
Tahimik. Matatag. Walang reklamo. Pero pagod na pala.
Ngayong Men’s Mental Health Awareness Month, pag-usapan natin ang mga laban ng kalalakihan na madalas hindi napapansin—ang pressure, ang stigma, at ang katahimikang may bigat.
Sa episode na ‘to, sabay-sabay nating unawain, pakinggan, at damayan ang mga lalaking tahimik na lumalaban. Kasi ang totoo: lahat tayo may karapatang maramdaman, magsalita, at gumaling.