After a little more than a few months of hiatus, we are back. Bagong format pero pareho pa ring Positibong Usapan at Balitaktakan ang inyong mapapakinggan mula ang inyong mga titos-next-door ng Ang PUBcast. Sana ay nakarelate or at least, naaliw kayo sa aming kwentuhan. Feel free to suggest topics, anything under the sun, na pwede nating pag-usapan, pagtawanan at pwede ring kapulutan ng aral.
Follow and comment on our socials:
https://www.facebook.com/angpubcastph
https://www.instagram.com/angpubcastph/
Happy 2023 mga PUBs!
Samahan niyo kami sa isa na namang Positibong Usapan at Balitaktakan tungkol sa aming mga past experiences sa pagboto at kung paano ito nakatulong o naka-impluwensiya sa aming magiging batayan sa pagpili sa mga susunod na mamumuno sa ating bansa. Ano na ba ang pinagkaiba ng mga eleksiyon simula noon hanggang ngayon? Importante pa bang bumoto kahit kaliwa't-kanan ang mga iskandalo at balita ng katiwalian?
Samahan niyo kami sa isa namang Positibong Usapan at Balitaktakan tungkol sa isang paksa na hindi kaila sa karamihan pero nahihiyang pag-usapan. Talakayin natin ang ilan sa mga makalumang stereotypes tungkol sa pagiging malibog ng mga kalalakihan at unti-unti nating basagin upang ito ay mas lalong maunawaan.
Lilinawin lang po namin na ito ay hindi upang i-justify ang mga irresponsible acts na nag-ugat sa kalibugan kundi upang magbigay liwanag sa mga katotohanan na matagal nang natatabunan ng panghuhusga dulot ng kakulangan sa kaalaman.
Ang pagsuporta sa magulang ay isang napakarangal na kaugalian bilang pagtanaw ng utang na loob sa lahat ng kanilang ginawa at sinakripisyo sa pagpapalaki sa atin noong tayo ay wala pang kapasidad na maka-survive sa mundong ito. Ngunit mas madalas sa minsan ay may mga magulang na tinatrato ang kanilang mga anak na para bang retirement plan o insurance at nagkakaroon ito ng hindi magandang epekto sa anak lalo na kung ito ay struggling sa pagsisimula ng sariling pamilya. Samahan niyo kami sa isa na namang Positibong Usapan at Balitaktakan tungkol sa isang cycle na matagal na nating pinag-dadaanan bilang isang lahi na kilala sa pagkakaroon ng close family ties.
Masunurin o Submissive ba kayo sa inyong mga asawa, girlfriend o partner? Kung oo ang sagot niyo, malamang sa malamang ay pamilyar na kayo sa tawag na Andres De Saya. Hango ito sa isang idiomatic expression dito sa Pilipinas na "under the saya" na ibig sabihin ay nasa ilalim o nagpapasakop sa isang female character - nanay, asawa, o nobya - sa inyong buhay. Sa inyong palagay, dapat bang hangaan o kaawaan si Andres? Samahan niyo kami sa isa na namang Positibong Usapan at Balitaktakan at i-undress o hubarin natin ang masamang connotation ng expression na ito. Unti-unti nating tanggalin ang saplot na bumabalot sa magagandang naidudulot ng pakikinig at pagsunod sa mga babae sa ating buhay.
Sa mga hindi nakasama sa aming Facebook live broadcast last November 13, 2021, maaari niyong mapanood ulit ang video sa link na ito: https://fb.watch/9OZxVf70r3/
Samahan niyo kami sa isa na namang Positibong Usapan at Balitaktakan tungkol sa "most watched series" sa Netflix, ang Squid Game. Yung akala mo brutal na palabas lang ito pero may kurot pala sa puso, na tumimo hindi lang sa mga Koreano at Pilipino, pati na sa buong mundo. Tara na at makireact sa mga characters at mga moments sa series na ito habang sini-celebrate ang pilot episode ng ika-apat na season ng Ang PUBcast.
