'Public office is a public trust. Today, the trust is broken.'
Ito ang paninindigan ng Ateneo School of Government sa harap ng pinakamalaking iskandalo tungkol sa korapsyon na ngayon ay kinakaharap ng bayan kaugnay ng mga proyekto ng Department of Public Works and Highways.
Nangyayari ang walang habas, walang takot, walang konsensya, at lantarang pagnanakaw na aabot sa trilyong pisong pera ng bayan sa harap ng maraming institusyon na sana nga'y mag-iingat at mangangalaga sa paggamit sa perang pinaghihirapan ng mga mamamayan. Mga institusyon na sana nga ay siyang magpapanagot at magpaparusa sa mga nagkakamali at nangungulimbat sa pera ng bayan.
Winaldas ang tiwala ng mga Pilipino. At ang bayan ay binibigo na ng mga institusyon na sana ay tagapangalaga sa kanilang kapakanan.
Sa mga nangyayari ngayon, panahon na upang ipakita ang angking kapangyarihan ng sambayanan. Magprotesta, mag-ingay, makiisa, makibaka, sumama sa laban na ito. Ito ang laban ng bayan- People of the Philippines versus the corrupt. Think about it. #TedFailonAndDJChacha