For the last part of our Directors' Cut season featuring Direk Mae Cruz-Alviar, pag-uusapan natin ang isa sa kanyang latest works na pinag-usapan talaga, ang Can't Buy Me Love starring #DonnyPangilinan and #BelleMariano!
Paano nga ba pinili nila Direk Mae at ng creatives team kung sino ang killer ng nanay ni Caroline? How did they craft the love story between Caroline and Bingo? At bakit nila pinili ang ganoong klaseng ending?
Kumusta rin ang pakikipagtrabaho ni Direk Mae sa #DonBelle? Ano ang mga napansin niya sa magka-love team na ito habang sila ay nasa set?
All that and more here on the latest episode of REWINED! #REWINEDNight #REWINED
On the third part of our REWINED Director’s Cut with ABS-CBN director Mae Czarina Cruz-Alviar, pinag-usapan natin ang mga romance-drama series na pinagbidahan ng three love teams of the Kapamilya network: #LizQuen, #JoshLia, at #KathNiel.
Ano nga ba ang mga kwento sa likod ng #DolceAmore of #LizaSoberano and #EnriqueGil, #NgayonAtKailanman starring #JoshuaGarcia and #JuliaBarretto, and #2Good2BeTrue starring #KathrynBernardo and #DanielPadilla?
May mga nakakaaliw din na pa-trivia at kwento si Direk Mae sa pagtatrabaho niya with these love teams and their dynamics on set!
All that and more here on #REWINED! #REWINEDNight
For the second part of our interview with Direk Mae Cruz-Alviar, pagkukwentuhan natin ang isa sa mga tumatak na romance drama aired on TV, ang 2006 Kapamilya TV series na Maging Sino Ka Man headlined by Bea Alonzo, John Lloyd Cruz, Anne Curtis, and Sam Milby.
In this particular episode, maraming nakwento si Direk Mae tungkol sa love story nina Celine (Anne Curtis) at JB (Sam Milby) dahil siya ang mas humawak sa kanilang mga eksena. Paano nga ba nila binuo ang ilan sa mga iconic na eksena lalo na ang "I never said that I love you" scene, at bakit nauwi sa tragic ending ang kanilang kwento?
Nagbahagi rin si Direk Mae ng ilang behind-the-scenes stories about working with Anne and Sam, and with actresses such as Irma Adlawan and Chin-Chin Gutierrez.
All that and more as we spend our #REWINEDNight here on Rewined!
For the second installment of REWINED: Director's Cut Season, we are featuring ABS-CBN and Star Cinema esteemed director, Mae Cruz-Alviar, DGPI!
On the first part of our REWINED Kwentuhan, binalikan ni Direk Mae ang kanyang beginnings sa pagdi-direct, including her days as production assistant and script continuity director sa Star Cinema movies!
May mga nakwento rin si Direk Mae tungkol sa kanyang experience as backpack director in the 2000 iconic teleserye Pangako Sa 'Yo, particularly directing Jodi Sta. Maria in one of her scenes!
All that and more in this new episode of REWINED!
In the last part of our REWINED kwentuhan with Kapuso director Dominic Zapata, we delve deep into his experiences helming not just one, but two iconic versions of Darna: with Angel Locsin in 2005 and Marian Rivera in 2009.
Ever wondered how GMA-7 brought the Philippines' most beloved superhero to life on screen back then? Direk Dom shared how they used special effects techniques to make Darna fly, fight, and transform, as well as doing the campy tapatan scenes and unforgettable action sequences.
Paano rin pinag-iba ni Direk Dom ang 2005 and 2009 versions? Plus, listen in for some trivia about its kontrabida characters and other never-before-shared info about the TV version of Darna on GMA-7.
All that and more here on the latest episode of REWINED!
Sa pagpapatuloy ng ating REWINED Directors' Cut featuring the works of Kapuso director Dominic Zapata, napag-usapan naman namin ang kwento sa likod ng kauna-unahang telefantasya ng GMA-7, ang Mulawin starring Richard Gutierrez, Angel Locsin, at Dennis Trillo.
Kuwento ni Direk Dom, naging malaking challenge sa kanila ang pagbuo ng show mula sa paggawa ng costumes, pagpili sa gaganap na Alwina, biglaang pagre-resign ng kanyang co-director, at ang mismong pag-shoot. Meron pa raw pagkakataon na lumindol habang naka-harness si Richard!
More interesting stories behind Mulawin here on the latest episode of REWINED!
On the second episode of our Director's Cut season, talking about the works of Dominic Zapata, Direk Dom shared stories behind three of his early works on GMA-7: Kahit Kailan, Click batch two, and Twin Hearts.
Binalikan ni Direk Dom ang first time niyang pakikipagtrabaho kay Jolina Magdangal, ang isang unforgettable scene with Jaclyn Jose and Sunshine Dizon, at ang pag-set ng bagong template sa mga teleserye through Twin Hearts after the entry of Meteor Garden on Philippine TV.
Direk Dom also recalled the beginnings of some of Philippine showbiz's A-listers today: Dingdong Dantes, Angel Locsin, and Richard Gutierrez.
