Eto na nga ang episode kung saan magbibigay kami ng tips ni Frenchy on how to stay happy at work.
Kung sa work mo ay di na masaya, Alam na!
Eto na nga! Back to our regular programming,
Gusto mo ba ng biglaang day off?
Ask me how.
A case of mistaken identity puts Dolpo on a front row seat to a monstrous murder. Lights, camera, action na ba?
Ito ang Alingawngaw.
Previous Episode: Creepsilog
Next Episode: Tsaastrology
Eto Na Nga's Halloween Special : Kama
Sa isang ordinaryong buhay ni Julie, hindi nito aasahan ang mga kababalaghang kanyang mararanasan. Samahan nyo kaming makisigaw sa mundo ng kadiliman.
Eto Na Nga's Halloween Special : Cassette
Sa likod ng mga bagong lugar na iyong pupuntahan ay may mga bagong kwento o lihim na iyong malalaman. Sa bagong nilipatan ni Enix na bahay, ano ang mga bagay na kanyang madidiskubre?
Eto na nga ang pagpapatuloy ng episode kung saan aalamin natin yung mga major stress factor sa ating workplace.
Bibigyan din namin kayo ng very little solution how to cope up with this things. Kaya makinig ka na dyan at wag ng ma-stress, Sayang ang beauty!
Eto na nga ang episode kung saan gagalitin namin kayo dahil ipapaalala namin sa inyo ang mga moments na nastress kayo sa inyong work. Dahil ba yan sa toxic nyong boss? Oa na deadline? Hindi ka pinopromote? or napakadami lang talagang work? Kahit ano pa ang dahilan, nakaka stress naman talaga! Kaya eto na nga, sabay sabay tayong manggigil mga frenchy sa nangyayari sa ating work place.
Eto na nga.
Lingid sa ating kaalaman na ang panahon ngayon ay di natin maipaliwanag ang kahihinatnan. (Wow! Super tagalog) Hindi natin alam kung bukas o makalawa, isa ka na sa mga mawawalan ng trabaho?
Bago pa man mangyari yun, makinig ka sa episode namin at "Baka"may maitulong kami para di ka tanggalin ng iyong boss sa work.
Kaya sa mga bwisit na sa mga work nila, konting tiis pa at God bless na lang sa inyo. Char!
Kembak to the young and byutipul you!
Eto na nga. Kumusta ba mga Frenchy?
In this bonus episode. Nag check kami ni frenchy ng twitter responses and made some shout-outs to some of our listeners.
Have a great week!
Eto na nga ang episode kung saan aalamin nating mga #Frenchy ang mga pinagbabawal na technique para mapansin ni Crush.
Paano mo ba sya i-aapproach? Ano ba ang dapat mga galawan natin sa social media sa pagpapapansin kay crush? at bakit nga ba ayaw ka nyang pansinin?
Tara na! Kinig na! Para bago mag-apocalypse, mapansin ka na nya!
Eto na nga ang episode kung saan pinag-usapan namin ni frenchy ang difference ng crush between love.
Totoo bang nabibigyan natin ng ibang meaning ang salitang crush? o crush lang ba talaga yan? Baka in-love ka na.
Damang dama, feel na feel, lab na lab.
#AngSarapMagmahal
Eto na nga. Dahil wala si Frenchy Tsu. Si Wan muna ang nag solo sa kanilang episode.
Mga corrections, clarifications and shout out sa mga listener.
Join Wan for another episode and pray for Frenchy Tsu, dahil overtime sya palagi.
Bekenemen and senenemen may OT pay. Char not char!
Eto na nga! We're officially part of the Cut Print Podcast Network!
Halata bang masyado kaming excited i-announce?
Big thank you lang sa mga listeners and sa lahat ng bumubuo ng CPPN!
Mwuah! Mwuah! Tsup! Tsup!
Eto na nga mga frenchies! Sa dinamirami ng pamahiin na nalaman natin sa ating mga lolo't lola, hindi mo na talaga alam kung dapat mo pa ba talagang gawin to o hindi.
"Wag kang magwalis, mawawala ang swerte."
"Wag kang maliligo kapag pagod ka! Mamatay ka!"
Ilan lang to sa mga pinagbabawal ni nanay at kahit napaka modern na ng mundo, hindi pa rin mawala-wala ang mga pamahiin at sinusunod naman talaga natin ang iba sa mga ito.
Kaya eto na nga! Pag usapan natin ang mga pamahiing kinamulatan natin at ano ang mga katotohanan sa mga ito.
Eto na nga ang episode na di kami sure kung i-uupload namin. Pero dahil wala kaming entry this week.. Eto na nga.
Eto na nga ang episode kung saan ginawa namin ang topic na to dahil boredom.
Ano nga ba ang mga bagay na pwede natin gawin kapag bored tayo?
So paano? Kinig na dahil bored din ako maglagay ng write-up. Char!