Malaking responsibilidad ang pagkakaroon ng anak kaya dapat higit itong pinaghahandaan. Kaso sa pamilya nina Andoy, hindi ganun ang nangyari. Mahirap na ang kanilang buhay at mas lalo pang naghirap nang mawala ang kanilang tatay. Ninais magtrabaho ng kanilang ina sa Maynila at ang kanilang lolo ang mag-aalaga kina Andoy. Hanggang isang araw, hindi na nga nagparamdam ang kanilang nanay at walang ibang choice sina Andoy kun’di buhayin ang kanilang pamilya sa tulong ng kanyang lolo na hirap na ring maghanapbuhay. Pakinggan ang kwento ni Andoy sa Barangay Love Stories.
Makakansela ang isang bagay kahit ang plano'y pulido lalo kung hindi naman nakahanda ang isipan at ang puso. Pakinggan ang kwento ni Nikki sa Barangay Love Stories.
Sa tuwing nahihirapan at sukdulan na ang problema, laging iisipin kung para kanino ka bumabangon sa umaga. Pakinggan ang kwento ni Rob sa Barangay Love Stories.
Mahirap manghimasok sa relasyon ng iba, kaya iyon ang ginawa ni Judith - ang umiwas sa crush niyang Bernard nang malaman niyang may girlfriend na pala ito. Pero paano kung si Bernard na mismo ang lumalapit sa kanya dahil hindi na raw maayos ang relasyon nito sa kanyang nobya. Walang plano si Judith na maging number 2 kaya nanindigan siya sa kanyang desisyon. Pero hanggang kailan niya kakayaning layuan ang tuksong habol nang habol sa kanya. Pakinggan ang kwento ni Judith sa Barangay Love Stories.
Sa tuwing nahihirapan at sukdulan na ang problema, laging iisipin kung para kanino ka bumabangon sa umaga. Pakinggan ang kwento ni Annalyn sa Barangay Love Stories.
Huwag magpatalo sa lungkot dahil sayang ang oras. Sa halip ay tukuyin ang mahalaga at ito na lang ang kunan muna ng lakas. Pakinggan ang kwento ni Martin sa Barangay Love Stories.
Natural na ang maraming hirap sa buhay pero madalas mas pinapahirap pa ito ng mga taong nakapaligid sa iyo. Tulad na lamang ng tiya at tiyo ni Alexy, nananahimik naman ang kanilang pamilya pero naging gawain na talaga ng matatandang ito na yabangan at paringgan ang pamilya nila. Pakinggan ang kwento ni Alexy sa Barangay Love Stories.
Hindi pwedeng hindi sadya ang pangagaliwa. Dahil wala dapat kasalo sa isang relasyong sagrado. Pakinggan ang kwento ni Elias sa Barangay Love Stories.
Timbangin mo ang kailangan ng iyong puso at isipan para ang mali ay maiwasan at ang tama ay matutunan. Pakinggan ang kwento ni Girlie sa Barangay Love Stories.
May mga naghahangad ng mapayapang buhay sa probinsya. Pero may mga naghahabol din sa maingay at magarbong buhay ng siyudad - isa na diyan si Elisha. Lumaki siya sa tabing dagat pero ultimate goal niya ang makarating at makapagtrabaho sa Maynila. Buti na lang at supportive ang mapagmahal niyang boyfriend sa kanyang pangarap. Masabayan kaya ni Elisha ang maraming alon na sasalubong sa kanya. Pakinggan ang kwento ni Elisha sa Barangay Love Stories.
Walang masama kung ituring kang prinsesa at umasta na parang prinsesa basta't marunong ka pa ring makisama at hindi nananakit ng iba. Pakinggan ang kwento ni Elias sa Barangay Love Stories.
Ang una mong minahal ay bihirang malimutan kahit sabihin mo pang wala na siya sa iyong puso at isipan. Pakinggan ang kwento ni Renato sa Barangay Love Stories.
Laki sa squatter ang magkapatid na sina Jimmy at Noah, mahirap ang buhay pero kinakaya naman nila. Kaso nang maulila silang dalawa, sabayan pa ng pagkasunog ng kanilang tinitirahan, mas lalong nalugmok ang buhay na matagal na nilang ginagapang. Ayaw ni Jimmy na humingi ng tulong sa mga may kaya nilang kamag-anak pero ang gusto ni Noah, ibaba muna niya ang pride niya para makahinga naman sila kahit konti. Para kay Jimmy, mahirap makisama sa iba, pero kailangan niya na sigurong baguhin ang pananaw niya para sa kanyang kapatid. Pakinggan ang kwento ni Jimmy sa Barangay Love Stories.
May mga desisyon na dapat masusing pinag-aaralan. Pero kahit paulit-ulit pag-isipan, minsan'y damdamin pa rin ang pinakikinggan. Pakinggan ang kwento ni Elias sa Barangay Love Stories.
Minsan nasisira ang isipan kung hindi kayang ibalik ang masayang nakaraan lalo na't paulit-ulit pang nasasaktan. Pakinggan ang kwento ni Jomar sa Barangay Love Stories.
Scammer ang mag-asawang si Brando at Jeny. Marami na silang naloko at malaki na rin ang kinikita nila rito. Pero nang tamaan ng konsensya si Jeny, napagdesisyunan na nilang magbago. Itutuwid na raw nila ang baluktot nilang pamumuhay, babalik na sila sa probinsya para makasama ang kanilang unica hija. Kaso hindi ganoon kadali magbago, nami-miss pa rin nila ang buhay sa Maynila. Gusto sana nilang magsimula ulit kaso hindi talaga siguro nakakalimot ang karma. Pakinggan ang kwento ni Brando sa Barangay Love Stories.
Ang katotohanan ang magbibigay sa'yo ng kapayapaan pero minsan ito rin ang dahilan para maiwan kang mag-isa at luhaan. Pakinggan ang kwento ni Edmon sa Barangay Love Stories.
Huwag kang choosy sa mga bagay na libre. Pwede mo naman itong tanggihan pero huwag na huwag mo itong pipintasan. Pakinggan ang kwento ni Laida sa Barangay Love Stories.
Normal na siguro sa magkakapatid ang paminsan-minsan na pag-aaway pero kung palaaway pa rin ang isa kahit tumanda na, parang may problema na ata. Mula pagkabata, mapang-asar at mapagkumpara na talaga si Natalie. Buti na lamang ay mapagpasensiya sina Oliver at Shanel. Sa tatlong magkakapatid, si Natalie lang ang ayaw mag-ambag sa kanilang tahanan. Hindi naman sana isyu iyon pero masyado niyang kinakalaban ang lahat dahil sa kagustuhan niyang umangat. Pakinggan ang kwento ni Shanel sa Barangay Love Stories.
Huwag mangbintang ng isang tao kung walang pruweba na kongkreto. Isipin muna ang mga sasabihin para ang kapwa'y 'di malagay sa alanganin. Pakinggan ang kwento ni Joy sa Barangay Love Stories.