Home
Categories
EXPLORE
True Crime
Comedy
Society & Culture
Business
Sports
History
News
About Us
Contact Us
Copyright
© 2024 PodJoint
00:00 / 00:00
Sign in

or

Don't have an account?
Sign up
Forgot password
https://is1-ssl.mzstatic.com/image/thumb/PodcastSource122/v4/cb/b5/a3/cbb5a30d-81ad-8949-8411-6fa1ce490685/c80eaa35-b919-42a5-9906-34292cab723f.jpg/600x600bb.jpg
Sa Kabilang Buhay At Kababalaghan (Tagalog NDEs & Supernatural Stories)
Jaimerie Mortaud
76 episodes
6 days ago
Ang channel na ito ay nagsasalaysay ng mga istoryang narasan ng mga tao noong sila’y sumakabilang buhay at iba pang mga patotoo tungkol sa mga kababalaghan na sumasang-ayon sa Bibliya. Layunin po ng podcast na ito na bigyan kayo ng pag-asa at kaalaman tungkol sa buhay na naghihintay sa atin kung tatanggapin natin ang Panginoong Hesus bilang ating Tagapagligtas. Malalaman din ninyo ang mga kamangha-manghang gawain ng Panginoong Hesus sa kasalukuyan sa pamamamagitan ng mga tunay na karanasan.
Show more...
Christianity
Religion & Spirituality
RSS
All content for Sa Kabilang Buhay At Kababalaghan (Tagalog NDEs & Supernatural Stories) is the property of Jaimerie Mortaud and is served directly from their servers with no modification, redirects, or rehosting. The podcast is not affiliated with or endorsed by Podjoint in any way.
Ang channel na ito ay nagsasalaysay ng mga istoryang narasan ng mga tao noong sila’y sumakabilang buhay at iba pang mga patotoo tungkol sa mga kababalaghan na sumasang-ayon sa Bibliya. Layunin po ng podcast na ito na bigyan kayo ng pag-asa at kaalaman tungkol sa buhay na naghihintay sa atin kung tatanggapin natin ang Panginoong Hesus bilang ating Tagapagligtas. Malalaman din ninyo ang mga kamangha-manghang gawain ng Panginoong Hesus sa kasalukuyan sa pamamamagitan ng mga tunay na karanasan.
Show more...
Christianity
Religion & Spirituality
Episodes (20/76)
Sa Kabilang Buhay At Kababalaghan (Tagalog NDEs & Supernatural Stories)
Atheist Ako At Nagkamali Ako

Atheist Ako At Nagkamali Ako

Episode 76- Sa Kabilang Buhay At Kababalaghan

Ang istoryang mapapakinggan ninyo ay tungkol sa totoong karanasan ni Donald.  Si Donald ay isang doctor at nasa kaniya na ang lahat at dahil dito madali para sa kaniya ang hindi maniwala sa Diyos.  Sa loob ng limang taon, may kaibigan siyang Kristyano na patuloy na nagsasabi sa kaniya tungkol sa pag-ibig ni Hesus, pero nakikipag-debate lang siya dito hanggang sa dumating siya sa bingit ng kamatayan at hinanap niya ang kaibigan.  Pakinggan po ang detalye ng karanasan ni Donald.

Show more...
1 year ago
14 minutes 2 seconds

Sa Kabilang Buhay At Kababalaghan (Tagalog NDEs & Supernatural Stories)
Ang Gantimpala Ko Sa Langit

Ang Gantimpala Ko Sa Langit

𝐄𝐩𝐢𝐬𝐨𝐝𝐞 75 - 𝐒𝐚 𝐊𝐚𝐛𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐁𝐮𝐡𝐚𝐲 𝐀𝐭 𝐊𝐚𝐛𝐚𝐛𝐚𝐥𝐚𝐠𝐡𝐚𝐧

Ang istoryang mapapakinggan ninyo ay tungkol sa totoong karanasan ni Maria.  Isa si Maria sa mga naunang nagkasakit ng Covid noong 2019 sa New York at ito ang kaniyang ikinamatay.  Sa kaniyang pagkamatay, napunta siya sa langit at ipinakita sa kaniya ng Panginoon ang kaniyang gantimpala at kung bakit siya ginatimpalaan.  Gayunman, pinili ni Maria na bumalik sa lupa.  Alamin kung bakit mas pinili ni Maria na bumalik sa lupa kahit nandoon na siya sa langit pagkatapos makita ang ang kaniyang gantimpala.  Pakinggan ang detalye ng kaniyang karanasan.

