Home
Categories
EXPLORE
True Crime
Comedy
Society & Culture
Business
Sports
History
Fiction
About Us
Contact Us
Copyright
© 2024 PodJoint
00:00 / 00:00
Sign in

or

Don't have an account?
Sign up
Forgot password
https://is1-ssl.mzstatic.com/image/thumb/Podcasts125/v4/0b/53/34/0b533483-f58f-5d24-8fc9-3ae1bef08f20/mza_14130212128717786640.jpg/600x600bb.jpg
Suggested Rants ng Pinoy
Suggested Rants ng Pinoy
16 episodes
4 days ago
Madalas, mahilig tayo umangal. Pero pano kung meron ng ibang aangal para sa'yo? Join Jet, Jolo, and Raffy incessantly rant about life and everything in between. Uploads once a week. Rant on! wanna talk to us? email us at suggestedrantsngpinoy@gmail.com
Show more...
Comedy
RSS
All content for Suggested Rants ng Pinoy is the property of Suggested Rants ng Pinoy and is served directly from their servers with no modification, redirects, or rehosting. The podcast is not affiliated with or endorsed by Podjoint in any way.
Madalas, mahilig tayo umangal. Pero pano kung meron ng ibang aangal para sa'yo? Join Jet, Jolo, and Raffy incessantly rant about life and everything in between. Uploads once a week. Rant on! wanna talk to us? email us at suggestedrantsngpinoy@gmail.com
Show more...
Comedy
Episodes (16/16)
Suggested Rants ng Pinoy
S2 E4: Not Just a Love Survivor

Lintik na pag-ibig, parang kidlat! Parang tama nga ng kidlat ang nadama ng aming special guest sa episode na ito nung siya ay nasawi sa pag-ibig. Buti at pinalad siya kaya naman ngayon ay matatawag ng Love Survivor. From humble beginnings in the province, bantay sa tindahan at simpleng tumatambay sa kanto. To finding fame through what can only be described as a perfect alignment of the stars. Join us on this rollercoaster of an episode that tackles old school vhs porn, mga kapitbahay na manyak, finding and losing love, God's plan, and what redemption truly means. Tagay para sa lahat ng mga survivors! 

Show more...
4 years ago
1 hour 27 minutes 27 seconds

Suggested Rants ng Pinoy
S2 E3: Ballot Crisis
Sawang-sawa na tayo sa angal ng mga tao pero may ginagawa ba tayo bukod sa pag puna? Dapat aksyon! Malapit na matapos ang registration period para sa 2022 elections kaya meron kaming guest para talakayin kung paano mag rehistro. Ang hindi bumoto, panget.
Show more...
4 years ago
1 hour 11 minutes 7 seconds

Suggested Rants ng Pinoy
S2 E2: Chaos Between Thy Legs

First time ever for the SRP boys to have a guest and we have someone who has 2 wheels and a lens to grace the podcast. Kwentuhan with alexmotovlog and hear what it takes to go on smooth rides without having a real-life gastrointestinal accident during land trips. Still afraid of getting that bike of your dreams? Start ka muna dito sa podcast. 

Show more...
4 years ago
1 hour 29 minutes 13 seconds

Suggested Rants ng Pinoy
Musta? hehe.

Musta? Ayos lang. Ayos ka lang? Daming mga nakakabadtrip na nangyari sa mundo e no pero buti na lang meron ding mga maayos naman. Congrats sa mga atleta natin! idol namin kayo! Ang layo e no? haha.

ganyan muna.

Magkwentuhan muna tayo. Kahit ano lang, kahit saan mapunta. Para kang napatambay sa kanto tas nakita mo yung tropa mo tas biglang nauwi sa inuman — olympics, luto, itlog at kung anu-ano pa.

Basta, halos lahat ng mga namimiss natin sa dati nating buhay.

Gayunpaman, kailangan nating umabante pa rin at tanggapin ang kung anong ibato sa atin. Kaya ito kami, ika nga ni tito douglas --- I (we) shall return!

