Home
Categories
EXPLORE
True Crime
Comedy
Society & Culture
Business
Sports
Technology
Health & Fitness
About Us
Contact Us
Copyright
© 2024 PodJoint
Loading...
0:00 / 0:00
Podjoint Logo
US
Sign in

or

Don't have an account?
Sign up
Forgot password
https://is1-ssl.mzstatic.com/image/thumb/Podcasts116/v4/ad/f1/39/adf139ab-c333-de29-0484-3b95bab70c63/mza_8043244196569223531.jpg/600x600bb.jpg
Life Talk (Tagalog version)
Rachel Dea
25 episodes
3 days ago
Life Talk (Tagalog Version) ay isang podcast para sa mga Pilipino na nakararanas ng mental illness, problema sa pag-ibig o problema man sa buhay. Narito ang Life Talk para tulungan kang baguhin ang mindset mo into POSITIVE. ⏩ FACEBOOK PAGE: https://www.facebook.com/rachelrachel.dea ⏩ INSTAGRAM: @cheliethebaddie
Show more...
Mental Health
Health & Fitness
RSS
All content for Life Talk (Tagalog version) is the property of Rachel Dea and is served directly from their servers with no modification, redirects, or rehosting. The podcast is not affiliated with or endorsed by Podjoint in any way.
Life Talk (Tagalog Version) ay isang podcast para sa mga Pilipino na nakararanas ng mental illness, problema sa pag-ibig o problema man sa buhay. Narito ang Life Talk para tulungan kang baguhin ang mindset mo into POSITIVE. ⏩ FACEBOOK PAGE: https://www.facebook.com/rachelrachel.dea ⏩ INSTAGRAM: @cheliethebaddie
Show more...
Mental Health
Health & Fitness
Episodes (20/25)
Life Talk (Tagalog version)
Know your limits, Know your worth - Para sa mga taong naloko at nanloko
In this episode, let's talk about cheating. Kung asa punto ka ng buhay mo na gulong gulo ka na at hindi alam ang gagawin na desisyon, learn to pause and reflect for a while. Focus and try to listen to yourself. Sa oras na ito, sarili mo naman na muna ang iyong isipin. Alam mo kung ano ang sinisigaw ng damdamin mo, pero mahirap pa sayong gumawa ng aksyon dahil "still in process" pa ang brain mo sa nangyari, which makes you indecisive or hirap gumawa ng desisyon kung ano ang nais mong gawin. Sa episode na ito, alamin natin ang iba't ibang klase ng cheating at ano ang epekto nito sa isang taong magiging biktima nito. Halina't samahan mo ako, narito ako para ipaalala sa iyo ang mga bagay na karapat-dapat mong mapakinggan at mapagtanto sa sarili mo, because you deserve so much better in life.
Show more...
2 years ago
39 minutes 30 seconds

Life Talk (Tagalog version)
Posible bang tuluyang mawala ang trauma? Ano ba ang PTSD?
Posible bang mawala ang trauma? At ano nga ba ang PTSD? Posible bang nakakaranas ka nito nang hindi mo namamalayan? Sa episode na ito pag-uusapan natin kung ano ang Post-Traumatic Stress-Disorder, ano ang nagagawa nito sa isang tao, paano ito dedevelop, at mga paraan kung paano ito ma-handle nang maayos.
Show more...
2 years ago
29 minutes 41 seconds

Life Talk (Tagalog version)
Hangga't meron kang Boses, gamitin mo - May Mahalaga kang Boses dito sa Mundo
In this episode pag-uusapan natin ang lesson na nakuha ko sa isang event na pinuntahan ko. Nakuha ko itong lesson na ito mula sa nag iisang "Joyce Pring" and now I want to share it to all of you! Pag-uusapan natin kung bakit importante ang "boses" at bakit importanteng magsalita. Kung gaano makapangyarihan at kalayo ang mararating ng isang boses. Kaya hangga't mayroon kang kapangyarihang magsalita, gamitin mo nang gamitin.
Show more...
2 years ago
37 minutes 13 seconds

Life Talk (Tagalog version)
Be Aware of your Habits - How do Habits work? How to control it? - w/ my classmates (school project)
In this episode, pag-uusapan natin kung bakit importanteng maging aware tayo sa mga habits na meron tayo o sa mga hindi natin alam na meron tayo. In this episode, let's talk about how habits work and paano nga ba puwedeng ma-kontrol ang habits natin. The reason why I wanted to talk about this is because we all have habits, and habits shape our character, and character shapes our lives. Kaya kung interesado kang malaman kung paano nga ba nag wwork ang habits at paano ma-kontrol, listen now! This is another school project of mine that I did with my classmates. May mapupulot tayong aral kaya naisipan kong isali muli sa podcast na ito.
Show more...
2 years ago
19 minutes 1 second

