
Ngayong Women in Translation Month (Agosto), pakinggan ang pagbabahagi ng makata at bilanggong politikal na si Amanda Socorro Lacaba Echanis hinggil sa pagsasalin niya sa makata at pulang mandirigma na si Kerima Lorena Tariman na nasawi sa isang engkuwentro sa Negros noong Agosto 20, 2021. Alamin ang pakikipagkuwentuhang nabibigyang-daan ng pagsasalin, kung bakit ito sinuong ni Amanda at kung paano siya nagsimula, gayundin ang mga balakid at posibilidad nito sa pagpapalaya hindi lamang ng diwa kundi ng buong lipunan.
Unang pinakinggan ang recording na ito sa talakayang "Sali't Salin" na inorganisa ng Gantala Press at ginanap sa Chapterhouse, Sikatuna Village noong Agosto 23, 2025.