Sa mga hindi nakasali sa aming Facebook live broadcast last October 23, 2021, maaari niyo pa ring mapanood ang video sa link na ito: https://fb.watch/9f2TIAtMfj/
Almost 2-years na nating narasan ang epekto ng COVID-19 sa halos lahat ng aspeto ng buhay natin. Tayo or isa sa mga kakilala natin ang malamang na tinamaan ng virus na ito. Nalaman mo na nga ba ang istorya nila?
Tara, i-share mo rin yan at samahan kami sa isa na namang Positibong Usapan at Balitaktakan upang bigyang-linaw ang mga untold stories mula mismo sa ating mga PUBs na tinamaan ng virus at naranasan ang isolation at recovery na kaakibat nito.
Sa mga hindi nakasama sa aming live broadcast last October 9, maaari pa rin panoorin ang video sa link na ito: https://fb.watch/8S17A-Ol6G/
Para sa mga PUBs natin na haligi ng tahanan, ano bang nararamdaman ninyo pag natatawag kayong house husband? Kailangan bang hatiin ang bawat gawain sa tahanan base sa kasarian? Minsan ninyo bang naramdaman na natapakan ang inyong pagkalalaki dahil sa pagiging house husband?
Samahan ninyo kami sa isa na namang Positibong Usapan at Balitaktakan habang sabay-sabay nating sagutin ang mga katanungan na yan at masatisfy ang ating curiosity tungkol sa pagiging house husband sa mga konsepto o ideas na pumapaligid dito.
Sa mga hindi nakapanood sa aming live broadcast last September 25, 2021, maaari niyo pa rin mapanood ang video sa link na ito: https://www.facebook.com/angpubcastph/videos/440785294043783
Follow and Like our page Ang PUBCast PH
Habang lumalaki tayo, maraming sabi-sabi kung ano daw dapat ang isang lalaki. Totoo pa din ba sila kahit sa panahong ito?
Samahan ninyo muli kami sa isa na namang Positibong Usapan at Balitaktakan habang ibinabahagi namin ang aming mga karanasan at opinyon sa mga kasabihan o stereotypes na ating nakagisnan at sama-sama nating basagin ang mga hindi na appropriate sa makabagong panahon.
Sa mga hindi nakapasok sa aming facebook live noong September 11, 2021, maaari ninyong mapanood ang recorded video sa link na ito: https://fb.watch/8dDgJez4KH/
Ugali nating mga Pinoy ang magbigay ng opinyon o rekomendasyon sa pamilya natin, kaibigan, katrabaho or kahit sinong kakilala. Part ng nature natin, ika nga. Anong mga payo ang ibinigay sa inyo na tingin nyo ay nakabuti o nakasama nung sinunod ninyo?
Samahan ninyo kami sa isa na namang Positibong Usapan at Balitaktakan habang ibinabahagi namin ang best and worst advise na aming natanggap.
Sa mga hindi nakadalo sa aming Facebook live broadcast last August 28, 2021, maaari niyo pa ring mapanood ang video sa link na ito: https://www.facebook.com/angpubcastph/videos/324014012844695
Samahan niyo kami sa isa na namang Positibong Usapan at Balitaktakan kung saan ibinahagi naming mga PUBs kung ano ang mga bagay na nami-miss namin sa pagkakaroon ng isang romantikong relasyon. Tinalakay din namin kung paano ba kami naka-cope up sa mga break-ups at kung paano namin ginagamit ang mga panahon na kami ay single pa upang pag-handaan ang pagpasok sa mga bagong relasyon.
Sa mga hindi naka-tune in sa aming Facebook live last August 14, 2021, maari niyong mapananood ang video sa link na ito: https://fb.watch/7CZA1Rwb7w/
More than one year na sa pandemic, kamusta ba kayo mga PUBs? Siguradong marami sa atin ang tinamaan sa hindi kaaya-ayang paraan, pero naniniwala ba kayo na kahit sa ganitong krisis ay may mga mapupulot tayong mga gems? Samahan niyo kami sa isa na namang Positibong Usapan at Balitaktakan kung saan tignan naman natin sa isang brighter perspective itong pandemya na nagpatigil sa buong mundo.
Panoorin ang aming Facebook live video sa link na ito: https://www.facebook.com/angpubcastph/videos/893268361402640
Join us as we talk about what we think about the younger generations (younger Millennials and Gen Z's to be exact) - their behavior, how they talk, their creativity and influence. Are they much more vocal and expressive or most of the time misunderstood?
