May isang letter sender na kailangan daw ng payo sa online dating experience niya. Hindi niya daw kasi alam kung saan sila papunta ng ka-talking stage niya.
'Yan at iba pang kwentuhan sa online dating experience kasama ng makukulit na guests ang matutunghayan natin sa isa na namang bagong episode ng Miniskirt Podcast!
Heto na ang most awaited back story kung papaano ako nag-propose sa Boracay! Hahaha!
Maraming salamat sa lahat ng tumulong lalong lalo na sa mga sumusunod:
Mga tropa ni SP: Meg, Cher, Jah, Rodel
Tessera sa obrang singsing.
Ziek Daniel sa acoustic band.
Photos by Jess sa larawan.
DJ Q2 ng Summer Place Boracay.
Sir Ivan sa instruments.
Sobrang solid niyo. Habambuhay ko kayong ipo-promote!
At syempre, sa family ko at family ni SP.
--
Happy Anniversary Miniskirt Podcast!
Comeback israel! The return of the comeback!
Namiss mo ba ang Miniskirt Podcast? Eto na ang first episode ng Miniskirt Podcast 2022!
Alamin natin ang ating kapalaran ngayong nalalapit na ang Chinese New Year!
Palaging tandaan, hindi hawak ng mga bituin ang ating kapalaran. Gabay lamang sila!
Inihahandog namin sa inyo ang pinaka-sikat na guest sa Miniskirt Podcast with 27k Youtube subs.
Tutal kakatapos lang ng The International. Kuwentuhan tayo tungkol sa Dota.
Nasisisi ka na ba ng jowa mo sa rank games?
Wala na ba kayong time sa isa't isa sa kakalaro?
At marami bang iba! Dota Trivia Quiz at kuwentuhan tungkol sa TI10!
Masakit bang magpa-tattoo?
Mahal bang magpa-tattoo?
Paano ako magsasabi sa parents ko nag magpapa-tattoo ako?
Nakaranas ka na ba ng diskriminasyon dahil sa tattoo mo?
Isang oras na punong puno ng kwentuhan tungkol sa tattoo. Pakinggan!
Ang episode na ito ay handog sa atin ng FriendWithinPH! Check niyo IG and Facebook page nila mga sir!
Isa ka bang young professional na naghahanap ng jowa dahil never ka pang nagka-jowa since birth?
Choosy ka ba?
Mataas ba ang standards mo?
Hindi ka pa ba ready?
Takot ka ba commitment?
Malalaman natin sa episode na 'to ng Miniskirt Podcast!
Please follow @yarapalacay on Instagram.
Are you a beer person ba? Or mas ma-wine ka?
Ano ang paborito mong walwal moment?
Suka muna tapos inom ulit!
At marami pang kuwentuhang lasing with Project Ex!
Isa na namang malupitang episode ang handog sa inyo ng Miniskirt Podcast!
For this episode, pag-uusapan natin ang mga bagay tungkol sa getting to know stage, mga kuwentong mag-ex sa tropahan, konting Popoy and Basha throwback, at mangilang ngilang palabas.
Importante ba talagang maglaid down ng intentions?
Pakinggan natin!
Ghinost ba talaga ni Gerald si Bea?
At iba pang nakakatakot na kuwento ang tunghayan natin sa bagong episode ng Miniskirt Podcast!
Featuring ang pinakamabangis na team sa buong mundo: Project Ex!
The secret is out! Isang matinding announcement ang matutunghayan natin sa episode na 'to!
10 years in a relationship.
Bakit ang tagal magpropose?
Paano ba tatagal ang relasyon?
Ano kaya ang pasabog ng dalawang 'to? Maski ako na-shookt! Haha!
Sa episode na 'to, pagkukuwentuhan namin ni SP kung ano-ano ang mga nagtrending sa nakaraang mga ECQs!
From Dalgona, Ube Cheese Pandesal, Baked Sushi ng ECQ 1.
To Community Pantries and Essential Lugaw ng ECQ 2.
This ECQ season 3, ano kaya ang mauuso, no?
Ikaw? Ano ba ang paborito mo at mga nagawa mo na sa mga nauso nitong mga nakaraang ECQ?
Sino ba ang paborito mong love team?
Ted and Tracy?
Monica and Chandler?
