Nasubukan mo nang maglagay ng asin sa mata? Well, do not try this at home but you know who did? Writer, translator, and copyright advocate Ms. Bebang Siy! Sa episode na ito para sa "Asintada" mula sa It's A Mens World (Anvil, 2011), tingnan nga natin kung anong nagtulak kay Bebang Siy na gawin ito noong kabataan niya!
Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Pandaigdigang Araw ng Mga Guro, naging panauhin ng LIT Junction sa Episode 15 guesting series nito si Bb. Ruby Ana Bernardo mula sa Schools Division Office - Quezon City at aktibong kasapi ng Alliance of Concerned Teachers-Philippines, opisyal ng ACT NCR-Union, at ng Quezon City Public School Teachers Association. Binasa rin dito ang tulang "Kami, Guro" ni Bernardo (ACT Forum, 2018) na bahagi ng kaniyang komprehensibong pagtalakay sa produksiyong pampanitikan ng mga guro sa loob at labas ng paaralan. Happy World Teachers' Day 2020 sa lahat ng mga guro ng bayan!
Aling Lukring at Mang Miguel. Catmon. Malabon. Tambak ng Basura. Bangus. Paano binago ni Santa Peregrina ang buhay ng mga residente ng Catmon. Nina Aling Lukring at Mang Miguel? Ni Miguelito? O may kinalaman nga ba ang Santa Peregrina sa laging banta ng demolition, ng naging sunog? Sa episode na ito, babasahin at pag-uusapan ang maikling kuwentong “Santa Peregrina” ni Jerry Gracio mula sa “Kuwentong Siyudad” (2002) ng Ateneo de Manila University Press.
Samahan natin si Filemon Mamon sa pagsugod sa kainan. Ano-ano ba ang paboritong kainin ni Filemon Mamon? Magagawa kaya ni Filemon Mamon na gampanan ang pagiging bida sa katauhan ng bayaning si Andres Bonifacio sa kaniyang pag-arte sa entablado? Pakinggan natin yan sa maikling kuwentong pambatang "Filemon Mamon" ni Christine Bellen na inilathala ng Adarna House noong 2004.
Sino nga ba ang mga beterano? Anong pinagkakaabalahan ng mga beterano sa panahon ng kanilang pagiging beterano? Kilalanin si Dwight, kasama si Mang Luis, sa pagtuklas niya sa buhay ng kaniyang namayapang 'beteranong' ama sa maikling kuwentong "Ang Mga Beterano" na mula sa "Troya: 12 Kuwento" (2013 NCCA Writers' Prize for Short Story in Filipino) ni Dr. Joselito Delos Reyes na inilathala ng Visprint noong 2016.
Ang mga dagling “Mga Tanong Ko Kina Itay at Inay” at “Isa Pa Uling Tanong sa Parent Ko” ay mga akda ni Eros Atalia mula sa librong “Taguan-Pung at Manwal ng Pagpapatiwakal (Level Up)” na inilathala ng Visprint noong 2014. May tanong ka ba tungkol sa diyos, langit, o bakit ina-advance ang oras sa relos? Tara na’t itanong natin ‘yan kay Tatay Eros!
Gaano ka-personal ang personal at bakit ito itinuturing na isang mahirap na gawain sa konteksto ng pagsulat ng personal at malikhaing sanaysay? Sasagutin yan ni Prof. Ferdinand Pisigan Jarin sa kaniyang paksang "Ang Pasukin Ang Pamilyar ay Sobrang Hirap na Gawain". Mapapakinggan din dito ang kaniyang sanaysay na pinamagatang "Mangga" na bahagi naman ng "Tangke" -- kalipunan ng mga sanaysay ni Jarin na ilalathala ng UST Publishing House ngayong taon.
Ano nga ba ang bayan? Bakit ito nakapiit at laging ipinaglalaban upang lumaya? Halina't samahan si Jonathan Geronimo sa kaniyang panayam na "Pagtatanghal ng Bayan sa Pagitan ng Piitan at Laya" na naghahain ng alternatibong mga pagbasa at pagdulog sa panitikan.
Ang "Politics of Forgetting: Preliminary Notes on Waray Poetry After the Balangiga Encounter of 1901" ay isang pagsipat ng iskolar, kritiko, at guro na si Ian Harvey Claros sa naging kalikasan at katangian ng panulaang Waray matapos ang 1901, isang mahalagang yugto ng Balangiga Encounter. Tayo nang makinig at unawain ang isang makabuluhang diskurso ukol sa pag-alaala at paglimot.
Ang “Ang Imahen ng Bidang Bata sa mga Kuwentong Pambata” ni KC Daniel Inventor ay unang installment ng guesting series ng LIT Junction. Mapapakinggan din sa episode na ito ang maikling kuwentong pambatang “Ang Lumilipad na Perya ni Ginoong Pikpakbum” ni Inventor na inilathala ng Liwayway noong 2018. Sulyapan natin dito kung ano nga ba ang imahen ng mga batang bida sa kanilang kuwento.