Show more...
1 year ago
29 minutes 35 seconds

Sa Kabilang Buhay At Kababalaghan (Tagalog NDEs & Supernatural Stories)
Pro-choice Ako Hanggang Sa Makita Ko Ito

Pro-choice Ako Hanggang Sa Makita Ko Ito

𝐄𝐩𝐢𝐬𝐨𝐝𝐞 74 - 𝐒 𝐊𝐚𝐛𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐁𝐮𝐡𝐚𝐲 𝐀𝐭 𝐊𝐚𝐛𝐚𝐛𝐚𝐥𝐚𝐠𝐡𝐚𝐧

Ang istoryang mapapakinggan ninyo ay tungkol sa totoong karanasan ni Patricia.  Dating Pro-choice si Patricia at bago siya naging assistant sa abortion clinic, tatlong abortion ang pinagdaanan niya.  Dahil sa nakita niyang mga karima-rimarim na mga insidente at mga bagay sa loob ng abortion clinic, hindi na natahimik ang kunsens’ya ni Patricia.   Pakinggan ang detalye ng kaniyang karanasan.

Show more...
1 year ago
41 minutes 45 seconds

Sa Kabilang Buhay At Kababalaghan (Tagalog NDEs & Supernatural Stories)
Ang Misyon Ko Sa Buhay, Matapos Kong Mamatay

Ang Misyon Ko Sa Buhay, Matapos Kong Mamatay

𝐄𝐩𝐢𝐬𝐨𝐝𝐞 73 - 𝐒𝐚 𝐊𝐚𝐛𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐁𝐮𝐡𝐚𝐲 𝐀𝐭 𝐊𝐚𝐛𝐚𝐛𝐚𝐥𝐚𝐠𝐡𝐚𝐧

Ang episode na ito ay tungkol sa totoong karanasan ni Valerie matapos siyang maaksidente, mamatay at ibalik sa katawan niya sa lupa ng Panginoong Hesus.  Lumaking Kristyano si Valerie at sa buong buhay niya, pakiramdam niya ay hindi siya sapat sa paningin ng Panginoon.  Pero iba ang kaniyang naramdaman sa kanilang pagkikita.  Pakingan ang istorya ng pagkikita ni Valerie at ng Panginoong Hesus at alamin kung ano ang misyon niya sa buhay.

Show more...
1 year ago
11 minutes 23 seconds

Sa Kabilang Buhay At Kababalaghan (Tagalog NDEs & Supernatural Stories)
Mga Mahilig Sa Tismis, Nakita Ko Sa Impyerno

Mga Mahilig Sa Tsismis, Nakita Ko Sa Impyerno

𝐄𝐩𝐢𝐬𝐨𝐝𝐞 72 - 𝐒𝐚 𝐊𝐚𝐛𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐁𝐮𝐡𝐚𝐲 𝐀𝐭 𝐊𝐚𝐛𝐚𝐛𝐚𝐥𝐚𝐠𝐡𝐚𝐧

Ang istoryang mapapakinggan ninyo ay tungkol sa totoong karanasan ni Dominic ng barilin siya ng kasama niya sa gang at mapunta sa impyerno.  Doon ay marami siyang nakitang iba’t-ibang parusa sa iba’t-ibang kasalanan ng mga tao.  Pero partikular niyang idiniin ang kasalanan na tsismis at kung ano ang nakita niyang parusa sa kanila. Pakinggan ang detalye ng kaniyang karanasan at kung papaano siya nakabalik sa lupa.

