
M&M - Situation Wednesday with DJ Mac and Cathy G. | May 24, 2023 Paano kung nakipag break ka sa ex mo dahil sa tamang hinala pero nalaman mo na mali pala? Babalikan mo ba o hahayaan mo na lang? Ano ang gagawin mo kung ikaw si Apol? “Pwede pa ba maibalik ang dati? Alam ko hindi na, pero yun kasi ang gusto ko para sa amin ng Ex ko. Akala ko kasi ok lang, akala ko madaling mawala ang sakit na naramdaman ko nung hiniwalayan ko siya. Sabi nila hayaan ko lang raw, pero sa tuwing mag-isa ako ay siya parin ang hanap ko. 2 years na hindi ko pinakinggan o pinagbigyan ang mga plano niya para sa amin dahil nakinig ako sa aking mga barkada na baka iwan lang niya ako sa huli. Inaamin ko na ako ang may kasalanan dahil pagdududa ang inuna ko kaysa tanggapin ang pagmamahal niya sa akin.
Gusto ko sana makipagbalikan pero natatakot ako na baka hindi na niya ako tanggapin. 4 months na mula nang makipag break ako sa kanya, at sa apat na buwan na yon ay naging malungkot ako. Kahit may ilan na nanliligaw ay ex bf ko parin ang hanap ko. Sana mapayuhan niyo ako sa tamang gagawin ko. – Apol” #OneFM