rehosting. The podcast is not affiliated with or endorsed by Podjoint in any way.
Mga kuro-kuro, agam-agam, at sabi-sabi na nagbubukas ng marami pang tanong sa larangan ng araling Pilipino. Panitikan at wika? Rizaliana at Batas Militar? Kasaysayan at heograpiya? Agham at matematika? Kulturang popular? Basta't mula sa Pilipino, tungo sa Pilipino, talakayin natin 'yan sa Salaysáyan! Batis ito ng asinkronong lektyur para sa mga klase ni Mon Sy, propesor ng araling Pilipino at panitikan sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman.
Show more...
Courses
Education
https://d3t3ozftmdmh3i.cloudfront.net/production/podcast_uploaded_nologo/9056119/9056119-1680975037026-3728e2b249459.jpg
Eko-pagsasalin ng “Ang Bahaging Ginampanan ng Paggawa sa Transisyon mula Unggoy patungong Tao” (1876) ni Friedrich Engels
Salaysáyan: Mga Talakay sa Araling Pilipino
16 minutes 19 seconds
1 year ago
Eko-pagsasalin ng “Ang Bahaging Ginampanan ng Paggawa sa Transisyon mula Unggoy patungong Tao” (1876) ni Friedrich Engels

Nilalayon ng papel na ito na isalin ang sanaysay na “The Part Played by Labour in the Transition from Ape to Man” (1876) ni Friedrich Engels (28 Nobyembre 1820 – 5 Agosto 1895) mula sa salin nito sa wikang Ingles tungo sa Filipino. Kilala si Engels bilang katuwang ng pilosopo’t ekonomistang pampolitika na si Karl Marx. Gayunman, hindi matatawaran ang ambag niya sa mga larangan ng antropolohiya, kasaysayan, pilosopiya, at ekolohiya. Isa na rito ang isinasaling sanaysay kung saan niya ipinaliwanag ang mapagpasyang bahaging ginampanan ng paggawa sa pagpapaunlad ng utak, pandama, at mga organo ng pagsasalita ng tao na naging giya ng pagtataguyod ng mga unang lipunan. Isinasalin ko ang sanaysay na ito bilang “Ang Bahaging Ginampanan ng Paggawa sa Transisyon mula Unggoy patungong Tao.” Hinuhubog ang proyektong ito ng dalawang oryentasyon sa pagsasalin: una, ang di-tuwirang pagsasalin, at ikalawa, ang tinatawag na “eko-pagsasalin.” Isinisiwalat ng pinagsamang pagsusuring-salin at akdang-saling ito ang proseso sa likod ng di-tuwirang eko-pagsasalin batay sa salin sa Ingles ni Clemens Dutt at sa konteksto ng wika ng Kilusang Pambansa-Demokratiko. Ipinapalagay na sa pagsasalin ng mga akdang teknikal tulad ng kay Engels, mapapalawak pa lalo ang leksikon ng ating pambansang wika at ang kaalaman ng mga Pilipino hinggil sa pilosopiya ng ekolohiya sa panahon ng tumitinding krisis sa klima at kalikasan.