
Narito na ang aming episode ngayong Buwan ng Wika, kasama si Vlad Gonzales! Pakinggan ang kuwentuhan nila ni Resident Fellow Jose Mojica tungkol sa pagsulat ng dulang adaptasyon at ang pagbasa ni Ronah dela Peña ng sipi mula sa dulang “Mal.” Pakinggan rin ang mga sagot ni Vlad sa “Save, Edit, Delete” kasama si Resident Fellow Dawn Marfil-Burris.
Si Vlad Gonzales ay isang propesor mula sa UP Diliman. Naging tagapangulo siya ng Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas at Deputy Director ng UP Institute of Creative Writing. Siya ang awtor ng Isang Napakalaking Kaastigan at A-Side/B-Side: Ang mga Piso sa Jukebox ng Buhay Mo, mga koleksiyon ng sanaysay; ng mga koleksiyon ng dulang Lab at Pop Lab, parehong koleksiyong ng mga dulang adaptasyon para sa klaseng panlaboratoryo. Mayroon din siyang koleksiyon ng mga kuwento, ang Dirty Pop Machines vs. Academia Nuts, koleksiyon ng kuwento at dula na Sa Kanto ng Makabud at Mangga, May Eskuwela, habang mga kuwento at tula naman ang nasa Mga Tala ng Isang Super Fan.
Ang USTinig podcast ay maaaring pakinggan sa Spotify, Anchor, Google, at Apple podcasts:
1. https://spoti.fi/37QKuAh
2. https://apple.co/33L5Dd7
3. https://bit.ly/2JNeRye
4. https://anchor.fm/ust-ccwls
Maraming salamat sa USTinig technical team:
Korina Dela Cruz
Thea Flores
Ry Philip Jaco Galvan
Maxine Joaquin
Patricia Logina
Joshua Miguel Rivero