
Ngayong Pambansang Buwan ng Panitikan, pag-uusapan sa USTinig ang mahigpit na ugnayan ng panitikan at lipunan!
Ikukuwento nina Mae Paner at Maynard Manansala kay Resident Fellow Jose Mojica ang naging karanasan nila sa pagbuo ng Tao Po. Sasagutin din nila ang mga tanong mula kay Resident Fellow Dawn Marfil-Burris sa mga segment na USTinig Questionnaire at Save, Edit, Delete!
Ang Tao Po ay isang dulang binubuo ng mga monologo tungkol sa EJKs. Nito lamang nakaraang taon, naging bahagi ng Cinemalaya ang pelikulang bersiyon nito. Maaaring mapanood ang Tao Po sa Upstream: https://bit.ly/3JwNLoi
Si Mae Paner, kilala rin bilang Juana Change, ay isang political activist, producer, awtor at isang aktres. Napanood na siya sa iba’t ibang teleserye at pelikula, kabilang ang Juana C. The Movie, Norte, Ang Babaeng Humayo, at marami pang iba. Nagwagi siya bilang Best Supporting Actress sa Cinema One Originals Film Festival noong 2017 para sa pelikulang Si Chedeng at si Apple.
Si Maynard Manansala ay manunulat ng iskrip para sa teatro, ilang tv mini-series at viral advertising. Naitanghal na ang kanyang mga dula sa loob at labas ng bansa. Nagwagi siya ng Palanca para sa dulang may isang yugto at kuwentong pambata. Sa kasalukuyan, nagtuturo siya sa Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas, UP-Diliman, kung saan siya rin ang kasalukuyang Assistant Chairperson.
Ang USTinig podcast ay maaaring pakinggan sa Spotify, Anchor, Google, at Apple podcasts:
4. https://anchor.fm/ust-ccwls
Maraming salamat sa USTinig technical team:
Korina Dela Cruz
Thea Flores
Ry Philip Jaco Galvan
Maxine Joaquin
Patricia Logina
Joshua Miguel Rivero