
https://www.briandys.com/menor/
---
Oi mga repapips, magandang good day sa inyong lahat!
Ako si Brian Dys, isang composer ng electronic music, photographer at UX designer.
---
Andito ako ngayon para i-share ang isang mensahe na napapanahon sa pagbubukas ng bagong taon.
Nawa'y nakapag-celebrate kayo kasama ng mga kapamilya, kamag-anak at mga kaibigan nang ligtas syempre. Marami tayong maipagpapasalamat.
Sa simula ng taon na ito, isang maganda paalala na lagi tayong mag-menor. Bumagal mula sa tulin ng takbo natin. Pwede ring umatras at bumalik para magnilay-nilay. Take one step at a time, ika nga. Sa kabuuan, maranasan natin ang balance sa iba-ibang anggulo ng buhay natin.
Sa pagtingin natin sa di kalayuan, hangarin natin na magkaroon ng linaw kung saan natin gusto pumunta at ating tahakin ang daan papunta doon. Isang suggestion ko, isulat mo ang mga gusto mong makamit ngayon taon. Sino mo gusto maging? Saan mo gusto pumunta? O kahit maging malinaw lang sayo kung nasaan ka ngayon, malaking bagay na yun.
Ok?
---
Anyway, jam na tayo!
[Music]
Ayos, sana ay nagustuhan niyo.
Salamat, at hanggang sa muli. Ingat mga repapips!