In this episode, pag-uusapan natin ang Kahel na Langit by Maki — isang kanta tungkol sa sakit ng unti-unting pagkawala, mga alaala na ayaw pa ring bumitaw, at tanong na naiwan sa hangin.
Sa ilalim ng kahel na langit, sama-sama tayong maglalakbay pabalik sa mga damdaming minsan nating tinago.
Paano kung napagod na siya? Hindi dahil wala nang pagmamahal, kundi dahil paulit-ulit na lang siyang lumalaban mag-isa. Paano kung tahimik na lang siya kasi napagod na siyang magpaliwanag? Paano kung ngiti na lang ang tanging natira dahil wala nang lakas para umiyak? Hindi natin laging napapansin ang bigat na dinadala ng taong palaging nandiyan. Kaya bago siya tuluyang mawala, sana tanungin mo: 'Kumusta ka ba talaga?' Dahil minsan, ang tanong na ‘yan ang makakapigil sa isang taong gustong sumuko.
May mga pagkakataong ramdam nating hindi natin kayang mag-isa, pero may bumabagabag—takot, hiya, o baka iniisip nating kaya pa naman. Sa episode na ito ng RED Talks, pag-uusapan natin ang sandaling narealize mong kailangan mo ng tulong, pero natakot kang humingi. Bakit gano’n? Ano ang pumipigil sa atin? At paano natin mahuhubog ang tapang para lumapit at humingi ng suporta?
May mga sugat tayong dala—mga sakit na hindi nagkaroon ng sorry, hindi naitama, at hindi naibalik. Sa episode na ito, pag-uusapan natin kung paano tayo magpapatawad kahit walang paghingi ng tawad, paano natin ipagpapatuloy ang buhay nang hindi na hinahabol ang closure, at paano natin pipiliing gumaling para sa sarili natin.
Sa episode na ‘to, pag-uusapan natin ang isa sa pinaka-masakit na experiences sa love—rejection. Mapa-crush na hindi mutual, breakup, o feeling na hindi ka “enough,” ang sakit diba? Pero, paano kung ang rejection ay hindi katapusan kundi redirection?
Masakit pero hindi ka nag-iisa. Halika, usap tayo!
Not all struggles are seen, and not all wounds are visible. In this episode of Red Talks, we dive into the silent battles we fight every day-self-doubt, loneliness, pressure, and the weight of expectations. Bakit nga ba madalas nating kimkimin ang bigat na nararamdaman natin? And how do we keep going despite it all? If you're fighting your own silent battle, know that you're not alone.
Tune in as we talk about the power of acknowledging our struggles, finding healthy ways to cope, and embracing the journey of healing.
After a long break, Red Talks is back! Sa comeback episode na ito, pag-uusapan natin ang isang super importanteng topic – ang "Self Love." Ano ba ang ibig sabihin ng pagmamahal sa sarili after a break-up? Paano natin matutunan na pahalagahan ang ating sarili kahit na may mga challenges sa buhay?
After 2 years may episode 3 naaaaaa!