Show more...
1 year ago
34 minutes 43 seconds

Sa Kabilang Buhay At Kababalaghan (Tagalog NDEs & Supernatural Stories)
Ang Dahilan Ng Aking Tagumpay

Ang Dahilan Ng Aking Tagumpay

𝐄𝐩𝐢𝐬𝐨𝐝𝐞 71 - 𝐒𝐚 𝐊𝐚𝐛𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐁𝐮𝐡𝐚𝐲 𝐀𝐭 𝐊𝐚𝐛𝐚𝐛𝐚𝐥𝐚𝐠𝐡𝐚𝐧

Ang istoryang mapapakinggan ninyo ay tungkol sa tagumpay ng ministry ni Dr. Yonggi Cho sa South Korea.  Nagsimula si Dr. Cho sa limang miyembro noong 1958 na umabot sa mahigit na 750,000 hanggang sa kaniyang pagkamatay noong 2021. Pakinggan kung ano ang dahilan sa likod na pananagumpay ng ministry ni Dr. Yonggi Cho mula sa kaniyang testimoniya.

Show more...
1 year ago
28 minutes 20 seconds

Sa Kabilang Buhay At Kababalaghan (Tagalog NDEs & Supernatural Stories)
Hamas Ako At Bumaliktad Ako

Hamas Ako At Bumaliktad Ako

Episode 70 – Sa Kabilang Buhay At Kababalaghan

 Ang istoryang mapapakinggan ninyo ay tungkol sa totoong karanasan ni Mosab.  Lumaki siya sa Palestine at High Ranking Hamas Spiritual Leader ang kaniyang Ama.  Mula pagkabata ay tinuruan siya ng Hamas na kasalanan ng mga Hudyo kung bakit sila naghihirap, kasalanan ng mga Kristyano at kasalanan lahat ng mga taksil sa Islam.  Sa edad na 18, nagbalak si Mosab na atakihin ang mga Israeli, bumili siya ng baril pero nahuli siya ng mga sundalo ng Israel bago pa man niya maisagawa ang kaniyang balak.  Ito ang simula ng pagkalito at pagbabago ni Mosab hanggang sa itakwil siya ng kaniyang sariling pamilya.  Alamin kung bakit bumaligtad si Mosab sa Hamas at sa Islam sa istorya ng kaniyang buhay.

Show more...
1 year ago
31 minutes 15 seconds

Sa Kabilang Buhay At Kababalaghan (Tagalog NDEs & Supernatural Stories)
Ang Pamilya Ko Sa Langit

Ang Pamilya Ko Sa Langit

Episode 69 – Sa Kabilang Buhay At Kababalaghan

  Ang istoryang mapapakinggan ninyo ay tungkol sa totoong karanasan ni Karen.  Physical Therapist si Karen sa Alaska at kailangan niyang operahan sa likod.  Noong araw ng operasyon, naputol ng doktor ang artery niya na kaniyang ikinamatay dahil sa labis na pagdurugo.  Dito nagsimula ang kakaibang karanasan ni Karen na nagsimula sa pagmamasid sa kaniyang bangkay na nasa operating table hanggang sa makarating siya sa langit.  Dito ay nakita niya ang kaniyang pamilya. Pakinggan ang detalye ng karanasan ni Karen.

Show more...
1 year ago
18 minutes 44 seconds

Sa Kabilang Buhay At Kababalaghan (Tagalog NDEs & Supernatural Stories)
Nakita Ko Ang Mga Kaibigan Ko Sa Impyerno

Nakita Ko Ang Mga Kaibigan Ko Sa Impyerno

𝐄𝐩𝐢𝐬𝐨𝐝𝐞 𝟔8- 𝐒𝐚 𝐊𝐚𝐛𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐁𝐮𝐡𝐚𝐲 𝐀𝐭 𝐊𝐚𝐛𝐚𝐛𝐚𝐥𝐚𝐠𝐡𝐚𝐧

Lumaki si Ron sa isang napaka-hirap na pamilya at bayolente ang Ama niya na pumatay sa alaga niyang tupa.  Lumayas siya sa edad na labing-dalawa at naging kriminal, adik at lasingero.  Namatay siya noong dalawampu’t limang taong gulang siya at napunta sa impyerno.  Dito ay nakita niya ang mga dati niyang kaibigan.  Alamin ang detalye ng istorya ni Ron sa pakikinig sa episode na ito.