Jake and Amy?
Phil and Claire?
Popoy and Basha?
Aljur and Yayadub?
Troy and Abed?
Dito sa episode na ito, pag-uusapan natin ang pinakapaborito nating mga love teams! Hahah! Parehas ba tayo ng mga paborito? Ikaw? Sino ba ang mga paborito mo. :)
Penge naman tips kung pano ko didiskartehan ang opismeyt ko.
Ano ba ang pros and cons ng teammate mo ang dyowa mo?
Nag-selos ka na ba sa officemate mo?
Pano ka nabibigyan ng personal space kung maghapon kayong magkasama?
Alam ba niya ang sweldo mo?
At marami pang ibang makukulit na phone in questions ang tatalakayin natin sa next episode.
Nami-miss mo na bang mag-mall nang walang facemask?
Mag-travel nang hindi kakaba-kaba?
Manood ng sine? Pumarty? Manood ng concert?
Ano ang pinaka-namimiss mong gawin noong wala pang pandemic na hindi mo na magawa-gawa ngayon?
Parehas ba tayo ng nami-miss? Pakinggan!
Alexa play Magbalik. Tininiw. Tintininiw.
Ito na ang part 2 ng isa sa pinaka-inaabangang tambalan ng ating henerasyon. Galing sa kalahating taong break-up at walang communication. In the end, nagkabalikan rin sila.
Ano ba ang naging proseso? Ano ang naging mindset? Ano ang mga lessons learned?
Kung may balak kang makipagbalikan sa ex mo. Pakinggan mo 'to!
Or kahit wala pala pakinggan mo pa rin, para may plays ang podcast ko. Hahaha!
From sini-seen to sinisinta.
Wala pa bang plano ang boyfriend mong magpropose?
Anong mga dapat i-consider kapag magpapakasal ngayong pandemic?
Ano ang mga preparasyon na dapat gawin bago magpakasal?
At marami pang makukulit na inputs sa pinakamahabang episode ng Miniskirt Podcast! Busog na busog sa kwento!
Pakinggan natin ang mga inputs ng ating mga guests na nagpakasal sa gitna ng pandemya.
Dapat ba alam ni jowa kung magkano ang sweldo mo?
Tingin mo ba mas okay na mag-joint account kayo?
Dapat bang i-merge ang investments?
Ano ang ideal retirement?
For this episode, isang napaka-sensitibong bagay ang pag-uusapan natin lalo na sa mga couples. Wala ng iba pa kundi ang PERA!
May guests tayo na mag-jowa na magsi-share tungkol sa kanilang financial goals at diskarte sa pagmanage ng pera.
Ang episode na ito ay hatid sa atin ng PRU Life UK. Listening. Understanding. Delivering. Oha! Beke nemen! Hahaha!
For this episode meron tayong sampung tanong na sasagutin mula sa isang poll online. Ano-ano ito? Pakinggan natin!
"Paano kung hindi kami mag-work? Edi sayang ang friendship?"
"Okay naman siya. Nagkakasundo kami. Charming din siya. Kaso ayaw ko sa tropa eh."
"Pag tropa, tropa."
"Tropa kasi, eh."
Minsan mo na bang nakakitaan ng potential na jowain ang tropa mo pero nagdalawang-isip ka dahil ayaw mong masira ang friendship pag hindi nag-work? Worth it ba talagang mag-take ng risk?
For this episode, meron tayong special guest--special guest siya dahil isa siyang letter sender-turned-guest at siya ang kauna-unahang single na guest ng Miniskirt Podcast. Siya ay isa rin sa mga nagtake ng risk at nag-try na i-level up ang friendship to a romantic relatioship. Nag-work kaya? Malalaman natin 'yan sa episode na 'to.
Iisa lang ang pride na dapat lunukin! Heto na ang first ever pride month special ng Miniskirt Podcast. Isang matindihan na kuwentuhan kasama ng ating mga makukulit guests. Papakiligin nila tayo sa kanilang love story, ikukuwento nila kung paano sila nag-out, at magsishare sila ng kanilang testimony tungkol sa "Love Wins."
Check niyo rin product nila sa Shopee: https://shopee.ph/bluevitriol epektibong panlaban sa coronavirus! Lab tested and proven ito mga sir.