Life Talk (Tagalog version)
5 Ways to Handle your Stress (english version) w/ my classmates
In this episode, pag-uusapan natin ang iba’t-ibang paraan para i-handle ang stress mo. This was for our school project, so I apologise kung english version siya pero andito sa tagalog version ko. In this episode, I was able to talk to my fellow classmates about this topic and they have shared their insights and their own experiences regarding our topic. Listen now to find out the different ways to handle your stress!
Show more...
3 years ago
16 minutes 36 seconds

Life Talk (Tagalog version)
4 na paraan na makakatulong sa iyong mag HEAL sa emotional pain
ARE YOU IN PAIN RIGHT NOW? Paano nga ba mag heal from emotional pain? Huwag na huwag mong tatakbuhan, because the more you run from it, the more you become closer to it. Kaya’t sa episode na ito, nagbigay ako ng simpleng steps na kahit papano ay makakatulong sa iyo, ngunit pagkatatandaan ang huling step na aking binigay. Sapagkat patuloy lang mananatili sa puso mo ang sakit kung hindi mo pa nagagawa ang pinaka huling step. Yun ay, ang pagpapatawad.  Listen now!  Watch me on YouTube! ➡️ shorturl.at/djBKX
Show more...
4 years ago
14 minutes 32 seconds

Life Talk (Tagalog version)
Ano ang dapat tandaan kung minamaliit ka ng ibang tao?
Minamaliit ka ba ng mga tao? Minamaliit lang ba nila yung mga “bagay” na nagawa mo? Dahil dito, minamaliit mo na rin ang sarili mo dahil sa kanila. Ngunit, maling mali ito. ‘Wag mo nang maliitin ang sarili ko kung minamaliit ka na ng mga tao dahil mas lalo lamang maapektuhan nito ang sarili mo. Kaya’t sa episode na ito, nagbigay ako kung ano yung dapat mong tandaan para hindi mo na rin mamaliitin ang sarili mo. WATCH ME ON YOUTUBE: ⏩ shorturl.at/djBKX
Show more...
5 years ago
15 minutes 54 seconds

Life Talk (Tagalog version)
Pinaka importanteng bagay na dapat meron ka sa lahat ng ginagawa mo
May nais ka bang makamit? Kadalasan sa atin, ay ninanais lamang yung “bagay” na mismong kinakailangan natin. Kaya’t hindi natin nakikita yung isa pang “bagay” na dapat mayroon tayo, upang makuha natin yung “bagay” na hinihiling natin. Kadalasan, hindi mo narerealize na ito ay kagustuhan mo lamang at walang kasamang pagmamahal. Sa episode na ito, halina’t pag usapan natin ang pinaka mahalagang bagay na dapat mayroon tayo sa bawat bagay na ginagawa natin, at yun ay ang LOVE O PAGMAMAHAL. ⏩ WATCH ME ON YOUTUBE: shorturl.at/djBKX
Show more...
5 years ago
16 minutes 38 seconds

Life Talk (Tagalog version)
Bakit mas lalong lalala ang mental illness mo kung patuloy itong gagawin - aware ka ba?
Ano yung mga bagay na HULI mong iniisip BAGO mo ipikit ang mga mata mo para matulog sa gabi? Maging aware ka dito, dahil labis ka nitong maiimpluwensiyahan. Sa episode na ito, nagbigay ako ng “technique” para kahit papano makontrol mo yung mga “biglaang negatibong bagay” na pumapasok sa isipan mo. Ang utak natin ay isang “mansiyon at may gate”. Kung curious ka rito, makinig ka na. Nagbigay rin ako ng katotohanan para mas maging maingat ka para sa sarili mo, “The last thoughts we put into our minds definitely influence us” -Zig Ziglar. ⏩ WATCH ME ON YOUTUBE: shorturl.at/djBKX
Show more...
5 years ago
10 minutes 30 seconds

