FATHER EUGENE, IBINAHAGI ANG ILANG MGA NAKAKAKILABOT NA DIUMANO'Y PAGSAPI NG DEMONYO SA ISA SA MGA MAGKAKAIBIGANG NAGLARO RAW NG SPIRIT OF THE GLASS!
Si Father Eugene David na isa sa mga exorcist ng Saint Michael Center for Spiritual Liberation and Exorcism, nakapanayam ni Jessica Soho para sa #KMJSMulto. Sa panayam, ibinahagi niya ang ilan niyang nakakakilabot na mga karanasan sa pagsagawa ng eksorsismo.
Ano-anong aktibidad nga rin ba ng mga tao ang maaaring maging instrumento ng demonyo upang maghasik ng kadiliman sa mundo?
Ang buong kuwento ng kanyang pakikipagbuno sa kampon ng kadiliman para matulungan ang mga sinasapian, panoorin sa video.
KOMEDYANTENG SI ATE GAY, MAS NANINIWALA NA RAW NGAYON NA MAYROONG HIMALA DAHIL SA PAG-IMPIS NG KANYANG BUKOL SA LEEG NA DULOT NG STAGE 4 CANCER
Ang komedyanteng si Ate Gay, ibinahagi kamakailan na mayroon siyang stage 4 cancer. Sa kanyang pagbahagi ng kuwento sa #KMJS, napakaraming anghel raw ang tumulong sa kanya upang malabanan niya ang kanyang sakit. Katunayan, ang 10cm na bukol sa kanyang leeg, unti-unti nang umimpis.
AKBAYAN REPRESENTATIVE CHEL DIOKNO, ISINIWALAT KUNG SAAN POSIBLENG NAPUPUNTA ANG UNPROGRAMMED APPROPRIATIONS FUND
Aprubado na ng Kamara ang 6.7 trilyong pisong panukalang 2026 National Budget.
287 ang bumoto na sumang-ayon sa panukalang ito habang 12 ang bumotong ‘no,’ kanilang na si Akbayan Rep. Chel Diokno.
Ang isa sa sinabi niyang dahilan ay ang 243 billion na halagang inilaan para sa unprogrammed appropriation funds. Bakit nga ba siya tutol dito? Saan ba dapat napupunta ang perang ito?
At ngayong mahigit isang buwan na ang lumipas mula nang buksan ang imbestigasyon kaugnay ng maanomalyang flood control projects, ang tanong ng mga tao— bakit tila wala pa ring napapanagot?
DATING SEN. GRINGO HONASAN, NA MINSAN NANG SINUBUKANG PABAGSAKIN ANG GOBYERNO, BAKIT SINABI NA NAKADIKIT NA SA ATING KULTURA AT SISTEMA ANG KORAPSYON?
Sa idinaos na kilos-protesta nitong Setyembre, may ilang mga retiradong heneral at opisyal ng Armed Forces of the Philippines na diumano’y kaalyado ng mga Duterte ang nanghimok sa Chief of Staff ng AFP na mag-withdraw ng suporta sa administrasyon.
Ano nga ba ang masasabi rito ni Gringo Honasan na minsan ding nanguna sa ilang kudeta laban sa administrasyon ni Pangulong Cory Aquino? Panoorin ang video.
SEN. PING LACSON, IBINUNYAG ANG NALALAMAN TUNGKOL SA ‘CONGTRACTORS’ AT MAANOMALYANG INSERTIONS SA BUDGET
Bago nagbitiw sa pwesto bilang chairman ng Senate Blue Ribbon Committee, nakapanayam ni Jessica Soho si Sen. Ping Lacson.
Ang mga nalalaman ni Lacson kaugnay ng insertions sa maanomalyang infrastructure projects, kanyang isiniwalat!
May nalalaman din nga ba si Pang. Bongbong Marcos sa mga insertions na ginagawa ng mga senador sa ilang budget deliberations?
VINCE DIZON, NAGSISISI BA NA NAGING KALIHIM NG DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS? MAYOR BENJIE MAGALONG, BAKIT NAGBITIW BILANG SPECIAL ADVISER NG ICI O INDEPENDENT COMMISSION FOR INFRASTRUCTURE
DPWH SEC. VINCE DIZON, BAGUIO CITY MAYOR BENJIE MAGALONG, SINAGOT ANG MGA ALEGASYON TUNGKOL SA KANILA
Nakapanayam ni Jessica Soho si Baguio City Mayor Benjamin Magalong bago siya nagbitiw sa puwesto bilang special adviser ng Independent Commission for Infrastructure. Nakapanayam niya rin si DPWH Secretary Vince Dizon. Sa pagkakadawit ng pangalan nina Rep. Zaldy Co at Rep. Martin Romualdez sa maanomalyang flood control projects, ano na rin nga ba ang estado ng imbestigasyon tungkol dito?
