
Oi mga repapips, magandang good day sa inyong lahat!
Ako si Brian Dys, isang composer ng electronic music, photographer at UX designer.
---
Andito ako ngayon para bumati sa inyo ng happy Chinese new year! Padaluyin natin ang magandang suerte sa pamamagitan ng pag let go sa mga
nakaraan --- mapabagay man yan o pangyayari. Hindi man siya madali, kailangan nating subukan.
Sa pag let go lang tayo makaka-move on nang mas magaaan kesa dati. Sa ganitong paraan din magkakaroon ng puwang muli ang mga bago at mas
magagandang bagay sa buhay natin.
Related sa letting go and moving on itong tutugtugin ko, na nagsimula sa isang set ng chords na ayaw akong lubayan, parang siyang LSS. Parati ko siyang tinutugtog para mahanap ko yung tamang timpla pero hindi ko talaga makuha. Parang gusto niyang ipanganak sa mundo regardless sa hitsura niya. Ganun pa man, tatapusin ko na siya para lubayan niya na ako.
Ang title ng kantang ito ay Lubay.
---
Anyway, jam na tayo!
[Music]
Ayos, sana ay nagustuhan niyo.
Salamat, at hanggang sa muli. Ingat mga repapips!