Get to know more about these TV shows as you spend your #REWINEDNight for a Senti Sabado moment with a sip of wine here on REWINED!
The Rewined Channel dedicates the seventh season of its podcast to a special edition called the DIRECTOR'S CUT SEASON, where we invite esteemed directors to talk about the stories behind our favorite TV shows!
For the first episode, director Dominic Zapata shares some stories behind the making of his hit programs. At uumpisahan natin yan with his first series on GMA-7 and VIVA, the popular youth-oriented series #TGIS!
Listen as Direk Dom recalls how some of today's A-listers started their showbiz careers, such as #DingdongDantes and #AnneCurtis! May mga pa-trivia rin si Direk Dom tungkol sa batch two love teams of #AntoinetteTaus and #DingdongDantes, #SunshineDizon and #PoloRavales, at #KimDelosSantos at #DinoGuevarra!
Spend your #REWINEDNight for a Senti Sabado moment with a sip of wine here on REWINED!
Sa last installment ng ating The Stories Behind ABS-CBN Rivalry Shows series with Danica Domingo, ikinuwento niya kung paano nila ginawa ang isa sa most recent iconic shows ng ABS-CBN in the afternoon slot, ang Kadenang Ginto.
Headlined by #BeautyGonzalez, #AndreaBrillantes, #FrancineDiaz, and #DimplesRomana, talaga namang nag-trending online ang kanilang mga confrontation scenes at naging iconic in its own right!
Kumusta naman kaya ang paggawa ng mga campy scenes na ito at kumusta rin gawan ng mga eksena ang mga bida ng teleserye?
It's another Senti Sabado #REWINEDNight finding out more trivia about Kadenang Ginto here on REWINED!
Sa pagpapatuloy ng ating current series na The Stories Behind ABS-CBN Rivalry Shows with Dreamscape Entertainment creative writer Danica Domingo, pinag-usapan namin ang controversial #KimChiu and #MajaSalvador series na #InaKapatidAnak!
Paano nga ba nila ginawa ang mga controversial scenes dito, kasama na ang mga revelations, twists, at mga tapatan? Kamusta ang pagtatrabaho nina Kim at Maja na ginampanan ang friends-turned-rivals-turned-twins na sina Celyn at Margaux, at ano ang challenges na pinagdaanan ng three-season run ng show?
Tara na, join our #REWINEDNight on this all-new episode of REWINED!
One of the first shows that had a tapatan or rivalry theme was the iconic ABS-CBN series, Mara Clara, headlined by Judy Ann Santos and Gladys Reyes. Dahil nga isa ito sa mga naunang serye na naging iconic, tinawag pa itong "Ina ng Pinoy Soap Opera" ng Kapamilya network when it had a remake in 2010 headlined by Kathryn Bernardo and Julia Montes.
With a revitalized storyline to fit the modern times, naging iconic on its own din ang Mara Clara 2010, especially when it comes to the confrontation scenes between the new Mara and Clara!
Pero ano nga ba ang mga kwento sa likod ng paggawa ng 2010 version ng Mara Clara, lalo pa't galing ito sa remake? For our first series of 2025 called the stories behind ABS-CBN Rivalry Shows, nakipag-kwentuhan kami sa headwriter ng Mara Clara 2010 na si Danica Domingo sa ilang mga insider stories behind the making of Mara Clara 2010!
Watch the full episode of REWINED here!
On the last part of our Stories Behind GMA Drama Classics series, ikinuwento ng GMA creative genius na si RJ Nuevas ang kuwento sa likod ng kuwento ng hit Kapuso series na Impostora! Did you know na nagsimula pala ito bilang isang comics serial at unang inialok ito bilang pelikula para sa isang iginagalang at magaling na aktres for all seasons? Masasagot din ang tanong kung bakit may pagkakaiba sa kwento ng dalawang Impostora sa TV, at alin ba talaga ang mas naging loyal sa comics version nito. Paanong napili rin na magbida sina Sunshine Dizon at Iza Calzado, at Kris Bernal sa kani-kanilang versions. All that and more here on REWINED! #R3Wined #R3WinedNight #GMANetwork #Impostora #SunshineDizon #IzaCalzado #KrisBernal
Sa pagpapatuloy ng ating Stories Behind GMA Drama Classics series, ikinuwento naman ni RJ Nuevas ang isa sa minahal ng mga Kapuso noong nagsisimula pa lamang mag-produce ang GMA ng mga teledrama, ang Sana Ay Ikaw Na Nga. Naalala niyo pa ba ang mga pangalang Cecilia, Olga, at Carlos Miguel? Naging fan ka ba ng tambalang Dingdong Dantes at Tanya Garcia? Paano nga ba nila naisip na ito ang gawing isa sa mga unang serye ng GMA-7 at gawan ng remake 10 years after with Andrea Torres and Mikael Daez as lead stars? All that and more dito lang sa bagong episode ng REWINED! #R3WinedNight #SanaAyIkawNaNga #DingdongDantes #TanyaGarcia #podcast
Sa pagpapatuloy ng ating Stories Behind GMA Drama Classics series, nagkuwento si RJ Nuevas tungkol sa isa sa mga talaga namang tumatak at naging iconic na drama series ng Kapuso network, ang Anna Karenina!
