Home
Categories
EXPLORE
True Crime
Comedy
Business
Society & Culture
History
Sports
Health & Fitness
About Us
Contact Us
Copyright
© 2024 PodJoint
00:00 / 00:00
Sign in

or

Don't have an account?
Sign up
Forgot password
https://is1-ssl.mzstatic.com/image/thumb/Podcasts124/v4/b5/f6/d5/b5f6d530-f7e7-1074-9e96-ac735566937e/mza_5319022029524991460.jpg/600x600bb.jpg
Infinite Reel Stories
Infinite Reel Stories
18 episodes
4 days ago
Brought to you by 8Letters, this project aims to bring original Filipino content to life!
Show more...
Performing Arts
Arts
RSS
All content for Infinite Reel Stories is the property of Infinite Reel Stories and is served directly from their servers with no modification, redirects, or rehosting. The podcast is not affiliated with or endorsed by Podjoint in any way.
Brought to you by 8Letters, this project aims to bring original Filipino content to life!
Show more...
Performing Arts
Arts
https://d3t3ozftmdmh3i.cloudfront.net/production/podcast_uploaded_episode/11454223/11454223-1639987654216-eb11c3b80ecf.jpg
Ang Lahat ng mga Nilikha by Francisco Arias Montesena
Infinite Reel Stories
12 minutes 46 seconds
3 years ago
Ang Lahat ng mga Nilikha by Francisco Arias Montesena

May ligalig na pumipiglas sa lamyos ng tinig ni Francisco Arias Monteseña. Naroon ang pirming paglikom ng lakas ng loob upang umibig nang buo, kahit laging inuusig ang katuturan ng pagtangi, kaya't "araw-araw [na] kinakapa ang dibdib/ sinisiguradong nasa tamang lugar ang puso/." Mula sa mga karaniwang tagpo gaya ng pagkatinik ng lalamunan, sa matimping desperasyon ng naninibugho, hanggang sa pagpitas ng talinghaga mula sa samutsaring flora, makukutuban ang sabay na kahandaan at pagtangging mabigo, maingat na hindi "dumating nang paragasa// na may batong madudurog/ o may dahong makakasama sa pag-anod.//"   Ilan pa sa pinakamatitining na piyesa ni Monteseña ay nagbubunyag ng pilit na pagsalunga o pag-ahon mula sa lapot ng kawalang-pag-asa, gaya ng huling sandali ng mga manggagawang napiit sa poso negro, o ng mga musmos na nasadlak sa gitna ng digma--pawang mga personang may "mumunting talim ang lihim// na nais itago ng bawat pagkuyom." Sa kabila ng hapdi at dalamhati, mga likha itong nagpapabaon ng lugod, madalas ay dumarating sa"iyong kabuuan/nang payapa, halos di mo alam."                                                                         - Rosmon Tuazon   

Mababakas sa aklat na Ang Lahat ng Mga Nilikha ang isang kamalayan na may matinding pagnanais na magpakahulugan sa danas. Sa pinakamahuhusay sa mga tula, dumadaloy sa mga taludtod ang puwersa ng pagbabanyuhay. May matatag na paniniwala si Francisco Arias Monteseña sa kakayahan ng wika na tinagin ang mundong nariyan na. Sa mga makatang tulad niya, mabisang kasangkapan ang pagtula sa pagsusumikap na maunawaan ang iba at madamayan. Bagamat iba-iba ang tema at estilo, pinagbubuklod ang koleksiyon ng hangarin niyang mabigyan ng angkop na paggunita, dignidad at hustisya sa wika ang kalagayan ng kapwa.                                                                          

-Allan C. Popa


Grab your copy here:

https://shopee.ph/cindycortezwong

www.8lettersbooks.com/shop

https://eightlettersbooks.gumroad.com/


If you like to sponsor our episodes, simply fill up this form: https://8lettersbookstore.typeform.com/to/IUGcAv

How to support us:

Patreon Link: https://www.patreon.com/infinitereelstories

KOFI Link: https://ko-fi.com/N4N57JK3Q


Infinite Reel Stories
Brought to you by 8Letters, this project aims to bring original Filipino content to life!