Life Talk (Tagalog version)
Ayos lang ba maghabol kapag iniwan na? Ano ba ang tamang paraan?
Minsan ba nagtaka ka na kung bakit lahat na lang ng tao, iniiwan ka? Sapagkat hindi natin namamalayan na ginagawa natin ito sa maling paraan. Kapag gusto natin ang isang tao, gagawin natin ang lahat para lamang sila ay manatili. Mahilig tayong magpumilit sa ating mga kagustuhan. Kapag tayo ay iniwan, kadalasan ay naghahabol pa tayo. Nang dahil rito, mas lalong mapapalayo ito sa atin, dahil maling paraan ito. Sa episode na ito, pinag usapan ko kung bakit ito patuloy na lumalayo kung pinipilit mo at kung ano nga ba talaga ang tamang paraan. ⏩ WATCH ME ON YOUTUBE: shorturl.at/djBKX
Show more...
5 years ago
13 minutes 39 seconds

Life Talk (Tagalog version)
Bagay na magandang tandaan kapag ramdam mong ang gulo gulo na ng buhay mo
Kapag ramdam nating magulo ang buhay natin, dinadamay na rin natin ang mga sarili natin. Mga linyahang “My life is messed up” pwedeng mag turn into “I am a mess”. At sa tuwing nakakaramdam tayo ng ganitong bagay, pakiramdam natin wala nang magagawa tama, wala nang pupuntahan. Sapagkat ang katotohanan, tayo ay NABULAG. Nagsara ang ating puso’t isipan sa pinaka importanteng bagay sa buhay. Sa episode na ito, nagbigay ako ng bagay nang sa gayon ay hindi mo na sinasabi sa sarili mo na “My life is messed up” o “I am a mess” ⏩ WATCH ME ON YOUTUBE: shorturl.at/djBKX
Show more...
5 years ago
18 minutes 15 seconds

Life Talk (Tagalog version)
Paano nga ba magmahal at tumulong sa tamang paraan? | BAKA ISA KANG GRIPO
Isa ka bang gripo kung magmahal? Kadalasan sa atin, ay madali ma “attach” kaya’t kapag tayo ay na-attach sa isang tao, labis na mamahalin natin iyon, na handa tayong gawin ang lahat para sa taong iyon. Ngunit, hindi natin nararamdaman na nawawala na pala natin ang sarili natin sa sobrang pagmamahal natin sa kanila. Sa episode na ito, nagbigay ako ng “bagay” para maalala mo sa araw araw ang leksyong ito. Maging tasa ka, kumpara sa pagiging gripo. Wag kang magmahal nang sobra, lagyan mo ng limitasyon. Dahil kung hindi, walang matitira para sa sarili mo. ⏩ WATCH ME ON YOUTUBE shorturl.at/djBKX
Show more...
5 years ago
17 minutes 20 seconds

Life Talk (Tagalog version)
Itapon mo na yang patay na bulaklak na hawak mo - Let go mo na, umaasa ka pa kasi eh.
Hanggang ngayon ba dala dala mo pa rin ang mga patay na bulaklak sa buhay mo? Ang patay na bulaklak na aking tinutukoy ay ang mga bagay o tao na hindi mo pa mabitawan sa buhay mo. Umaasa ka pa rin kahit alam mo sa sarili mong tapos na at wala nang magagawa pa. Madalas tayong umaasa na MABUBUHAY pa natin yung bulaklak, pero ang totoo ay hindi na sapagkat matagal nang patay yung bulaklak na pinanghahawakan mo. WATCH ME ON YOUTUBE ⏩: shorturl.at/djBKX
Show more...
5 years ago
13 minutes 11 seconds

Life Talk (Tagalog version)
Magandang bagay na dapat tandaan na makakatulong sa paggawa ng desisyon
Nakagawa ka na ba ng desisyon dati na sobra kang naapektuhan at sinisi mo ang sarili mo? Kadalasan ngayon, lalo na sa mga kabataan, ay dumedepende ang desisyon sa current emotions. Kaya mas nagkakaroon ng problema, o mas nagiging malala pa ang sitwasyon na mayroon ka. Kaya sa episode na ito, nagbigay ako ng magandang bagay na dapat mong tandaan sa paggawa ng desisyon. Lalong lalo na kung sasaktan mo ang sarili mo, dahil kadalasan sa atin ay humaharap sa mental illness. WATCH ME ON YOUTUBE ⏩ shorturl.at/djBKX
Show more...
5 years ago
17 minutes 27 seconds

Life Talk (Tagalog version)
Rason kung bakit hindi mo maramdaman ang liwanag (positivity)
Minsan ba nagtaka ka na sa sarili mo kung bakit hindi mo maramdaman yung effect kahit nagbibigay ng positibong advice ang mga mahal mo sa buhay? Na para bang nakikinig ka lang sa moment na yun pero lalabas rin sa tenga mo kasi di mo maramdaman sa mundo mo. Bakit? Kasi iba pa ang mundo mo, nasa madilim na kwarto ka pa na sarado ang mga bintana at pinto. Ngunit may sinag ng liwanag, at ‘wag na ‘wag mong i-wawala ang pokus mo rito. WATCH ME ON YOUTUBE ⏩ shorturl.at/djBKX
Show more...
5 years ago
7 minutes 56 seconds