Paano nga ba nagsimula ang Anna Karenina at paanong napili sina Antoinette Taus, Sunshine Dizon, at Kim delos Santos? Paano rin nila na-sustain ang anim na taong takbo nito sa TV?
Nagkwento rin si RJ tungkol sa isa sa mga naging paboritong teleserye ng mga Angelu de Leon at Bobby Andrews fans, ang Ikaw Na Sana. Binalikan namin kung saan nagsimula ang concept nito at kung magkakaroon din ba ito ng remake soon!
All that and more sa pagpapatuloy ng third anniversary ng #R3Wined!
In this special REWINED series, nakipagkwentuhan tayo with one of GMA-7’s creative geniuses, RJ Nuevas, para alamin ang kwento ng ilan sa likod ng mga classic teledramas ng Kapuso network!
At una na nga sa napagkwentuhan namin ang unang primetime series ng GMA with VIVA Television, ang VILLA QUINTANA!
Ano nga ba ang kwento sa likod ng seryeng ito nina Donna Cruz at Keempee de Leon? May original choices ba sa roles nila at totoo bang dapat na magkakaroon ito ng movie version?
Paano naman napili sina Janine Gutierrez at Elmo Magalona bilang mga bida sa remake nito?
All that and more kaya join na for another #R3WinedNight here on REWINED!
Bukod sa pagiging finalist ng Star Circle Quest, tumatak din talaga ang ilan sa mga pinagbidahang teleserye ni Roxanne Guinoo, gaya ng Natutulog Ba Ang Diyos? at Ligaw na Bulaklak!
Minsan din siyang nakagawa ng proyekto sa GMA-7, kabilang na ang Home Sweet Home at Pyra: Babaeng Apoy.
In this episode, Roxanne takes a rewined to her days as a lead actress and the TV shows that she was able to do before taking a break in showbiz and focusing on becoming a mom. Marami rin siyang mga aral na nai-share sa kanyang mga pinagdaanan noon at ngayon.
Kaya naman let's enjoy another #R3WinedNight here on REWINED!
Roxanne Guinoo is one of the artists na talaga namang naging successful after joining the ABS-CBN reality talent search, Star Circle Quest.
Pero hindi naging madali ang journey ni Roxanne, from auditions to the tests she went through with her co-finalists like Sandara Park, Hero Angeles, Melissa Ricks, Neri Naig, and her eventual love-team partner, Joross Gamboa.
For this Rewined episode, listen as Roxanne shares interesting trivia, moments behind the scenes, and never-before-heard facts about her journey in Star Circle Quest!
All that and more here on The Rewined Channel!
#R3Wined #R3WinedNight
One of our most-loved episodes here on REWINED was when we talked about the story behind the making of ABS-CBN’s primetime series, MAGKARIBAL with its creator, G3 San Diego.
This time, as part of REWINED’s third anniversary special, we are dedicating another episode about the show, this time about the behind-the-scenes stories from the set itself, the favorite scenes that we’ve seen, and never-before-heard trivia about #Magkaribal with its director, Nuel Crisostomo Naval!
Get ready na sa pagrampa ng bagong episode ng #R3Wined!
We may have talked about GMA-7's youth-oriented show CLICK for several episodes in this podcast, but in every episode, we continue to learn more trivia about the show!
At dahil nga paborito natin ang Click, we are dedicating another episode for our anniversary special, this time talking to one of its writers na present from the beginning 'til the end of the show, Miss Clarissa Estuar-Navarro!
Curious ba kayo kung paano nabuo ang Click barkada? How about ang pagkakabuo ng Marshy at Mallow, at Mimi and Enzo love teams? E ang love square nina Melai, JB, Christian, at Rosario kasama pa ang sinister sister na si Kara?
Binalikan din namin ang naging simula ng mga careers ng ilan sa mga sikat na artistang kasama sa Click like Richard Gutierrez, Chynna Ortaleza, Iya Villania, Jake Cuenca, at Angel Locsin! Kumusta nga ba sila noong nagsisimula pa lang sila sa Click?
All that and more on this third-anniversary offering of The Rewined Channel! #R3WINEDNight
Sa second part ng ating REWINED kwentuhan with RJ Nuevas about GMA-7 suspenseryes, pag-uusapan naman natin ang dalawang recent murder mystery ng Kapuso network, ang Royal Blood at ang currently airing na Widows' War.
Siyempre, kasama din diyan ang maraming trivia about the two shows! Ano nga ba ang kwento sa likod ng alopecia plot ng character ni Rhian Ramos sa Royal Blood? Sino nga ba ang dapat na gagawing killer ng character ni Tirso Cruz III, at ano ang reaksyon ni Dingdong Dantes nang makuha niya ang mga panggulat na kwento about Royal Blood?
Sa Widows' War naman, ano kaya ang reaksyon ni Bea Alonzo at Carla Abellana nang ialok sa kanila ang roles nila sa show?
All that and more sa second part ng ating kwentuhan with RJ Nuevas here on The REWINED Channel!