
Narito na ang December episode ng USTinig, kasama ang nobelistang si Katrina Martin. Sa edisyong ito, mapapakinggan natin ang pakikipagkuwentuhan niya with Resident Fellow Jose Mojica tungkol sa pagkabuo ng YA novel niyang At Home With Crazy, ang mga dapat na malaman hinggil sa mental health care, at ang infulence ng filmmaking sa akdang ito. Malalaman din natin mula kay Katrina Martin ang mga paborito niyang libro at mga writers sa segment natin kasama si Dawn Marfil-Burris sa segment na "USTinig Questionnaire."
Si Katrina Martin ay naging fellow sa 3rd Amelia Lapeña Bonifacio Writers Workshop on the Novel at naging finalist sa PBBY-Scholastic Asia’s You Write to Me, I’ll Write to You manuscript competition noong 2017. Nagtapos siya ng BS Nursing sa UP Manila at ng MA Creative Writing sa UP Diliman. Nakapagsulat na rin siya para sa telebisyon, pelikula, at sa global social sector. Siya ang awtor ng nobelang pag-uusapan natin ngayon, ang At Home With Crazy.
Ang USTinig podcast ay maaaring pakinggan sa Spotify, Anchor, Google, at Apple podcasts:
4. https://anchor.fm/ust-ccwls
Maraming salamat sa USTinig Creatives:
Kristan Lemuel Esguerra
Russel John Dimarucot
Hannah Mariel Mancenon
Jose Paulo Prietos
Rommel Sales Jr.
Caryl Kilvette Sanchez
Maria Camila Sureta