
M&M - Situation Wednesday with DJ Mac and Cathy G. | May 31, 2023 Ano ang gagawin mo kung ikaw si Nadya? “Meron akong manliligaw na sobrang masugid. Kahit na binasted ko na siya ay ayaw parin niyang tumigil. Hindi naman siya pangit, pero wala talaga ako feelings para sa kanya. Wala rin naman iba nanliligaw sa akin o may iba akong natitipuhan para magkaron ng comparison. Nito nga lang nakalipas na March ay nagkaron kami ng company outing at kamuntikan na akong nalunod kung hindi dahil sa kanya na sumagip sa akin. Mula nun ay naging close ako sa kanya cguro dahil tumanaw ako ng utang na loob dahil kung hindi isa kanya ay malamang wala na ako sa mundong ibabaw. At dahil nga sa kakukulit niya ay sinagot ko narin siya. Pero after a month ay hindi parin ako sure kung ko ba talaga siya o utang na loob lang ito. Dapat ko ba ituloy ang relasyon namin? Sana mapayuhan niyo ako. – Nadya” #OneFM #Catmac #OneLangYan #SituationWednesday