
BIYERNES, SETYEMBRE 26, 2025
Biyernes ng Ika-24 Linggo sa Karaniwang Panahon
Paggunita kay San Cosmas at SAn Damian, mga martir
LANDAS NG PAG-ASA : “ANG ATING SAGOT SA TAWAG NA PAG-IBIG NI KRISTO”
[MABUTING BALITA]: LUCAS 9:18-22
Isang araw, samantalang nananalanging mag-isa si Hesus, lumapit sa kanya ang kanyang mga alagad. Tinanong niya sila, “Sino raw ako ayon sa mga tao?” Sumagot sila, “Ang sabi po ng ilan ay si Juan Bautista kayo; sabi naman ng iba, si Elias kayo, at may nagsasabi pang nabuhay ang isa sa mga propeta noong una.” “Kayo naman, ano ang sabi ninyo?” tanong niya sa kanila. “Ang Mesiyas ng Diyos!” sagot ni Pedro.
Itinagubilin ni Hesus sa kanyang mga alagad na huwag na nilang sasabihin ito kaninuman. At sinabi pa niya sa kanila, “Ang Anak ng Tao’y dapat magbata ng maraming hirap. Itatakwil siya ng matatanda ng bayan, ng mga punong saserdote at ng mga eskriba. Ipapapatay nila siya, ngunit sa ikatlong araw ay muling mabubuhay.”
Reflection by Jay Guiyab : BSCE graduate. Customer Service representative. Familia Member. Mission Head for Singles-Baguio. Familia Young Adults Coordinator.
#LandasngPagasa #catholic #scriptures #bibleeadings #Jesus #CatholicChurch #christian #church #faith #god #jesuschrist #love #pray #bible #christianity #prayer #hope #gospel