Show more...
4 years ago
1 hour 18 minutes 24 seconds

Suggested Rants ng Pinoy
Ep12: Aaaaand Cut!
Cynthia Villar, Tito Jhun, Wet Wipes, Rendon Labador. Magkakaibang pangalan, magkakaibang dating. Pero ano ba ang pagkakapareha nila lahat? Bago ka pa magisip ng kung ano, sasabihin ko na. Lahat sila ay natalakay sa nakaraang 11 episodes na nailabas namin. 11! Biruin mo yun, ang nagsimula bilang isang outlet para sa mga saloobin na hindi namin mailabas ay nakapag bunga ng 11 episodes na sa suma total ay 1,103 na minuto o kaya naman 18.38 na oras. Sapat na para makarating ka sa US, may sobra ka pa na 2 oras. Napakadaming napagusapan sa totoo lang. Karamihan ay kalokohan pero may mga seryosong bagay din naman. Kalokohan man o seryosohan, nawa'y kahit pano ay may napulot kayo sa amin. Kung wala naman, ayos lang din. Wala naman kaming paki e. Sa mga tumangkilik at nakinig, maraming salamat (kahit wala nga kaming paki). Ngunit kami muna ay (ayon sa mga artista o sikat na mga tao) mag-hiatus. Sa ngayon pataasin niyo muna play count ng mga nakaraan naming episodes at tangkilikin niyo na rin itong bago. Dito binalikan namin ang aming pagsisimula, pumili ng "highlights" at sinagot ang tanong na: kami ba ay magbabalik? Gusto niyo malaman ang sagot? Puwes, play mo na idol! 
Show more...
4 years ago
1 hour 30 minutes 24 seconds

Suggested Rants ng Pinoy
Ep11: Bishie, yo! \m/
Merong vice na maganda meron ding vice na hindi maganda. Oy, ang pinaguusapan dito ung vice as BISYO ha, hindi yung taong lumalabas sa tv. Yung mga bagay na sinimulan mo ng pagpapa-cool tas naging masamang habit mo na. Diba nga, sabi ng matatanda, lahat ng sobra masama. So kung hindi sobra okay lang ba kahit yung bagay na yun masama on its own? halimbawa, yosi at alak. E drugs? Mygad! i. hate. drags! Pero minsan, tayo bilang tao naghahanap tayo ng isang bagay na makakapagpakalimot sa kalupitan ng mundo o kakupalan ng boss mo or simply you just want an escape “just because” Isang hits naman dyan, isang cheers naman dyan. Ilabas ang foil at tuter! Jk! For the battles na ikaw lang ang nakakaalam. Para sa mga kabiguan at higit sa lahat — for the wound that never heals! Tara pakinggan natin ang pang labing isang episode ng podcast na ito — na nagsimula din sa patikim tikim ;-)
Show more...
4 years ago
1 hour 53 minutes 1 second

Suggested Rants ng Pinoy
Ep10: Daddy Issues

"Para kang papa mo! Hilig mo manood ng action movies at makinig kay kenny g. Saan mo ba nakuha 'yang mga ganyan?" Aba'y syempre, kanino pa nga ba. To the most powerful beings inside the household (kapag father's day), we dedicate this episode to the hardworking dads who are selfless and caring of their families. Isang pilsen para sa inyo.

Show more...
4 years ago
1 hour 56 minutes 9 seconds

Suggested Rants ng Pinoy
Ep 9: Free(?)dom
Bayang magiliw... Handa, awit! Natatandaan mo pa ba kailan mo huling kinanta ang Lupang Hinirang? Maaari nuong bukas pa ang mga sinehan o kaya naman pag magsasara na ang ABS CBN matapos ang isang mahabang araw. At sa mga pagkakataong ito ay naririnig mo, nararamdaman mo ba ang iyong "kalayaan?" O mas magandang tanong, alam mo ba kung ano ang iyong kalayaan? Minsan ba sumagi sa isipan mo kung ano ang ibig sabihin ng ating kasarinlan at ano ang mga bagay na nagagawa natin ngayon dahil nga tayo ay malaya? Kung marami ka ding tanong sa paksang ito, samahan mo kaming subukan na bigyang kahulugan kung ano nga ba talaga ang ibig sabihin ng kalayaan, ano nga ba ang parte natin sa pagpapanatili nito, at bakit, bakit nga ba ganun ang haistyle ni Jose Rizal. ....ang mamatay nang dahil sa iyo!
Show more...
4 years ago
1 hour 48 minutes 24 seconds

Suggested Rants ng Pinoy
Ep 8: Saan tayo? Tara!
Minsan, ang buhay natin sa siyudad ay masyadong nakakapagod. Nakakastress. Nakaka-suffocate ang pakiramdam lalo na kapag masyado kang nagbida sa trabaho, aral o kung ano pa mang kinabi-busyhan mo sa buhay. Pag ganito na ang pakiramdam, masarap lumabas muna -- huminga at tumingin ng mga ibang tanawin bukod sa mga screen, semento at building na laging nakapalibot sa atin. Ibang taong makausap naman; ung ibang kwento naman. Ibang tunog naman kesa sa mga maiingay na tao at sasakyan. Dagat ba? Bundok ba? Ilang araw? Saan ang stop over natin? Ilan dala mong brip? ano ba masarap na candy? kanino ka sabay? Ah basta. So ano, saan tayo? Sama ka? Tara outing!
Show more...
4 years ago
1 hour 58 minutes 46 seconds

