
Mayroon bang hangganan ang pagtulong sa kapwa?
Hindi ba’t bilin ni Jesus na anumang gawin natin sa mga kapatid nating aba ay ginawa rin natin sa Kanya?
Subali’t paano kung ang bulsa’y salat na? Pagtulong ba’y dapat na ituloy pa?
Halos magkaugnay ang Episode natin ngayon at Episode 4. Mula sa obligasyon sa pamilya at kung paano ito nakakaapekto sa buhay ng magkasintahan, pag-uusapan natin ngayon ang tungkulin sa kapwa lalo na sa mga nangangailangan.
Sa Episode na ito, pakinggan natin ang hinaing ng isang follower ng Sa Madaling Sabi Page na isang Baranggay Captain. Sa kanyang tanggapan marami ang dumudulog para humingi ng tulong sa maraming bagay. Ngayon, bigyan naman natin siya ng pagkakataon na idulog ang isang hamon na kaakibat ng kanyang paglilingkod.
Kasama natin sa podcast na ito na ang isa sa mga batchmates ko sa AYLC 2011. Sa murang edad, naging Alkalde na siya ng kanyang bayan ng New Lucena, Ilo-ilo... Si CHRISTIAN DOLIGOSA SORONGON.