
Ang guest namin ngayong Buwan ng Kababaihan ay si Jhoanna Lynn Cruz!
Pakinggan ang pakikipagkuwentuhan niya kay Resident Fellow Jose Mojica tungkol sa pagsusulat ng memoir at ang pagsagot niya sa USTinig Questionnaire, kasama si Resident Fellow Dawn Marfil-Burris. Magbabasa rin si Jhoanna ng ilang sipi mula sa "Sapay Koma" at "Do Not Resuscitate," mga piyesa mula sa kanyang librong Abi Nako, Or So I Thought.
Si Jhoanna Lynn Cruz ay isang Professor ng Creative Writing sa UP Mindanao. Nagtapos siya ng kanyang PhD sa RMIT University, Australia. Siya ang awtor ng Abi Nako, Or So I Thought at Women Loving, ang unang sole-author na koleksiyon ng mga kuwentong lesbiyana sa Pilipinas, at available na ngayon bilang e-book na may titulong Women on Fire. Siya rin ang editor ng Tingle: Anthology of Pinay Lesbian Writing.