Life Talk (Tagalog version)
Maging ikaw yung PAGBABAGO na ninanais mo
Sa tuwing tayo ay nasasaktan, madalas tayong humiling ng pagbabago sa mundo natin. Ngunit, mali ito. Ang pagbabago na kailangan natin, ay para sa pansarili muna at hindi para sa ibang bagay, o tao. Maging ikaw yung pagbabago na ninanais mo, dahil lahat ng bagay sa labas ng mundo mo ay magbabago kapag ang loob ng mundo mo ay nagbago na. Bakit? Magkakaroon ka na ng standards at alam mo na kung ano ang deserve mo, to the point na hindi ka na hihiling pa ng pagbabago ng mundo sa labas mo. WATCH ME ON YOUTUBE ⏩ shorturl.at/djBKX
Show more...
5 years ago
9 minutes 9 seconds

Life Talk (Tagalog version)
Maging totoo ka, ‘wag mong i-deny
Totoo ka ba? Paano mo nga ba i-trato ang sarili mo? Importante kasing aware tayo kung paano natin tratuhin ang sarili natin. Dahil, madalas tayong mag-deny sa mga pangangailangan para sa sa sarili natin. Madalas nating i-prioritize ang ibang bagay o tao kesa sa sarili natin. Pero, sa paraan ng pagde-deny mo, mas magiging malala lamang ito. Yung “boses” sa loob mo, ay palakas nang palakas hanggang sa hindi mo na kakayanin balang araw. WATCH ME ON YOUTUBE ⏩ shorturl.at/djBKX
Show more...
5 years ago
8 minutes 26 seconds

Life Talk (Tagalog version)
Iniwan pa rin kahit ginawa ang lahat | Hindi sila handa sa offer mo
Ano ba ang madalas mong maramdaman kapag hindi nila gusto ang offer mo? Madalas nating sisihin ang sarili natin, lalo na kapag iniiwan tayo ng mga tao sa buhay natin. Pero ang totoo, hindi mo na kasalanan yung ginawa nilang desisyon kung gumawa ka naman ng aksyon. WATCH ME ON YOUTUBE ⏩ shorturl.at/djBKX
Show more...
5 years ago
7 minutes 20 seconds

Life Talk (Tagalog version)
Dalawang (2) paraan para mabawasan ang pagkukumpara ng sarili sa ibang tao
Madalas sating mga tao, lalong lalo na sa mga kabataan, kinukumpara natin ang sarili sa ibang tao. Mapababae man o lalake, bata man o matanda, lahat tayo kinukumpara ang sarili. Dahil ang “comparison” ay walang gender gender, walang age age. Lahat nakakaranas neto. Kaya sa epeisod na ito, nagbigay ako ng 2 paraan para KAHIT PAPANO mabawasan mo yung pagkukumpara ng sarili sa ibang tao. WATCH ME ON YOUTUBE ⏩ shorturl.at/djBKX
Show more...
5 years ago
10 minutes 53 seconds

Life Talk (Tagalog version)
Mahalin mo ang proseso kesa sa resulta
Ano ang madalas mong maramdaman sa journey mo o sa mga bagay na ginagawa mo sa buhay mo? Kadalasan kasi, ayaw natin ng mga problema, ng failure, ng paghihintay at yung roller coaster game. Pero sa buhay natin mas marami ang patungong pababa kesa sa patungong pataas, at yun ang kinatatakutan ng lahat. Kaya sa tuwing nagiging mahirap, madalas tayong sumuko. Kasi gusto natin yung resulta agad, hindi natin alam na mas importante, mas dama, mas memorable ang proseso kesa sa resulta. WATCH ME ON YOUTUBE ⏩ shorturl.at/djBKX
Show more...
5 years ago
9 minutes 33 seconds

Life Talk (Tagalog version)
Life Talk (Tagalog Version) ay isang podcast para sa mga Pilipino na nakararanas ng mental illness, problema sa pag-ibig o problema man sa buhay. Narito ang Life Talk para tulungan kang baguhin ang mindset mo into POSITIVE. ⏩ FACEBOOK PAGE: https://www.facebook.com/rachelrachel.dea ⏩ INSTAGRAM: @cheliethebaddie