Ready ka na ba sa National Day of Protest against Corruption?
ICYMI, pinagusapan sa episode na 'to ng ALAB ANALYSIS ang malawakang protesta kontra korapsyon sa Luneta, sa People Power Monument, at iba pang bahagi ng bansa ngayong darating na September 21. Ano ang dapat asahan at ano ang gagawin pagkatapos nito?
PANOORIN at pakinggan ang talakayan kasama sina Kiko Aquino Dee at Teddy Casiño.
#ALABAnalysis: 4.5 billion pesos ang proposed confidential and intelligence funds ng opisina ni Pangulong Marcos Jr. sa 2026. May mabuti bang naidudulot ang pondong ito?
Panoorin ang latest episode ng ALAB Analysis kasama si ACT Teacher Party-list Rep. Antonio Tinio.
Sa gitna ng genocide sa Gaza, tuluy-tuloy din ang pambobomba ng Israel at US sa iba't ibang bahagi ng West Asia. Ano nga ba ang nasa likod nito? Ito ang tatalakayin natin ngayong gabi sa ALAB Analysis kasama ang veteran journalist na si Inday Espina Varona, Atty Fudge Tajar at Raymond Palatino. Sumali sa diskusyon!
Happy Pride, mga meheeeel! Tuloy ang laban nating mga vuhkla (at allies) para sa tunay na equality for all, ha? Remember, Pride is a protest! At syempre, unite-unite din dapat tayo sa lahat ng sectors na nakakaranas ng pang-aapi. As in yung totoong unity, hindi yung tulad ng iba jan. KEME! Hali na't magbaklaan sa #TalkBaks! Thank you Riot Grrrll (@riotgrrrill_ph) for sponsoring this episode!
RABAHO, bakit ang hirap mong hanapin?Sa episode na ito ng BREAK IT DOWN, pag-usapan natin ang paglikha ng trabaho o JOB CREATION.Panoorin si Sonny Africa ng @IBONFoundation sa programang naghihimay ng akala natin ay kumplikadong salita.Ang BREAK IT DOWN ay programa ng Altermidya at IBON Foundation.
Usap-usapan ngayon ang away nina Donald Trump at Elon Musk. Pero balikan muna natin ang Tariffs ni Trump. Ano ba ito? Samahan si Sonny Africa ng IBON Foundation sa pagpapaliwanag ng 'TARIFFS'
Tinanggal na sa money laundering at terrorism financing grey list ang Pilipinas. Good news nga ba ang pag-alis sa listahan ng Financial Action Task Force? Ano ang kapalit nito?
Alamin sa episode na ito ng #ALAB Analysis kasama si Inday Espina-Varona!
Malinaw na corruption issue ang ginawang insertions sa 2025 national budget. Pero ayon sa kampo ng mga Marcos, pagtatangka raw itong ilihis ang atensyon ng publiko mula sa impeachment at ibang kasalanan ng mga Duterte. Tama bang pagtingin ito? Alamin ‘yan sa ALAB Analysis kasama sina Inday Espina-Varona at Kabataan Partylist Rep. Raoul Manuel!
Impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte, bakit tila tinututulan ni Marcos Jr?
Alamin sa ALAB Analysis kasama si Inday Espina-Varona at ACT Teacher's Party-list Rep. France Castro!
Grrrraaaabe ang eleksyon mga dzai! Sira-sirang automated counting machines, red-tagging, vote buying, disenfranchisement... gurl we need to debrief!Shot on election day, May 12, at the Kontra Daya and Vote Report PH monitoring center in UP Diliman.
Alam na ba natin mga iboboto? Please wag naman yung kampon ng kadiliman at kasamaan PLEASE!Habemus Papam, the 2025 midterm elections, and this fantasy TV show you should definitely watch—come join the conversation, mga baks!#Altermidya #TalkBaks #LakanUmali #NeilEco #AlternativeMedia #Philippines #Halalan2025
Bawal po dito transphobic 😤And if you haven't heard, inaresto na si Duterte sa ICC. Ano'ng say ng mga bading dito? Edi dasurv! 🤭 Let's catch up on this episode of #TALKBAKS!
January pa lang, andami nang nangyayari! Ceasefire sa Gaza, Tiktok ban sa US, sex education bill sa Pilipinas... let's talk about it, baks! Thank you RIOT GRRRLL for sponsoring this episode!
Hirap lumaking bakla no? Congrats sa ating mga naka-survive! Ang goal ngayon ay baguhin ang mundo para maging mas mabait at makatarungan hindi lang para sa mga bading, kundi para sa lahat. Trew?!
Palanca-winning writer Lakan Umali and journalist Neil Eco sit down and chat about anything and everything—from Mandatory ROTC to beekeeping to the revolutionary movement that expelled Spanish colonizers from the Philippines. This is TALK BAKS! with Lakan and Neil!
Isiniwalat sa Kongreso nitong October 10 ang mga detalye sa likod ng drug war ng Duterte administration.
Ang tanong ng publiko, ano na ang kasunod? Sinu-sino ang ibang sangkot at mapapanagot ba sila?
Naging tampok ang mga awit bilang porma ng paglalahad ng tunay na sitwasyon at paglaban noong panahon ng diktadurang Marcos. Paano nga ba nakakalikha ng kanta ang mga musikero at artista noong panahon ng Martial Law? Ano ang halaga nito sa kasalukuyan? Panoorin ang kwentuhan at kantahan nina Edge Uyanguren ng Concerned Artists of the Philippines at progresibong artistang si Bong Ramilo.
Inapila ng tinatawag na Talaingod 13 ang desisyon ng korte na guilty daw sila sa kasong child abuse diumano sa mga estudyanteng Lumad. Ilan sa mga kinasuhan ay sina ACT Teachers Partylist Representative France Castro at former Bayan Muna Representative Satur Ocampo. Ano ang totoo sa kaso laban sa Talaingod 13 at sino nga ba ang dapat managot dito? 'Yan ang tatalakayin sa episode na ito ng ALAB Analysis!
Makailang beses na naglunsad ng military expedition ang US at China sa West Philippine Sea, dahilan para lalo pang tumindi ang tensyon dito. Para tuloy naiipit ang Pilipinas sa dalawang dambuhalang bansang ito.
Saan nga ba tayo dadalhin ng umpugang ito?
Magiging abot-kaya ba ang bigas pag binawasan ang taripa?
Alamin ito sa pinakabagong episode ng BREAK IT DOWN kasama si Rosario Guzman ng IBON Foundation!
Ang BREAK IT DOWN ay programa ng Altermidya at IBON Foundation.