Ito na ang aming huling pagkukwento! Lahat ng aming mga kinatatakutan, pinag-aalahanan, at pinagtatawanan ay aming tatalakayin sa episode na ‘to! Mula naming pasasalamatan ang lahat ng kubobros sa pagsama sa aming mga kwentuhan! Kita-kits na lang sa susunod!
Heto na! Sasagutin na namin ang mga maiinit nyong tanong, tungkol man ito sa aming mga kahihiyan, mga naging guro, o kaya sa mga kaklase. Halina't magkwentuhan!
Incoming senior high school student ka ba? Pakinggan na ang episode na 'to kung saan tatalakayin namin ang mga cores at electives na maaari n'yong kunin pagdating sa senior highschool life.
[Timestamps]
01:00 - Cores? Electives? Ano yun?
04:32 - Biology
11:36 - Chemistry
17:21 - Physics
19:45 - Agriculture
26:47 - Design and Make Technology
34:53 - Computer Science
42:53 - Engineering
Napakinggan mo na ba ang aming core-and-elective episode? Bilang karugtong sa episode na yun ay i-aaddress namin ang mga natanggap naming katanungan sa aming Curious Cat (CC) na makikita sa aming twitter (@KSK_Podcast).
May opinyon ka bang alam mong ikinagagalit ng marami? Dito, inilahad namin ang aming mga inilihim na pananaw tungkol sa kpop, anime, atbp!
Inasahan mo rin bang magkakaprom talaga tayo? Sa episode na 'to, pinag-usapan ng mga kubobros ang mga "what ifs" at "what-could-have-beens" nila.a
WARNING: May konting kalat asgdfsfa.
Scholars' Night! Ito na ang pinakahihintay ng lahat! Naalala niyo pa ba ang init ng hangin, iskolar na nagsasayawan, at siyempre ang pagkain? Samahan niyo kami sa aming kwentuhan!
Welcome to a new segment of the podcast!!! Dito nyo maririnig ang aming kamustahan at mga usapan tungkol sa pinaggagawa namin kada-linggo! (Napahaba ata yung usapan namin pero pramis, mas maigsi ‘to next week.)
TWITTER: @KSK_Podcast
CURIOUSCAT: curiouscat.qa/KSK_Podcast
SPOILER ALERT! Sa wakas ay napag-usapan na namin ang tanyag na Pisay the Movie! Pakinggan niyo rito ang detalyadong pagtalakay namin sa bawat taon nito, at ang discussion at self-reflection na naganap sa aming Pisay experience.
Antok na kami. Halata ba? Bago matulog, ang aming pillow talk ay pwedeng pwede pakinggan! Sabay-sabay tayong antukin sa aming usapan.
New year, new... nothing. Nega kami sa 2021, pero ano nga ba ang mga munting pinagkaabalahan namin sa nagdaang taon at inaabangan sa hinaharap? Samahan n'yo kami sa usapang ito!
Maligayang Pasko! Ngunit, maligaya nga ba? Nawalan na ba ng ligaya ang Pasko dahil sa pandemya? Abangan sa kwentuhang ito!
Ano-ano ang mga gusto niyong gawin pagkatapos na pagkatapos ng pandemya? Manood ng movie? Gumala? Alamin ang mga kinatatakutan at pananaw namin sa episode na ito!
Ano nga ba ang crush? Simpleng paghanga lang ba talaga ito? Dito na naglaglagan ang aming mga kalokohan at saloobin patungo sa mga crushes namin. Sa tingin mo ba pare-parehas lang tayo kapag dumada-moves sa ating crush?
P.S. Ang mga pangalang naipatak sa episode na ito ay itinago namin sa iba't-ibang codenames upang maprotektahan ang kanilang identidad.
Eto ang mga ganap sa mga timeline namin! Itinalakay namin dito ang mga toxic Twitter games, stan Twitter, cancel culture, waifus, at iba pa.
Disclaimer: Kahit kung iniwasan muna namin ang paksa ng pulitika, hindi po ibig sabihin na apolitical kami. #OUSTDU30NOW
Ano pang tanda namin sa Grade 7 orientation? Umiyak ba si class president tuwing Sabayang Pagbigkas? Anong ganap tuwing Family Day? Ito ang mga tanong na sasagutin namin sa episode na ito.
P.S. Salamat sa pasensya sa audio quality last episode. Sana nakabawi na kami dito. :-))
Ginusto nyo man o hindi, eto ang aming pagpapakilala sa podcast, sa aming sarili at sa aming high school experiences (na madalas naming makekwento dito).
P.S. Excuse the audio quality... Wala PA kaming sapat na equipment at stable Wifi para sa long-distance podcasting.