
Season 2 / Episode 7
Kung hindi ka pa nakakakita ng telebisyon sa tanang buhay mo, ang Eat Bulaga ay isang pantanghaling palabas na nagsimula noon July 30, 1979 hindi pa pinapanganak si Tito Magnito may Eat Bulaga na. Nagpalipat lipag ng channels RPN 9 (1979-1989), ABS-CBN (1989-1995) at GMA (1995-2023). Kamakailan lang May 31, 2023 naging masalimuot ang pagpapaalam ng mga paborito nating hosts.
Sa episode na ito, pag-uusapan natin ang mga masasaya at even mga weird na ala-ala ng Eat Bulaga. Even mga palabas bago mag-Eat Bulaga, Lunch Date at SST at even yung mga palabas pagkatapos ng Eat Bulaga, Agila at Valiente.
We shared our own memories of watching the show and why we enjoyed it.
Crazy as Pinoy, StickFiggas Rapublic of the Philippnes, Lady Lee, Aiza, Spencer Reyes, Goyong, Lottong Bahay, Segment extra – Derek Ramsey, Crushes – Cindy Kurletto, Christine Jacobs, Holy Week Drama Specials, Sugod Bahay, Rivalry with Wowowee, Eat Bulaga Indonesia, Sexbomb to EB Babes, Super Sireyna, Pinoy Henyo, Tunog Tao, Super Pinoy, Aldub Phenomenon #TamangPanahon and more.
Pinag-usapan namin pati mga hindi na related sa Eat Bulaga basta pasok sa timeline ng Eat Bulaga. Pinag-usapan namin ang karisma na kakaiba, yung natural na pagpapatawa na kahit may mga pilyong banat e may positibo at wholesome na imahe pa rin sa kabuuan – ika nga, isang libo’t isang tuwa – Eat Bulaga!
Introducing ang mga guests mula Abu Dhabi hanggang San Andres Bukid, in alphabetical order:
Tita Bogs ng Abu Dhabi
Tito Clay ng Caloocan
Tito Zorro ng St. Andrew’s Field