Ang ilang isyu na kanila ring kinakaharap, sinagot nila sa #KMJS.
CONG. KIKO BARZAGA, SINAGOT ANG ILANG PARATANG SA KANYA NG ILANG MAMBABATAS
Ang Cavite’s 4th District Representative na si Cong. Kiko Barzaga, nakapanayam ni Jessica Soho. Sa kanyang full interview, sinagot niya ang ilang paratang sa kanya na pagiging isang nepo baby at hindi siya mentally fit na maging isang mambabatas.
Isa si Cong. Kiko Barzaga sa mga mambabatas na kabilang sa henerasyong Gen Z. Ano kaya ang kanilang magiging ambag sa pamahalaan? Sila na nga ba ang magsisimula ng tunay na pagbabago?
MAYOR VICO SOTTO, IPINAHAYAG ANG KANYANG SALOOBIN SA MAG-ASAWANG DISCAYA AT SA ISYU NG DIUMANO KORAPSYON SA GOBYERNO
Si Mayor Vico Sotto, nakapanayam ni Jessica Soho.
Ipinahayag niya ang kanyang mga saloobin patungkol sa mga isyu ng mga Discaya at ang mga alegasyon ng korupsyong kinasasangkutan ng mga ito,
May pag-asa pa nga ba tayong makaahon sa korapsyon?
Ang FULL INTERVIEW ni Mayor Vico Sotto panoorin sa Kapuso Mo, Jessica Soho Podcast.
Ang binansagang 'Nation’s Son', 'Kaldag King', at 2nd Big Placer' sa PBB Collab Edition na si Will Ashley, aminadong "Mama's Boy"! Ang kanya kasing ama, pumanaw na noong siya'y bata pa.
Sa panayam ni Jessica Soho, ibinahagi rin ni Will kung paano siya nagsimula sa kanyang showbiz career at kung paanong pirming nakasuporta sa kanya ang kanyang ina.
“SININDIKATO NA ANG BUONG GOBYERNO.”
‘Yan mismo ang mabigat na pahayag ni Cong. Toby Tiangco sa panayam niya kay Jessica Soho kung saan ibinunyag ni Tiangco kung paano na-manipula ang budget sa Kongreso.
Dito rin niya ikinuwento ang kanyang personal na relasyon kay Speaker Martin Romualdez at kung bakit hindi na sila nag-uusap ngayon.
Naniniwala rin si Tiangco na kailangang magpaliwanag si Cong. Zaldy Co sa bilyon-bilyong inilaan nitong pondo sa iba-ibang proyekto.
Panoorin kung paano nagkaroon ng insertions, ghost projects at kung paanong tila naging negosyo ang pambansang budget sa KAPUSO MO, JESSICA SOHO PODCAST.
DATING COA COMMISSIONER HEIDI MENDOZA AT DATING FINANCE UNDERSECRETARY CIELO MAGNO, ISINIWALAT ANG DIUMANO KATIWALIAN SA ILANG PROYEKTO NG GOBYERNO
Nagpapatuloy ang Special Report ng #KMJS sa usapin ng mga diumano maanomalyang proyekto ng gobyerno at kung paano raw nagagawang makapangurakot ng ilan ng bilyon o trilyong piso.
Jessica Soho, nakapanayam sina dating COA Commissioner Heidi Mendoza at dating Finance Undersecretary Cielo Magno. Gaano nga ba kalala ang korapsyon sa ating bansa?
Panoorin ang uncut interview sa KAPUSO MO, JESSICA SOHO PODCAST.
Mula sa paggawa ng TikTok videos at pagsali sa PBB Celebrity Collab Edition, ang “Island Ate ng Cebu” ay isa na ngayong hinahangaang breakout star.
Sa panayam ni Jessica Soho, hindi napigilan ni Shuvee na mapaluha habang ikinukuwento ang sakit at hirap na pinagdaanan niya bago marating ang tagumpay bilang breakout star ng taon.
Panoorin ang uncut interview ni Shuvee sa KAPUSO MO, JESSICA SOHO PODCAST.
MGA PERANG KINURAKOT, SA CONDO NA NILALAGAY DAHIL 'DI NA KASYA SA VAULT?!
MAYOR MAGALONG, IBINUNYAG ANG UMANO’Y ANOMALYA SA MGA PROYEKTO NG GOBYERNO
Malaking porsyento ng bilyones na nakalaan para sana masolusyunan ang problema sa baha, napupunta lang daw sa kickback?! Sa isang panayam ni Jessica Soho kay Mayor Benjamin Magalong, isiniwalat ni Magalong ang mga umano'y anomalya sa mga proyekto ng gobyerno.
Ang uncut version ng naging rebelasyon ng alkalde kaugnay ng isyung ito, tampok sa unang KAPUSO MO, JESSICA SOHO PODCAST.