Minsan kahit matagal na, may mga bagay sa “past” ng partner natin na hindi mawala sa isip.
Hindi naman dahil gusto nating ungkatin, pero kasi, may mga sugat na hindi lang basta lumilipas. Paano mo nga ba pagkakatiwalaan ulit ang taong nasaktan ka, kahit sabihin niyang “tagal na ‘yon”? At hanggang saan ang linya ng respeto, lalo na sa mga “biruan” na hindi na nakakatawa?
Sa USKD Season 5 — RealTalk Lang, pag-uusapan natin ang trust, boundaries, at ‘yung mga bagay na hindi kayang takpan ng salitang “past na ‘yan.”
Listen now on Spotify, Apple Podcasts, Amazon Music, iHeartRadio, at iba pang podcast platforms.
Sa bawat barkada, laging may isang nagmahal nang palihim. Ito ang kwento ni Rica, isang babae na naghintay, umasa, at umibig sa kanyang matalik na kaibigan. Pero paano kung ang taong tinitibok ng puso mo ay hindi kailanman makikita ka sa parehong paraan? “Usapang Hindi Tayo” ay isang paglalakbay ng pag-amin, pagluha, at sa huli, pagtanggap. Dahil hindi lahat ng pag-ibig, nagtatapos sa “kami.” Minsan, nagtatapos sila sa “salamat.”
Pakinggan ang kwento ni Rica.
#UsapangSaktoKlaroDiretso #UsapangHindiTayo #USKD
Pakinggan ang kwento ni Jaime from Cavite.
Usapang Sakto. Klaro. Diretso.
EP. 14 USPANG WALANG REPLAY
Sa bawat pagtatapos, may mga pusong pilit pa ring kumakapit umaasang baka sa pagkakataong ito, magbago ang lahat. Pero paano kung sa limang beses na tayong nagbitaw, pareho pa rin tayong sugatan? Paano kung sa bawat pagbabalikan, dala-dala pa rin natin ang mga luhang hindi pa natutuyo?
Sa episode na ito, maririnig natin ang kwento ni Mara, 28 years old, taga-Mandaluyong, na ilang ulit nang bumalik sa isang relasyon na unti-unting sumasakal sa kanya. Mahal pa rin niya, oo. Pero mas pinili na niyang mahalin ang sarili niya kahit masakit, kahit mahirap.
Isang liham ng paglaya, pagtanggap, at paalam.
Isang paalalang hindi tayo selfish kapag pinili nating bitawan ang mga taong hindi na tayo kayang hawakan nang buo.
Pagkatapos ng kwento, may ilang payo rin mula sa ating host para sa mga kagaya ni Mara at baka kagaya mo rin.
Pakinggan. Damhin. Baka ito na rin ang sign mo para piliin ang sarili mo.
#UsapangSaktoKlaroDiretso
#SaLimangPagbitaw #PodcastPH #PinoyPodcast #LihamNgPuso #HugotEpisode #TagalogPodcast #HeartbreakHealing
“Ang Pagpapalaya ay Isang Anyong Pag-ibig” ay isang paalala na ang tunay na pagmamahal ay hindi laging tungkol sa pananatili minsan, ito rin ay tungkol sa pagbitiw. Hindi lahat ng laban ay kailangang ipaglaban.
#USKDShortLetterSeries
Pakinggan ang kwento ni Zhian na may Unrequited Love Rants sa #UsapangUnrequitedLove
Special Thanks to Mii Criselle for suggesting this song.
Music used from: Ice Seguerra - Pakisabi Na Lang
Under of Vicor Music
Teaser music used from: Olivia Rodrigo - Traitor
Under of Sony/ATV Music Publishing
Instrumental music used from: Ice Seguerra - Pakisabi Na Lang (Piano Cover) | Koccily YT Channel
Story of Clyde from Manila.
They met at the Coffee Shop because of his friends and became friends but Leo suddenly changed and Clyde gave up and gradually got tired.
Music used from : Up Dharma Down - Unti-Unti
BGM : Jurrivh - Lose You
#UsapangUnti-Unti
Pakinggan ang maikling kwento ni KC sa #UsapangAssuming
Music used from: Regine Velasquez - Someday
Under of ABS-CBN Film Production Inc. | ABS-CBN Music