
Isang antigong singsing ang natagpuan sa lumang bahay ng isang pamilya sa probinsya, sinasabing ito raw ay pag-aari ni Haring Solomon at taglay ang kapangyarihang tumawag ng mga espiritu at nilalang ng iba’t ibang daigdig. Ngunit sa kamay ng taong sakim, ang kapangyarihan ay naging sumpa. Unti-unting nagising ang mga puwersang matagal nang nakapiit sa dilim.