Show more...
1 year ago
19 minutes 17 seconds

Sa Kabilang Buhay At Kababalaghan (Tagalog NDEs & Supernatural Stories)
Hinanap Ko Si Hesus Sa Langit At Nagulat Ako Sa Nakita Ko

Hinanap Ko Si Hesus Sa Langit At Nagulat Ako Sa Nakita Ko

67 - Sa kabilang Buhay At Kababalaghan

Naniniwala ba kayo na hanggang sa ngayon ay maaari pa ring dalhin ng Panginoon ang ating espiritu sa langit habang nabubuhay tayo sa lupa, gaya ng nasasaad sa Bibliya?  Ito ang naging karanasan ni Prophet Tomi Arayomi noong 16 years old pa lang siya.  Pakinggan ang kabuuan ng kaniyang karanasan sa langit at kung bakit siya nagulat sa kaniyang nakita. 

Show more...
1 year ago
13 minutes 25 seconds

Sa Kabilang Buhay At Kababalaghan (Tagalog NDEs & Supernatural Stories)
Terorista Ako Hanggang Sa Ito Ang Mangyari

Terorista Ako Hanggang Sa Ito Ang Mangyari

Episode 66 - Sa Kabilang Buhay At Kababalaghan

Ang istoryang mapapakinggan ninyo ay tungkol sa patotoo ni Afshin, dati siyang miyembro ng Hezbollah Army na kilala sa buong mundo bilang terrorist group na pinapalakas ng Iran.  Pinalaki si Afshin bilang spiritual leader upang magturo ng Islam, sa labas ng Iran, hanggang sa makulong siya sa Malaysia dahil sa pagkakaroon ng 30 pekeng passports. Sa kulungan naging mas deboto si Afshin sa Quran at pagdadasal, at dahil sa turo sa Quran na pakikipag-usap sa mga espiritu, nagkamit siya ng kapangyarihan.  Kapangyarihang ginagamit niya sa pananakit at paghihiganti sa mga taong gustong pasakitan ng mga taong nagpapadasal sa kaniya.  Isa sa pinakamakapangyarihang espiritu na nagbibigay sa kaniya ng kapangyarihan ay siya ding nagtangkang pumatay sa kaniya.   At dito nagsimula ang pagbabago ng kaniyang buhay. Pakinggan natin ang detalye ng karanasan ni Afshin. 

Show more...
2 years ago
21 minutes

Sa Kabilang Buhay At Kababalaghan (Tagalog NDEs & Supernatural Stories)
Handa Na Ang Piging Sa Langit

Handa Na Ang Piging Sa Langit
Episode 65- Sa Kabilang Buhay At Kababalaghan

Handa ka na ba? Handa ka na bang ikasal kay Hesus? Sinasabi sa Bibliya na si Hesus ay babalik muli para kunin ang kaniyang mga tupa, ang kaniyang mga mapapangasawa. Isa ka ba sa kanila?  May relasyon kaba kay Hesus?  Pakinggan ang nasaksihan ni Santur sa langit at ang mensaheng gustong iparating ng Panginoong Hesus sa kaniyang pagbabalik sa lupa mula sa pagkamatay sa aksidente.

Show more...
2 years ago
9 minutes 27 seconds

Sa Kabilang Buhay At Kababalaghan (Tagalog NDEs & Supernatural Stories)
Ang Halloween, Ayon Sa Ex-Witch

Ang Halloween, Ayon Sa Ex-Witch

Episode 64- Sa Kabilang Buhay At Kababalaghan

Ang episode na ito ay itinaon para sa darating na Halloween upang bigyang babala ang lahat ng makakarinig kung bakit hindi dapat ito ipinagdiriwang ayon sa pananaw ng isang ex-witch. Pakinggan kung bakit gustong balaan ni Tina ang lahat tungkol sa Halloween.

Show more...
2 years ago
14 minutes 49 seconds

Sa Kabilang Buhay At Kababalaghan (Tagalog NDEs & Supernatural Stories)
Nakasama Ko Ang Diyos At Ito Ang Ginawa Namin

Nakasama Ko Ang Diyos At Ito Ang Ginawa Namin

Episode 63- Sa Kabilang Buhay At Kababalaghan

 Ang istoryang mapapakinggan ninyo ay totoong karanasan ni Chad.  Sa patuloy na pagsusuyo at pagpupuri ni Chad sa Diyos, nakaranas siya ng isang napakagandang karanasan sa piling ng Diyos.  Alamin ang detalye ng karanasan ni Chad sa trono ng Diyos.