Samahan ninyo kaming ngayong gabi sa isa na namang Positibong Usapan at Balitaktakan.
Mapapanood niyo ang aming video sa link na ito: https://www.facebook.com/angpubcastph/videos/538395060516143
Kung hindi niyo kami naabutan sa aming Facebook live last June 19, para sa inyo itong episode namin na inihahandog namin sa mga Ama ng tahanan in celebration of Fathers' Day. Samahan niyo kami, kasama ang aming special guest na si PUBs Ryan Datinguinoo, live from "The Land Down Under", sa isa na namang Positibong Usapan at Balitaktakan kung saan ibinahagi nila ni PUBs Arjae bilang mga bonafide na mga Erpats kung ano ba talaga ang nangyayari sa mga kalalakihan habang pinagdadaanan nila ang "pagbubuntis", simula sa announcement hanggang sa paglabas ni baby. Tunghayan ang kanilang mga kwento ng mga halo-halong emosyon at tignan din natin ang difference ng planned sa unplanned fatherhood. Happy FATHER'S day!
Sa aming Facebook Live broadcast last June 12, Araw ng Kasarinlan o Independence Day ng ating Inang Bansa, tinalakay namin kasama ang aming special guest na si JP "Rancho" Arcilla kung gaano pa ba kaliwanag sa mga kabataan ngayon, o mga millenials, ang kasarinlan ng Pilipinas. Samahan kami sa isa na namang Positibong Usapan at Balitaktakan kung ano ba talaga ang kahulugan ng Kasarinlan at kung paano pa natin ito bibigyang pugay at pahahalagahan sa makabagong panahon.
Samahan niyo kami sa isa na namang Positibong Usapan at Balitaktakan tungkol sa isang bagay na maiiwasan ngunit mahirap pigilan. Bakit nga ba may mga times na ang hirap sumunod sa awtoridad? Minsan dahil sa kanila, minsan dahil sa atin. Pero kung ano pa man ang sitwasyon, laging iisipin ang ikabubuti ng mas nakararami, ang batas ay naipatupad para sa ikaaayos ng lahat at hindi dapat ito pinapaikot sa kamay ng kahit sino.
Dito sa 50th o golden episode ng Ang PUBcast, samahan niyo kami sa isa na namang Positibong Usapan at Balitaktakan tungkol sa isa sa mga pinaka-common na bisyo natin simula pa nung pagkabata, ang "mamaya na" habit, o sa ingles ay Procrastination. Pag-usapan natin ang maaaring maging epekto nito sa ating daily task hanggang sa ating long term goals. Alamin natin ang maaaring maging masamang consequences kapag nasobrahan nito at ang mga benefits kung maa-apply ito ng tama. Yup! Tama ang nabasa mo, may benefits din ang Procrastination.
Sa mga hindi nakasali sa aming FB live episode last May 15, 2021, pakinggan ang aming Positibong Usapan at Balitaktakan kasama ang nagbabalik na si PUBs Tin Edullantes bilang aming panauhing pandangal. Pinag-usapan namin sa episode na ito kung sapat bang gawing panukat ng pagkatao o tagumpay ng isang tao ang kanyang grades sa school. Bukod sa grades, ano pa kaya ang dapat matutunan ng isang estudyante sa eskwelahan? Minsan kung ano pa ang nababalewala, siya pang mas mahalaga at dapat tutukan.
When was the last time you expressed your appreciation to your Momma? Join us as we honor the first woman in our lives by sharing some fond memories and unforgettable traits of our beloved Mothers. Let us all make it a habit to express our love and gratitude to the ultimate Masters Of Multitasking, MOM! Let everyday be Mothers' Day.
Samahan niyo kami sa isa na namang Positibong Usapan at Balitaktakan tungkol sa FIRST LOVE. Bakit napakamemorable nito sa iba? Kadalasan pa nga, talagang tumatagal siya ng ilang taon o dekada. Matatag sa pagdaan ng iba pang relasyon. Ano ang meron sa ating unang karanasan sa pag-ibig at nag-iiwan ito ng matinding marka sa ating puso, isip, at sa ating pagkatao?