
MIYERKULES, OKTUBRE 1, 2025
Miyerkules ng Ika-26 Linggo sa Karaniwang Panahon
Paggunita kay Santa Teresita ng Sanggol na si Hesus, dalaga at pantas ng Simbahan
LANDAS NG PAG-ASA : “SUMUNOD NG BUO AT MAY PAGTITIWALA”
[MABUTING BALITA]: LUCAS 9:57-62
Noong panahong iyon, samantalang naglalakad sina Hesus at ang kanyang mga alagad, may taong nagsabi kay Hesus, “Susunod po ako sa inyo kahit saan.” Sumagot si Hesus, “May lungga ang asong-gubat at may pugad ang ibon, ngunit ang Anak ng Tao’y wala man lamang matulugan o mapagpahingahan.” Sinabi ni Hesus sa isa, “Sumunod ka sa akin.” Ngunit sumagot ang tao, “Panginoon, hayaan po muna ninyo akong umuwi upang ipalibing ang akin ama.” Sinabi ni Hesus sa kanya, “Ipaubaya mo na sa mga patay ang paglilibing ng kanilang mga patay. Ngunit ikaw, humayo ka at ipahayag mo ang tungkol sa paghahari ng Diyos.” Sinabi naman ng isa, “Susunod po ako sa inyo, Panginoon, ngunit magpapaalam muna ako sa aking mga kasambahay.” Sinabi sa kanya ni Hesus, “Ang sinumang nag-aararo at palaging lumilingon ay hindi karapat-dapat sa paghahari ng Diyos.”
Reflection by PJ Cumpas: Vice-President of Operations, Vice-Dean for Student Affairs and Professor, Don Bosco School of Theology; Core Group Member of Tahanan ng Panginoon Young Professionals (TNP-YP), South District B Evangelization Team Member; Covenanted Member of Ligaya ng Panginoon
#LandasngPagasa #catholic #scriptures #bibleeadings #Jesus #CatholicChurch #christian #church #faith #god #jesuschrist #love #pray #bible #christianity #prayer #hope #gospel