Suggested Rants ng Pinoy
Ep7: I Love You, Sabado Pati na rin Linggo---at Hakaw.
Kayo ba ay galing sa trabaho (WFH naman arte mo) at medyo pagod? Wala kayong gagawin kundi mag-relax, maupo sa sofa, mag-alis ng sapatos, magsuot ng tsinelas (o alpombra, ehem) at magsalin ng... Well, pagod ka na kasi sa trabaho kaya inaasam mo ang paparating na weekend para makapag pahinga. Sarap talaga ng weekend kasi may excuse na naman para makainom ng alak at hindi gumising ng maaga. 
Show more...
4 years ago
1 hour 30 minutes 57 seconds

Suggested Rants ng Pinoy
Ep 6: Pagtitipon

Kamusta na kaya si tita? tito? insan? lolo lola? Habang nagaantay maging normal ulit ang lahat, subukan muna nating magvirtual tour sa isang family gathering.

Para mas kumpleto ang feels, pwede mo samahan ang pakikinig ng pagkain ng mac salad o embotido :) 

Show more...
4 years ago
1 hour 31 minutes 53 seconds

Suggested Rants ng Pinoy
Ep5: Apocalypse Now!
Handa ka na ba? Yan ang unang pumapasok sa isip ng tao kapag nabanggit ang katapusan ng lahat o kaya ng "Apocalypse." Madalas napapanood natin ito sa mga pelikula o kaya nababasa sa libro. Pero paano kaya kung mangyayari na talaga ito sa tunay na buhay? May naisip ka na ba na apocalypse ready get up? Yung survival kit mo, alam mo na ba kung ano ang laman? O kaya may mala Avengers team ka ba na naiisip na puwedeng makatulong sa'yo na harapin ang apocalypse? Join us as we explore the end of days and try to make light of what it would be like to finally meet your doom. O ano, handa ka na ba? 
Show more...
4 years ago
1 hour 40 minutes 8 seconds

Suggested Rants ng Pinoy
Ep 4: Inay ko po!
Kung merong expert sa pagrarant isang tao lang yan — yan yan yan! kaka-computer mo yan!! Kung papipiliin ka, anong mas gusto mo ipalo sa’yo walis tingting o tambo? Join us and let’s talk about nanay / mama / momshie / ‘nay
Show more...
4 years ago
1 hour 28 minutes 26 seconds

Suggested Rants ng Pinoy
Ep3: Trabaho Na Naman?!
Pambihira naman ‘to! Hanggang dito trabaho pa din ang usapan. Kailan ba tayo na kuntento sa mga trabaho natin? Ano pakiramdam ng naglalakad sa Ayala habang may bitbit na brown envelope? Totoo ba ang white lady? Join us talk about “work” experiences in general formour Labour Day special. Kung ayaw mo, edi wag. Dami mong angal.
Show more...
4 years ago
2 hours 1 minute 27 seconds

Suggested Rants ng Pinoy
Ep2: Ngayong Malaki na Ako

Ano ba ang nagbago sa'yo simula pagkabata? Natuto ka na ba? Hinahabol mo pa din ba ang mga pangarap mo? Bakit hindi nagtataas ang presyo ng fishbol? Iyan ang bumabagabag sa isip ng mga nasa "tito" state. Maaaring karamihan sa inyo ay mayroong pinangarap na hindi niyo na kayang tuparin. Pero, ano naman diba? Matuto ka mag adjust, hindi ka artista. 

Show more...
4 years ago
1 hour 24 minutes 28 seconds

Suggested Rants ng Pinoy
Suggested Rants ng Pinoy Ep1: Mic Test

Kilala mo ba sino kausap mo? First episode ng SRP, kilalanin ang mga boses at kung bakit namin ginagawa ito. Snowflake ka ba? Kung oo, baka ma-offend ka dito.

Show more...
4 years ago
1 hour 14 minutes 45 seconds

Suggested Rants ng Pinoy
Madalas, mahilig tayo umangal. Pero pano kung meron ng ibang aangal para sa'yo? Join Jet, Jolo, and Raffy incessantly rant about life and everything in between. Uploads once a week. Rant on! wanna talk to us? email us at suggestedrantsngpinoy@gmail.com