Show more...
2 years ago
13 minutes 49 seconds

Sa Kabilang Buhay At Kababalaghan (Tagalog NDEs & Supernatural Stories)
Abusive Husband Ako At Pinagsisihan Ko Ito

Abusive Husband Ako At Pinagsisihan Ko Ito
Episode 62- Sa Kabilang Buhay At Kababalaghan

Ang istoryang mapapakinggan ninyo ay totoong karanasan ni Makah. Nakapangasawa si Makah ng isang mabuting babae na nagmahal sa kaniya ng lubos, pero dahil sa masamang impluwens’ya ng alak at droga, pang-aabuso ang isinukli niya dito.  Pakinggan ang istorya sa buhay ni Makah at kung paano niya pinagsisihan ang pangaabuso niya sa kaniyang asawa.

Show more...
2 years ago
14 minutes 5 seconds

Sa Kabilang Buhay At Kababalaghan (Tagalog NDEs & Supernatural Stories)
Galit Ako Sa Diyos At Ito Ang Ginawa Niya Sa Akin

Galit Ako Sa Diyos At Ito Ang Ginawa Niya Sa Akin

Episode 61 - Sa kabilang Buhay At Kababalaghan Ang istoryang mapapakinggan ninyo ay totoong karanasan ni Joanne. Dating Athlete si Joanne at sa kaniyang pagbubuntis ay nagkaroon siya ng nerve damage na naging dahilan ng marami niyang problemang pangkalusagan. Dahil dito dumaan siya sa 13 operasyon. Pumanaw si Joanne pero ninais niyang bumalik sa mundo para itaguyod ang kaniyang anak sa kabila ng paghihirap ng katawan.  Pakinggan kung paano gumaling si Joanne.

Show more...
2 years ago
14 minutes 5 seconds

Sa Kabilang Buhay At Kababalaghan (Tagalog NDEs & Supernatural Stories)
Adik Ako At Ito Ang Ginawa Ko

Ang istoryang mapapakinggan ninyo ay totoong karanasan ni Lisa. Pinalaki siyang Kristyano pero sa kaniyang paglaki tumalikod siya sa Diyos, naging tomboy at drug addict.  Namatay siya sa overdose at ito ang nangyari.

Show more...
2 years ago
19 minutes 27 seconds

Sa Kabilang Buhay At Kababalaghan (Tagalog NDEs & Supernatural Stories)
Ang Itsura Ng Dasal Sa Langit

Ang Itsura Ng Dasal Sa Langit
Episode 59 - Sa Kabilang Buhay At Kababalaghan

Ang istoryang mapapakinggan ninyo ay totoong karanasan ni Robert. Naghirap siya sakit na kaniyang ininda sa maraming taon, ginawa niya ang lahat para gumaling pero hindi ito kaagad nangyari, alamin kung bakit hindi nasagot kaagad ang panalangin ni Robert.

Show more...
2 years ago
13 minutes 9 seconds

Sa Kabilang Buhay At Kababalaghan (Tagalog NDEs & Supernatural Stories)
Naniwala Ako Sa Horoscope At Ito Ang Napala Ko

Paano kung sinusumpa mo ang sarili mo nang hindi mo alam?  Paano kung gaya ni Eba at ni Adan ay nalinlang ka ni Satanas?  Ang mga bagay na akala natin ay inosente ay hindi pala.  Ang masasamang balita na mababasa sa inyong Horoscope at mga pagdidikta sa kung ano ang mga dapat ninyong gawin ay hindi sa Diyos kung hindi kay Satanas.  Alamin kung bakit sa episode na ito.

Show more...
2 years ago
20 minutes 9 seconds

Sa Kabilang Buhay At Kababalaghan (Tagalog NDEs & Supernatural Stories)
Namatay Ako At Ito Ang Natutunan Ko

Namatay Ako At Ito Ang Natutunan Ko

Episode 57 - Sa Kabilang Buhay At Kababalaghan

Totoo ba na ang mga anghel ang kumikilos sa likod ng mga doktor para dugtungan ang buhay ng isang tao? Pakingan ang totoong karanasan ni Ronnie sa kabilang buhay at kung anu-ano ang kaniyang natutunan.

Show more...
2 years ago
13 minutes 39 seconds